"SIGURADO kang ayaw mo sa fine dining restaurant?" muling tanong ni Enzo na para bang hindi makapaniwala na mas pinili niyang mag-snack sa isang pizza parlor.
"Sa tuwing nagluluto ka ng dinner, para na rin naman akong nasa fine dining restaurant," rason ni Kristen. Totoo iyon, pero hindi iyon ang tunay na dahilan kung bakit gusto niya sa pizza parlor.
"Iba ang sarap ng pagkain kung may ibang tao sa paligid mo," argumento nito. Wala yata itong plano na pagbigyan agad ang kanyang kahilingan. Parang naghahamon pa ng debate.
Iba naman talaga dahil siguradong romantic ang atmosphere sa ganoong restaurants. Pero pagkatapos nitong bawiin ang pagbili ng singsing niya, dadagdagan lang nito ang sama ng loob niya kung sa ganoong lugar sila kakain.
"Okay, I'll be honest with you, Enzo. Nagke-crave kasi ako sa pizza," kaila pa rin niya.
Tinignan siya nito ng mataman. Maya-maya ay nagkibit-balikat na lang ito. It was just a way of yielding to her request. "Let's go to Pizza Al Volvo then,they serve the best pizza around here."
"Okay," maiksi niyang sagot. Nilakad lamang nila ang sinabi nitong pizza parlor dahil nandoon lamang iyon sa square.
Hindi naman nagtagal ay narating din nila ang binanggit nitong pizza parlor. Pinili niyang maupo sa open-air dining area para nakikita pa rin niya ang kabuuan ng piazza.
"Order muna ako. Gusto mo ng maraming toppings, di ba?"
Tango lang ang isinagot niya. Iniwan siya ni Enzo doon upang pumasok sa loob. Pinagala niya ang paningin sa paligid. It was a very busy location; tourists were all over the place. The place was very cosmopolitan. Asians, Europeans, Americans and Africans have their representatives roaming around the piazza. Some of them might be tourist also, like her.
"I'm starting to get jealous with whatever or whoever it is that's been eating you," nagbibirong sabi ni Enzo nang bumalik ito.
"You don't seem like the jealous type," turan niya, meeting his stare. His eyes were smiling, hers were accusing.
"I'm a green-eyed monster," amin nito. "I'm the kind of guy who build his world around his girl."
She chuckled. "Do you expect me to believe that?"
"Is it so unbelievable?"
Kunwa ay nag-isip siya ng isasagot. "Not quite. It's just that you don't seem to be the kind of guy that you claimed to be. For one, nakita ko ang relasyon sa pagitan ninyo ni Michelle noon. Parang cool na cool ka lang noon kahit pa nagpupunta siya sa mga parties na hindi ka kasama. That didn't give me an impression that you're a jealous type."
"Thanks for the vote of confidence," sakastikong sabi nito. "Pero nai-consider mo ba na bata pa rin ako that time? I was confident as hell because I was popular. Ngayon, things have changed. Pero salamat pa din sa hindi mo pagtitiwala sa sinabi ko."
"Anytime," she said coolly. Ignoring his tone.
Dumating ang in-order nitong pizza na nagsilbing pagtatapos ng issue na iyon. Kumuha ito ng isang slice upang ilagay sa kanyang plato. Pagkatapos ay kumuha ito ng isa pang slice. Sa bibig nito dumeretso iyon. Nainggit siya kaya sinabayan niya ang pagkain nito.
"What about the wedding?" pagsimula nito ng bagong usapan. "Puwede na tayong mag-apply sa city hall so we can get it over and done with."
"Civil wedding lang?" Parang bigla siyang nagkaroon ng migraine dahil sa sinabi nito. Itinigil niya ang pagkain sa sama ng loob. Bigla siyang nawalan ng gana.
"Yeah. Why? Do you have something else in mind?"
Bumuga siya ng hangin. If her engagement ring wouldn't materialize, although it was depressing, she would be fine with it. But to have a real non-memorable wedding was a different matter.
BINABASA MO ANG
TERRIFIED
Short StoryKristen felt na may kulang sa buhay niya. At dahil sa kakulangang iyon, nakarating siya sa isa sa pinaka-romantic na lugar sa mundo, ang City of Venice sa Italy, sa halip na sa France kung saan niya balak mag-soul searching. Natagpuan niya doon ang...