-Chapter Thirteen-

71 3 1
                                    

“STAI ATTENTO,” habilin ni Enzo sa kahuli-hulihang bisita na umalis sa reception na ang ibig sabihin ay ‘Take care’.

Kanina pa niya hinubad ang kanyang suit ngunit naiinitan pa rin siya. Naparami ang inom niya at idagdag pa na napagod siya sa pakikipagsayaw kay Kristen. Kaya kahit malamig ang simoy ng hangin ay tumatagaktak pa rin ang pawis niya.

Naupo siya sandali sa isa sa mga silya roon upang magpahinga. Maliwanag ang paligid ng garden dahil bukod sa mga ilaw ay may nakasinding lampara sa bawat mesa na napapalibutan ng makukulay na bulaklak na nagkalat sa din paligid. Dumadapyo sa kanyang ilong ang mabangong amoy. Ipinikit niya ang mga mata.

He breathed the serenity of the surrounding. He had to take it all in because his life had been nothing but a roller coaster ride all these years. It had been a while since he felt serenity from the inside. The tranquility may just last for a while and he needed to seize the moment. Kapag iminulat niya ulit ang mga mata, babalik na naman siya sa tunay niyang mundo. Sa reyalidad ng magulo… at malungkot niyang buhay.

Bigla na lang pumasok sa kanyang isip ang pag-uusap nila ng kaibigan. May napukaw na kung ano sa kanyang damdamin nang tanungin siya ni Claude kung nilagyan din ba ni Kristen ng liwanag ang buhay niya. Because she did. Ginawa nitong makulay ang mundo niya the moment she stepped into his lifeless existence.

Sa maraming paraan, nagkaroon ng excitement ang paggising niya sa bawat umaga. Ang kaisipang gagawa siya ng isang espesyal na bagay para sa isang tao ay nagdulot ng kakaibang sigla sa boring niyang mundo.

Tulad ng pagtitimpla ng kape nito sa umaga, o ipagluto ito ng breakfast o lunch o kahit dinner pa. Kahit maglakad lang kasama nito o mag-usap tungkol sa kung anu-anong senseless na kuwento. Those simple things brought strange happiness to him.

Ginawa niya ang lahat ng magagawa para mapasaya ang dalaga ngunit mas higit ang pangangailangan niyang mapasaya ang sarili. He was happier each time she was happy.

Si Kristen na siguro ang huling asawa niya. Wala na siyang plano pang magpakasal muli pagkatapos ng divorce nila.

Why bother? Wala sa plano niyang muling dumanas ng parehong emotional torture na naranasan niya nitong nakaraang taon.

“There you are my dear husband.”

Ang tinig ni Kristen ang naging daan para imulat niya ang kanyang mga mata.

“Tired?” masuyong tanong nito nang nasa harapan na niya ito.

“Not really,” sagot niya. He took her hands and held them tightly. “Ikaw?”

“Hindi rin. Kailangan ko lang umupo.” Akmang tatayo na siya para ikuha ito ng silya nang ibagsak nito ang sarili sa kanyang kandungan. “Don’t bother looking for a chair hubby. I’ve already found one.”

Nais sana niyang ayusin ang pagkakalapat ng paa sa lupa ngunit dahil sa bigat ni Kristen ay hindi niya iyon magawang igalaw. “Sweet wife, umayos ka ng upo.”

“Uy, tinawag niya akong sweet wife,” biro nito na pinisil pa ang kanyang pisngi.

“As a person, sweet ka naman. At kanina lang ay ikinasal tayo, so wife na kita.”

“Kakakilig ka naman!” Ilong naman niya ang pinagdiskitahan nito.

“Buti ka pa kinikilig. Ako kasi nangangalay. Ayos ka muna ng upo,” biro niya.

Umayos naman ito. “So, what about our honeymoon?” she asked playfully, obviously seducing him. “Shall we do it tonight?” Taas-baba ang kilay nito.

“Don’t tempt me, wife,” sawata niya. “Stop teasing me or I’ll surely ravish you.”

“Oh!” she sexily batted her eyelashes, then she slowly moved her face closer and whispered. “I can’t wait.”

TERRIFIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon