“THERE’S a change of plan, baby girl,” bungad ng kuya Claude niya ng tumawag ito sa kanya.
“Ha?” Kristen’s sanity was shaken. Kani-kanina lamang nang sagutin niya ang telepono ay para siyang lumulutang, expecting the good news. Ngunit dahil sa panimula nito ay parang nilipad sa hangin ang kanyang pag-asa. “What do you mean ‘change of plan’, kuya?”
“May kinausap akong tao dito sa embassy para sa petition papers mo,” eksplika nito. “Pero ayon sa kanya, it’ll take years bago ma-grant ang petition.”
“Oh no, paano yan?” aniyang pinanghinaan ng loob. “Kuya, by the time na makuha mo ako rito, baka sira na ang ulo ko!”
“What’s new? Matagal na naming alam na sira ang ulo mo. Kasalanan yan ni Papa eh. Naalala mo yung kwento ni Mama, di ba nahulog ka nung minsang si Papa ang nagbabantay sa’yo nung six months ka pa lang.”
Napasimangot si Kristen sa narinig. The price she had to pay for being a well-known drama queen. Kahit seryoso na siya sa sinasabi ay wala pa ring naniniwala. Not being taken seriously by the people around her has started to feel like a curse.
“Big Bro, listen to me okay.” Nilangkapan niya ng authority ang tinig. “I need to get out of here. And I need to get out, ASAP.”
“Aba, sige po, Kamahalan. Mamadaliin ko po,” sagot ng kuya niya.
She rolled her eyes heavenward. Isa pang napakalaking problema ang maisilang sa pamilya ng pilosopo. Bibihira ang pagkakataong nag-uusap sila ng matino.
“Kuya naman e! Please. Nakikiusap ako,” himutok niya. “Gustong-gusto ko na talagang makapunta d’yan.”
Marahil ay naramdaman nito ang depresyon sa kanyang tinig. “Gumagawa naman ako ng paraan, Kristen. At saka, teka nga, bakit ba may urgency ka sa pagpunta dito? Buntis ka ba? Plano mong magtago dito?”
“Celibate kaya ako. Hindi ko pa nasusubukang tanggalin ang chastity belt ko. Saka artist ako kuya, hindi artista,” ganti niya sa biro nito. “Basta, kapag andiyan na ako saka ko ipaliliwanag ang talagang reason ko. Just please help me na, kuya.”
“Gaano namang katagal na paliwanagan iyan?”
“Naman, kuya! Focus!”
“O siya, ito na ang bagong plano. Hindi na ako mag-a-apply ng petition. Nakausap ko kasi si Enzo. Natatandaan mo naman siguro siya dahil nagka-crush ka sa kanya dati. Anyway, doon ka dederetso sa kanya sa Italy. Ilang buwan kang titira sa kanya and then pupuntahan kita doon at saka kita dadalhin dito.”
Pagkarinig ng pangalan ni Enzo ay automatic na gumalaw ang kanyang kamay para ipitin sa likod ng tenga ang ilang hibla ng buhok sabay kagat ng labi. Nagpa-cute siya na parang nasa harapan niya ang binata. “Ano naman ang gagawin ko sa Italy?” Nag-iba ang tono ng kanyang boses. Nagkaroon ng lambing, napuno ng kilig.
“Siya ang mag-i-invite sa iyo papuntang Italy. Kunwari fiancée ka niya para mas mapadali ang pagkuha niya sa iyo. May kaibigan siya sa embassy nila so within four months ay maipapadala na ang fiancée visa mo.”
Naramdaman ni Kristen ang pag-angat ng kanyang mga paa sa lupa pagkatapos ay sinalo siya ng imaginary duyan at inugoy-ugoy sa alapaap. Siya? Si Kristen Claudelle Avila? Fiancee ni Lorenzo Armand Villeza? Oh, come on! It was way more than what she bargained for, if she ever bargained for anything at all. Para tuloy gusto niyang kalimutan ang soul-searching na siyang tunay na rason kung bakit siya mangingibang-bansa.
“Magpapakasal kami?”
“Yup! Legal ang kasal para makakuha ka ng residency, pagkatapos mag-change of citizenship ka na rin. Then you can live here with me.”
Huwaaat!? Soon to be Mrs. Lorenzo Armand Villeza, is that me? Masasaktan ka ba kung sa Italy na talaga ako titira nang permanente, kuya? Sa piling ni Enzo? Parang gusto niyang itanong kay Claude. Hindi na yata niya kailangang hanapin pa ang sarili. Mukhang si Enzo na ang bubuo sa kanyang pagkatao.
“Hoy, Kristen! Naririnig ko ang tumatakbo diyan sa isip mong babae ka. Huwag mong molestiyahin sa utak mo si Enzo!”
“Wala naman akong iniisip na ganon noh! Malinis ang pagnanasa ko dun sa bestfriend mo kuya.” She mused.
“Heh! Umayos ka at baka magbago ang isip ko, sige ka.”
°°°
Like, comment, follow, share!
———pÜsa★
![](https://img.wattpad.com/cover/19480071-288-k858362.jpg)
BINABASA MO ANG
TERRIFIED
Cerita PendekKristen felt na may kulang sa buhay niya. At dahil sa kakulangang iyon, nakarating siya sa isa sa pinaka-romantic na lugar sa mundo, ang City of Venice sa Italy, sa halip na sa France kung saan niya balak mag-soul searching. Natagpuan niya doon ang...