NAKATAMBAY SI KRISTEN sa labas ng café habang pinanunuod ang paghagibis ni Enzo na parang kasali sa 100 meter dash. Ilang taong kasalubong nito ang nagbigay-daan sa takot na mabunggo nito at tumilapon sa kung saang parte ng kalye.
"And the gold medal goes to Lorenzo Armand Villeza," aniya nang makalapit ito sa kanya.
"Sorry, sorry," hingal-kabayo nitong sabi nang magpreno sa tapat ng kanyang mesa. "Sandali!" inilagay nito ang dalawang kamay sa mga hita at hinabol ang paghinga. Mayamaya ay naupo ito, "Kanina ka pa?"
"Kadarating ko lang, pansin mo hindi pa ako nakaka-order?"
"Ah, ganoon ba?" Ibinuka nito ang bibig upang sumagap ng oxygen.
Napansin niya ang pagtulo ng ilang butil na pawis mula sa buhok nito.. "Bakit ka naman kasi nananakbuhan, mister?"
"Akala ko kasi kanina ka pa naghihintay. Tumawag ulit ako sa bahay, wala nang sumasagot. Hindi ako nakapag-out agad kasi maraming parokyano. Kailangan ko pang hintayin 'yung isang chef para mag take-over," paliwanag nito. "Kailangan ko ng tubig." Akma itong tatayo nang pigilan niya.
"Ako na ang kukuha." Inunahan niya ito sa pagtayo at pumasok sa loob ng café. Humingi siya ng tubig. Paglabas niya bitbit ang isang baso ay inagaw agad iyon ni Enzo at inubos.
"Grazie," anito nang malagok ang laman.
"Enzo, hindi mo naman kailangang mag-out sa trabaho para samahan ako."
"No, no, no!" kontra nito. "It's my wedding, too and I'd love to get involved."
Nang sandaling iyon ay parang gusto niyang talunin ang mesa sa pagitan nila para yakapin ang lalaki. Naantig ang kanyang damdamin sa importansyang ipinapakita nito sa kanilang kasal.
She was scheduled to visit the couturier of her wedding gown. Siya mismo ang nag-design niyon.
Actually, nang sumang-ayon si Enzo sa garden wedding na minimithi niya, sapat na sa kanya ang magsuot ng ready-to-wear dress. But fate had a way of making her feel special.
Isang gabi sa pagpaplano nila ng kasal ay nahulog ang sketch na ginawa sa kanyang planner. It fell faced up kaya hindi man sinasadya ay nakita iyon ni Enzo. He picked it up and studied it.
Lovely dress, bagay sa iyo,"
he said afterwards. "Why don't we find a good couturier to bring this to life?"
Tumanggi siya, hindi dahil nag-iinarte siya kundi dahil sobra-sobra na ang tulong nito. Ngunit nagpumilit si Enzo na ipatahi nila ang damit na iyon. Hindi sana siya papayag kung hindi lang siya tinakot nito na imbis na sa garden ay sa isang liblib na kagubatan sila ikakasal at 'Lord of the Rings' ang magiging tema. He seemed quite serious when he threatened her so she gave in.
In the end, she would get her dream wedding dress. Ngayon nga ang schedule niya sa mananahi. Balak niyang pumunta doon, pero tumawag si Enzo para sabihing sasamahan siya nito.
"How about your tux?" untag niya rito. Baka mayamaya, ang ganda-ganda ng wedding gown niya samantalang ito ay nakapang-uniform ng chef dahil wala na itong pambili ng sariling damit. Or worse, isuot nito ang tux sa naunang kasal.
"I've found one. Nakapag-deposit na ako; I'll pick it up pag nakapag-full payment na," sagot nito. "May I see your planner?" hiling nito.
Iniabot niya iyon ditto. Enzo spread it open on the table and scrutinized the notes written down on it. Kinuha nito ang ballpen sa bulsa ng polo. He started to scribble something to her list.
She looked at him. Enzo seemed to be deeply engrossed with his own thoughts. Natuwa siya nang magkaroon ng pagkakataong pagmasdan nang malaya ang guwapong mukha nito-ang mukhang laman ng kanyang panaginip noong siya ay dalagita pa lamang. Ang mukhang pinapantasya niya nang mga oras na iyon.
BINABASA MO ANG
TERRIFIED
Short StoryKristen felt na may kulang sa buhay niya. At dahil sa kakulangang iyon, nakarating siya sa isa sa pinaka-romantic na lugar sa mundo, ang City of Venice sa Italy, sa halip na sa France kung saan niya balak mag-soul searching. Natagpuan niya doon ang...