-Chapter One-

152 6 1
                                    

“You don’t get me, Ma!” halos mangiyak-ngiyak na sabi ni Kristen habang nagmumukmok sa pang-isahang sofa. Madiin niyang ipinikit ang mga mata upang piliting tumulo ang kanyang luha ngunit sa malas ay hindi nakikipag-cooperate ang kanyang tear glands.

“Ako nga, Kristen Claudelle, tigil-tigilan mo dyan sa kaka-drama mo,” sigaw ng ina mula sa kusina.

“You don’t understand! You never did.” May halong panunumbat ang kanyang tono. Nang masigurong nakuha na niya ang kalahati ng atensyon nito ay humagulgol siya, “Nobody loves me!”

“Anong ‘nobody loves me’?” Palapit na ang tinig ng mama niya. Hindi nagtagal ay nag-materialize ito sa kanyang harapan at namaywang.

“I want a new life, Mama.” Mababa ang boses niya nang sabihin iyon. Kunwa ay nakatitig siya sa carpet na para bang ito talaga ang kausap.

“Anong new life, new life? At ano ang gusto mong gawin ko? Patayin kita ngayon din para ma-reincarnate ka?” May sarkasmo ang tinig nito.

“You see! You see! Hindi mo talaga ako naiintindihan,” she pointed out. Ipinatong niya ang dalawang siko sa mga hita, pinagsalikop ang kamay at doon ibinaon ang mukha. “If you’re half the mother that you’re supposed to be, you would understand me, Mama.”

Naramdaman niya ang tila pag-alog ng paligid nang lumipad sa kanyang ulo ang throw pillow na inihagis nito sa kanya. “Ouch!” Sinapo niya ang bumbunan na tinamaan. “Mama naman eh, you really don’t know your own strength… solid kaya yon. Kapag nagka-hemorrhage ako, kasalanan n’yo.”

Naupo sa katapat na single sofa ang ginang. Kung kanina ay nakasimangot ito, ngayon ay pinili nitong tingnan siya na para bang awang-awa sa kanya. “Kristen, anak, pwede bang tigil-tigilan mo na ang kaartehan mo? May mga sandaling natutuwa ako sa mga drama mo, pero may mga pagkakataon ding gusto na kitang sakalin dahil naha-high blood na ako sa’yo.”

Pinahid ni Kristen ang luhang kumawala sa kanyang mga mata. Naiinis siya sa wala na naman sa timing nito dahil kung kailan niya napagpasyahang tumigil na sa pag-iinarte ay saka naman ito tumulo.

“Sinabi nang tigilan mo na iyang kaartehan mo!”

“Ito na nga po! Pinupunasan ko na, wait lang.”

“Ano ba kasi iyang mahigit isang linggo mo nang inginangalngal sa akin?”

“Ma, ayoko na dito sa Pilipinas.”

“Huwag kang mag-alala anak, hindi ka rin gusto ng Pilipinas. Wala na nga lang siyang magawa dahil minalas na dito ka ipinanganak.”

“Mama naman! Ngayong seryoso na ako, kayo naman ang namimilosopo.”

“O, siya, siya. Ano ngayon ang gusto mong gawin ko?”

“Kausapin ninyo si kuya. Sabihin ninyo na kuhanin na niya ako dito.”

“Anak, kung madali lang bang sundan ang kuya mo sa France, baka matagal ka nang nandon. Alam mo namang gustong-gusto kang makasama noon dahil ikaw ang baby niya.”

“Ang sabihin ninyo, kaya nagdadalawang-isip si kuya na kuhanin ako para makasunod sa kanya doon ay dahil ayaw ninyong pumayag ni Papa.”

Pinaikot ng kanyang ina ang mga mata pagkatapos ay itinirik. “Anak naman kasi, ano ba ang gagawin mo doon?”

“Mama, gusto kong ma-experience ang winter. Gusto kong maranasan ang magsuot ng boots and coat at magpa-picture sa snow. Gusto kong gumawa ng snowman.”

“Iyan ang dahilan kung bakit hindi kami mapakali ng Papa mo. Beinte-syete  ka na, isip-bata ka pa rin.”

“Correction, Mother Dear, child-like po ako.”

TERRIFIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon