-Chapter Sixteen-

49 3 0
                                        

"WAKE UP, SUNSHINE!" masayang sabi ni Enzo habang hinahawi ang kurtina ng glass window ng kanyang silid.

Itinakip ni Kristen ang isang palad sa kanyang mga mata na nasisilaw sa liwanag ng araw.

"Flex your muscles, couch potato. Have a quick shower and eat your brunch. Your plane will leave in two hours time. We have to be in the airport in exactly one hour," anito.

Pagkatapos ay lumabas na ito ng silid, leaving her with nothing but confusion.

Matapos ang nangyari nang nakaraang gabi, mali... buong magdamag pala, inakala niyang pipigilan siya nitong umalis para totohanin na nila ang kanilang pagiging mag-asawa. They just consummated their marriage, didn't they?

Clearly, she was mistaken.

Marahan siyang tumayo mula sa pagkakahiga at ininda ang sakit sa pagitan ng kanyang mga hita. Her heart sank when she saw her suitcase already packed.

Parang robot na nag-shower siya. She was hoping that the water dripping down would clear her head. Nang matapos ay isinuot na rin niya ang nakalatag niyang damit sa kama na ang asawa rin ang naghanda.

Pinuntahan niya si Enzo sa kusina upang kausapin sana ito, ngunit ng makita siya nito ay para itong nagmamadali na lumayo.

"Ipinagbalot na lang kita ng makakain. You don't want to miss your flight." Lumakad ito palapit sa kanya at iniabot ang pagkain na nasa supot pagkatapos ay nilampasan siya. "I'll go get your suitcase, so get moving," utos nito.

Gulung-gulo siya sa reaksyon ni Enzo. Hindi niya alam kung ano ang nasa isip nito. Kung ano ang nais nitong palabasin. Kung tutuusin, hindi niya alam kung ano ang dapat niyang gawin para maintindihan ang binata. Para itong excited na hindi mawari sa kanyang pag-alis.

"Kristen, let's go!" tawag nito na papalabas na noon ng bahay.

Nasasaktan siya sa ginagawa nito. That pain tore her heart and numbed her whole being. Lalo pa at hindi siya sinasabayan ni Enzo sa paglalakad dahil nauuna ito.

She would've confronted and asked him what was going on. But the hurt got the best of her.

Maybe he really wants me gone,

she concluded.

She just dwelled in pain on their way to the airport. Hindi siya kinakausap ni Enzo, so hindi rin niya ito kinikibo. Hindi niya kayang kausapin ito. Masama ang kanyang loob. Parang ibang tao ang kasama niya. Tila hindi ito ang katabi niyang natulog nang nakaraang gabi. And she did not know how to deal with that person.

Natatakot din siyang kapag kinausap niya ito ay tuluyang mawala ang taong minamahal niya. Nagdesisyon siyang manahimik na lang at umasa na sana kapag narating na nila ang airport ay pigilan siya nito. Makiusap na manatili na lamang siya sa piling nito.

But there was a thin line between optimism and stupidity. She knew she was about to cross that boundary. Narating nila ang airport nang walang usapan na namagitan sa kanila. Ibinaba ni Enzo ang kanyang mga maleta sa entrance.

"I think, hanggang dito na lang ako," he said calmly. "Have a safe trip, okay? Call me if you need me." Lumapit ito at marahang hinagkan siya sa noo. Hindi na nito hinintay na magsalita siya, agad na itong tumalikod at naglakad na palayo.

Kristen's eyes watered as she watched him walk away. What happened to him? To them? Why was he so cold?

Ngunit hindi niya nagawa pang itanong ang mga bagay na iyon kay Enzo. He obviously did not want her in his life.

Kunsabagay, alam naman niyang hindi siya magiging permanenteng bahagi ng buhay nito. Marahil ay hanggang doon na lang talaga ang lahat.

Although it was breaking her heart in tiny million pieces, she really had to go.

Parang kay bigat ng mga paang binitbit niya ang mga maleta, at pinilit ang sariling pumasok sa airport.

"Arrivaderci, Venice, Italy. Arrivaderci, Enzo."

°°°

Like, comment, follow, share!

---pÜsa★

TERRIFIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon