NAILABAS NA NI KRISTEN ang pinakahuling maleta niya sa sala. Handa na niyang iwanan muli ang asawa.
Naipaalam na niya kay Enzo ang kanyang damdamin, pero wala eh. Walang nangyari. He was still a denial emperor. Hindi nito nagawang aminin na mahal siya nito. He built a concrete wall all over him. She tried to penetrate the barrier, but he would not let his defenses down. Kahit sa kanya.
"Need help with the luggage?" untag ng boses ni Enzo.
Nakatayo ito sa kanyang likuran. His voice was as cold as corpses in a mortuary yonder.
"I think I can manage," she said dryly.
"You want me to take you to the airport?"
Bumuntong-hininga siya. "I want you to leave me alone."
Nalimutan ba nitong kagabi lang ay nag-away sila? Why couldn't he just stay angry and pick a fight with her? Para mag-away sila at magsigawan hanggang ma-settle nila ang issue. Hanggang aminin nitong mahal din siya nito.
Damn him for feigning that her impending departure didn't affect him. Damn him for acting like nothing happened last night.
"If that's what you want," he said. Mabilis siya nitong iniwan at pumasok na sa silid nito.
Awang ang bibig niya nang mawala ito sa kanyang paningin.
Hindi na talaga niya masakyan ang takbo ng utak ng asawa. Oo, asawa dahil kasal pa rin sila. Pero hindi naman siya ganoon ka martir o ka tanga para hayaan na lang itong ipalimot sa kanya ang konting pride na natitira niya at mataas na pagpapahalaga niya sa sarili.
Andito na naman siya sa airport. Ngunit sa pagkakataon ngayon, hindi na siya umaasa pa na darating si Enzo at pipigilan siya sa pag-alis.
Malakas siya. Magagawa niyang mabuhay kahit wala si Enzo. Pilit niyang kumbinse sa sarili. Kakayanin niya. Kailangan.
°°°
Like, comment, follow, share!
---pÜsa★
BINABASA MO ANG
TERRIFIED
Short StoryKristen felt na may kulang sa buhay niya. At dahil sa kakulangang iyon, nakarating siya sa isa sa pinaka-romantic na lugar sa mundo, ang City of Venice sa Italy, sa halip na sa France kung saan niya balak mag-soul searching. Natagpuan niya doon ang...