-Chapter Nine-

73 5 4
                                    

NAKAUPO si Kristen sa kitchen counter ni Enzo. Nakabuklat sa kanyang kandungan ang planner habang kinukuyakoy niya ang mga binti. Pinanonood niya ang metikulosong paghihiwa at paghihimay ng lalaki ng gulay.

Lahat yata ng green leafy vegetables ay pinakyaw nito sa palengke. May dini-develop na naman kasi itong dressing for vegetable salad.

Wala na siyang mapuwestuhan sa mesa dahil naroon nakatambak ang mga natapos ni Enzo kaya pinagtiyagaan niya ang counter kung saan komportable ang binata sa paghihiwa ng kung anumang tawag sa gulay na hawak nito.

"Are you certain na garden wedding na?" tanong nito habang tinatadtad ang kawawang halaman.

"So far, iyon ang appropriate sa sitwasyon natin," sagot niya. "Alam mo naman na hindi ko gusto ang civil wedding. Tapos feeling ko hindi rin tayo karapat-dapat humarap sa altar. Iyong gondola wedding naman na sinasabi mo, parang extreme na ang dating sa akin."

"May point ka." Ibinaba nito ang kutsilyo. Inipon nito ang mga hiniwa at inilagay sa isang bowl. Binitbit nito iyon at ipinatong sa mesa. Mayamaya ay may hinalungkat sa ref. Ilang bote ang kinuha nito mula roon at dinala ito para ipatong sa kanyang tabi. Nagsimula itong mag-mix ng dressing.

"Gusto mong mag-scout ako ng location?" aniya.

"Ah sige, kung gusto mo. Pero may alam akong magandang garden. Pupuntahan ko sana pagkatapos ng shift ko bukas."

"Okay. Eh di, ikaw na ang bahala sa venue." Nilagyan ni Kristen ng check ang item na tinutukoy roon sa planner. "Food?"

Nakataas ang isang kilay nito nang tumingin sa kanya. "Chef ako, remember?"

Natapik niya nang marahan ang sariling noo. "Oo nga naman. Silly me. How about guests?"

"I'll invite some. Si Claude ang sagot mo."

She check her list again, sabay tingin ulit sa binata.

"Lahat na ng nasa planner ko, ikaw ang gagawa," aniya ng mapansin ang listahan.

"Kung gusto mo, ikaw ang umasikaso," he offered with complete understanding on his voice. "I know you girls like to get involved with the planning."

Tumango siya. Isinara niya amg planner dahil hindi rin naman siya makakapag-isip nang maayos sa mga oras na iyon. She would revise the plan some other time. Itinuon niya ang buong atensyon sa binata.

"How would you kiss me kapag sinabi ng pari na 'you may kiss the bride'?" she asked him out of the blue.

Napatigil si Enzo sa paghahalo ng kung ano mang tawag sa dressing na iniimbento nito. His lips curved into a naughty smile. "How about if I demonstrate?"

Nagsalubong ang kilay niya and pouted her lips para ipakita rito na nag-iisip siya. But deep down inside ay parang kinikiliti na ang tumbong niya sa sobrang kilig. "Hmm, demonstration is good, I think."

Marahan ang ginawa nitong paghakbang patungo sa kanya. In a few slow steps ay nasa harap na niya ito. She needed to look up to him to meet his ever-so-sexy gaze.

"So, how?" she nudge.

"First, I'll cup your face like this," he said softly as he gently put his hands on her face. "And then, I will lean ninety percent toward your face." Inilapit nito ang mukha sa kanya ngunit tumigil ito nang ilang sentimetro na lamang ang layo nila.

"And then?" she whispered.

"You do the other ten percent," he dared.

"Should I? Can't you do the whole hundred percent?"

"Just for now, I can," he said before claiming her lips.

"ENZO, GUSTO KA DAW makausap ni Kuya." Iniabot ni Kristen ang cordless phone sa kanya. Pagkatapos ay sumalampak ito sa sofa at humilig sa kanya. Without thinking it through, iniyakap niya rito ang isang braso.

TERRIFIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon