HINDI makapaniwala si Kristen habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa salamin. She was not just beautiful that day, she was glowing. Hindi niya pinupuri ang sarili dahil pinanganak siyang conceited. Hinahangaan niya ang sariling ganda dahil nararamdaman niya galing iyon sa kaligayahang nararamdaman. Hindi rin iyon dahil maganda ang pagkaka-makeup sa kanya.
Tumayo siya at marahang umikot-ikot sa harap ng full-length mirror para i-model ang wedding dress na siya mismo ang nagdisenyo.
Masyado siyang tutok sa pagmamasid sa sarili at hindi niya namalayang bumukas ang pinto ng silid at iniluwa niyo ang kanyang Kuya Claude.
“May paikot-ikot ka pa d’yan,” biro nito. “Enzo really knows how to make a girl feel special, doesn’t he? Siya rin ba ang pumili nito?” he asked as he smelled the flowers.
Kinuha niya ang bouquet mula rito at tiningnan iyon. Isang yellow rose ang nakapagitna sa bungkos ng eleven red roses. Love and passion raw ang ibig sabihin niyon. “Bading si Enzo, Kuya! Siya lahat ang nagplano ng kasal na ito.”
Humalakhak ang kapatid niya. “Kapatid nga kita. Alam mo bang ‘yan din ang sinabi ko nang bisitahin ko ang venue kanina. Biruin mong alam ang meaning ng bawat bulaklak na nagkalat sa paligid. Hindi na nahiya’t ikinuwento pa sa akin. Si Enzo talaga!”
It was her turn to smell the flowers; just so she could hide the sudden leap of excitement she felt when she heard his name. “Nagkita kayo ni Enzo kanina?” she asked trying to sound casual.
Limang araw na niyang hindi nakikita ang lalaki. Nag-uusap lang sila sa telepono para sa finalization ng kasal. Na-hostage kasi siya ng kuya Claude niya pagkarating na pagkarating nito, at pinag-stay sa hotel na tutuluyan nito sa loob ng limang araw.
Hindi n’ya akalain na mapaniwalain kasi ito sa pamahiin, lalo na sa kasal. O baka naman sadyang nang-a-asar lang ito. Na para bang may isang magba-back out pa sa kanila ni Enzo.
Na-realize niyang hindi sumagot si Claude sa tanong niya. Nag-angat siya ng mukha para lang masalubong ang mataman nitong pagkakatingin sa kanya.
“What?” she asked.
“Did you happen to fall in love with my bestfriend, baby girl?”
“Ano ba yang pinagsasabi mo, kuya?”
“You know exactly what I mean, little sis.”
“Your imagination is just playing with you, big bro,” pahayag niya para tapusin na ang paksang iyon. “Or maybe the atmosphere is getting into your head.”
“I hope so. Sana nga pinaglalaruan lang ako ng imahinasyon ko,” he said without a trace of conviction in his voice.
KRISTEN stood anxiously inside the gazebo. Dapat ay nasa tabi ni Enzo ang kuya niya bilang bestman. Ngunit dahil wala ang kanilang mga magulang sa nasabing okasyon, hiniling ni Kristen na ihatid siya nito sa altar.
Inilibot niya ang paningin sa napiling venue. Puno ng sari-saring halaman at bulaklak ang paligid at may lagoon pa. Maaliwalas rin ang panahon, perfect para sa kasalang magaganap. She could also smell the entire sweet flora in the air.
Hanggang sa maramdaman niya ang pagtapik ng wedding coordinator, signaling them to start walking down the aisle. Kung hindi dahil sa kuya niya, baka kanina pa bumigay ang mga tuhod niya sa sobrang panginginig habang naglalakad papunta sa harap ng altar kung saan naghihintay si Enzo.
Hindi niya maipaliwanag pero para bang hindi sumasayad ang kanyang mga paa sa lupa habang naglalakad sa aisle at dinaraanan ang mga guests nila na ngayon lamang niya nakita sa tanang buhay niya.
Apparently, mga kasamahan lamang iyon ni Enzo sa trabaho. Ni hindi nito inimbitahan ang mga kaibigan at kamag-anak. Si Claude lamang ang tanging naroong kadugo ng isa sa kanila.
She looked at Enzo and for a fleeting second she thought she saw him fidgeting. Nang magtama ang mga paningin nila, ngumiti ito. She smiled back.
Hindi na naalis ang pagkakatitig niya sa mga mata nito kahit nang marating nila ang puwesto nito. Her brother kissed her and shook Enzo’s hand as he hand her over to his bestfriend. Enzo seized her hands and squeeze them lightly.
“Thanks for all these, Enzo,” hindi niya napigilang sabihin nang nakaharap na sila sa pari.
“Shh, don’t ruin the moment,” he whispered while still holding her hands like he would never want to let her go.
Nagsimula nang magsalita ang pari ngunit hindi niya naiintindihan ang sinasabi nito dahil bukod sa Italian ang lengguwaheng gamit, nakatuon ang kanyang isip sa katotohanang ikinakasal siya sa lalaking noon pa niya pinapangarap. She was also aware that every now and then, Enzo was squeezing her hands.
“YOU MAY KISS THE BRIDE,” anunsyo ng pari sa lengguwaheng Italyano.
Tahimik lang si Claude habang pinanonood si Enzo na itaas ang belo ng kapatid niya. Nang yumuko si Enzo para halikan si Kristen na tinugon nito, ay napaisip siya.
There is definitely something going on between the two them. Was it the way Enzo held Kristen’s hands? The way they tilt their heads as the kiss went on? Their body language perhaps?
Halos sigurado na siya nang mga oras na iyon na in love sa isa’t isa ang dalawa. But the one million euro question is: Alam kaya ng mga ito ang tungkol sa feelings na iyon?
Kung anuman ang nangyayari at mangyayari pa sa pagitan nina Enzo at Kristen, hahayaan niyang ang mga ito mismo ang makadiskubre. However, it would not hurt to snoop around. And maybe, give them a little push in the right direction. Afterall, he was the cupid who brought them together.
°°°
Like, comment, follow, share!
———pÜsa★
BINABASA MO ANG
TERRIFIED
Short StoryKristen felt na may kulang sa buhay niya. At dahil sa kakulangang iyon, nakarating siya sa isa sa pinaka-romantic na lugar sa mundo, ang City of Venice sa Italy, sa halip na sa France kung saan niya balak mag-soul searching. Natagpuan niya doon ang...