-Chapter Five-

422 4 0
                                    

NAKAUPO si Kristen sa bench katabi ang isang tasa ng cappuccino. Isa sa mga habit niya ang panoorin ang mga tao sa paligid niya. Siguro dala ng pagiging artist niya ang nakagawiang pampalipas oras na iyon lalo na at napakaraming interesanteng tao ang pari’t-parito sa piazza.

A lot of them were tourist, some students, and employees taking their afternoon breaks, families and sweethearts enjoying the scenery while spending it with loved ones.

The surroundings were something new to her. She would’ve enjoyed it if she wasn’t beating herself up for not being able to evaluate herself quite thoroughly.

Kahit gaano niya pilitin ang sarili na alamin kung saan nanggagaling ang lungkot na nararamdaman sa mga panahong ito ay hindi niya mapiga ang kanyang utak. Wala siyang makuhang sagot.

Bilang alagad ng sining dapat alam niya sa sarili kung saan huhugot ng emosyon at inspirasyon para mabigyang buhay ang bawat obra na gagawin niya. But in reality, she doesn’t have the drive to pursue her chosen career.

Hindi niya mapigilang itanong kung bakit halos lahat ng tao ay hindi kailangang pagdaanan ang kawalan na nararamdaman niya. Na napilitan pa siyang gumawa ng kwento para mangibang bansa para lang magsoul-searching.

Why do most people knew who they are without much effort? What is wrong with her? 

Walang problema ang buhay niya---well, mayroon din naman pero hindi ganoon kabigat. Baka nga sa ibang tao, wala iyong sense.

Why is she feeling that there is something missing in her life, like she was traveling through life without any direction?

Siguro ganoon talaga kapag alagad ng sining, masyadong involved sa emosyon. Masyadong binibigyang kahulugan ang bawat damdamin. Malalim mag-isip.

“Mukhang may naiwan ka sa ‘Pinas ah,” sabi ng tinig ni Enzo na nakaupo na pala sa kanyang tabi na naging daan para bumalik siya sa realidad. Hindi niya namalayang dumating ito at kasalukuyang iniinom na ang cappuccino niyang hindi pa niya halos nagagalaw.

“Emote kung emote ka ha. Kanina pa ako dito, pero hindi mo ako pinapansin. Ano bang pangalan niya?”

“Prospiro Von Tutanes,” seryoso niyang sagot.

Muntik nang maibuga sa kanya ni Enzo ang kapeng iniinom. “Ang sagwa!” bulalas nito habang pinupunasan ang paligid ng bibig dahil sa tilamsik ng kape. “Hindi nga, ‘Prospiro Von Tutanes’ ang pangalan ng boyfriend mo?”

“OA naman ng reaksyon mo!” Inirapan niya ito. “At saka ikaw kaya ang fiancé ko, remember?”

He chuckled. “I’m asking you a serious question. May boyfriend ka bang naiwan sa ‘Pinas?”

“I wish mayroon,” sagot niya at napabuntong-hininga. “Para naman may rason ang pag-e-emote ko.”

“So, nag-e-emote ka nga? May problema ba?” Masuyong tanong nito. His voice sounded full of concern. She gave him a grateful smile for asking. “Don’t just smile at me, Kristen. Tell me your problem, maybe I could help.”

She did not wipe off her smile. “Lapit ka nga dito.” Pinagpag niya ang espasyong nakapagitan sa kanila ni Enzo.

Lumarawan ang nalilitong ekspresyon sa mukha nito ngunit pinagbigyan din ang kanyang hiling. Umusod ito palapit. Nang magkadikit ang kanilang mga braso ay saka siya humilig dito ngunit hindi umabot ang kanyang ulo sa balikat nito.

“Ang tangkad mo naman kasi eh,” reklamo niya.

Tatawa-tawa ito nang iurong ang sarili sa bench para maabot ng kanyang ulo ang balikat nito. “O, ayan, sakto na! Sabihin mo na sa akin ang problema mo, kung mayroon man.”

Umayos siya ng pagkakahilig dito. She heaved a deep sigh, not because she was pulling a theatric act but because she needed to. “Enzo, I think I’m lost. I don’t know what I want, where to go, and how to get there. I’ve always wanted to be an artist, and I became one. I thought it would make me a complete person but now I’m having second thoughts about it. I guess I was wrong.

“There’s this emptiness inside me. Kaya nga ako nagpumilit na sundan si kuya Claude. I want to get to know myself. Find out who I really am, search my soul.”

“Hindi kaya psychiatric help na ang kailangan mo?”

Inalis niya ang ulo mula sa pagkakahilig dito. Humalukipkip siya at saka sumimangot. “Bumalik ka na nga lang sa trabaho mo. May ‘I could help, I could help’ ka pa diyan hindi mo rin naman pala ako seseryosohin,” himutok niya.

Ipinatong ni Enzo ang braso sa kanyang balikat at hinapit siya nito palapit. He hugged her using one arm and she felt comfort. Para siyang bata na nagsumiksik sa tagiliran nito at humilig sa balikat ni Enzo.

She immediately lost her uncertainty as well as felt safe in his arms. Biglang parang nawalan ng sense ang personal crisis na pinoproblema niya kanina.

“I can’t say that I completely understand how you feel or where you are coming from, Kristen, because I never had the chance to analyze whether I truly know myself or not,” he said with so much sincerity in his voice. “Not so many people have the privilege of finding themselves because they have an even bigger demon of a problem to fight with.”

“You’re saying that I’m only creating my own demon? That I don’t have a problem at all and I should get a grip because there’s more to life than my petty little world?”

“No! Hindi ganoon,” anito na hinaplos nang marahan ang kanyang balikat. “It’s just that the complexity of one’s problem depends on the person dealing with it. It might seem shallow to me or to the next person but it’s a great deal for you.

“That’s your journey and your purpose for the time being. You know you need to learn who you are. So, in some ways, you’re lucky that you realized you’re not complete as a person before somebody point it out to you.”

“Bottom line?”

“Do what your heart desires. Continue searching your soul. Keep on looking for answers. Never stop until you find them.” Masuyong tugon nito.

Muli siyang bumuntong-hininga, ngunit ngayon tila mas magaan na ang pakiramdam niya. It was good to know that somebody was willing to listen to her so-called woe, kahit pa nga hindi iyon naintindihan nang husto ni Enzo, kahit paano ay nakinig pa rin ito sa kanya.

Malaking bagay sa kanya na nagbigay rin ito ng opinion at payo tungkol sa mga hinaing niya sa buhay.

“Picture perfect itong moment na ito, Enzo!” nakangiti niyang saad nang ibahin niya ang usapan. “Para talaga tayong lovers na naglalambingan sa gitna ng parke sa romantikong bayan ng Venice.”



TERRIFIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon