-Chapter Twelve-

30 2 0
                                    

THE PHOTOS WERE ALREADY TAKEN. Almost half the time during the photo shoot, Kristen was watching Enzo through her peripheral vision. Tiningnan niya kung paano o anong klase ng ngiti ang ibinibigay nito habang kinukuhanan sila ng larawan. So far, so good. Dahil mukhang totoo ang mga ngiti nito.

Enzo kept his promise. Sana alam ng lalaki kung gaano siya ka-thankful dahil dito. Kunsabagay, kung ito na nga mismo ang nag-ayos ng buong kasal, dapat ba siyang mangamba tungkol sa ngiti nito sa pictures?

Siya na yata ang pinakamasuwerteng bride sa buong mundo. Lalo pa nga siguro kung totoo ang wedding na 'yon.

Now, she wondered, why did he get divorced twice? Sa sobrang kabutihan nito, wala siyang makitang rason para iwan ito ng mga babaeng una nitong pinakasalan.

Ni minsan ay hindi niya ginawang mag-usisa kay Enzo tungkol sa bagay na iyon. Hindi rin naman ito nagkukuwento sa kanya. Pero ngayon, siya na ang asawa nito, nais niyang malaman ang kuwento ng buhay nito.

Mahirap pa rin para sa kanya na paniwalaan iyon: she was no longer Kristen Claudelle Avila, but Mrs. Kristen Claudelle Villeza. Enzo's wife. Wow.

"Bakit tahimik ang bagong kasal?"

Tinig ni Claude ang nagpabalik sa kanyang kamalayan sa reception. Nakatayo ito sa kanyang tabi at tinatanaw ang mga bisita.

"Nag-iisip ako kung paano kakausapin ang mga iyan." Inginuso niya ang mga tao sa paligid. "Hindi ako nag-aral ng Italian, at hanggang ngayon, "ciao', 'grazie', at 'buon appetito' lang ang alam kong sabihin."

"Really?" Nakataas ang isang kilay ng kuya niya.

"Kanina ko pa napapansin iyang James Bond attack mo sa akin kuya ha," puna niya. "Ano ba talaga ang gusto mong marinig?"

"Ako?" Itinuro nito ang sarili. "May gustong marinig sa iyo? Bakit, may gusto ka bang sabihin? I'm all ears, honey."

"Drop it, big bro!" she said, sounding like it was a plea. Kung mayroon siyang hindi gusto sa kapatid, iyon ay ang malakas na intuition nito. And more often than not, it was accurate.

"If it makes you happy, baby girl," Claude said obligingly.

For a while, nanatili silang nakatayo roon at hindi nag-uusap. They were just enjoying the joyful commotion, watching the entertaining chaos of the guests.

"Kuya," she called him.

"Yeah?"

"Thank you for this. Thank you for everything you've done for me." Humarap siya rito at inabot ang kamay nito. "Have I ever told you that you're the best big brother in the whole world? I can never thank you enough. Whatever I have, I owe them all to you. You never know how lucky I am to have you. I love you so much."

"Oh, my baby!" Claude cried and hugged her tightly. "You don't have to thank me. I love you so much and I'd do anything in the world for you."

"Thank you," she said again. She almost added, for taking me to Enzo.

"You'll always be my baby girl kahit may asawa ka na!" Pinisil nito ang kanyang ilong nang maghiwalay sila, parehong nakangiti at nangingislap ang mga mata sa pinipigilang luha.

"May asawa, huh!" aniyang natawa. "Alam naman nating sa iyo pa rin ako pupunta kapag naghiwalay na kami ng asawa ko."

"Ikaw naman!" Marahan nitong binunggo ang balakang niya. "Kakakasal mo pa lang, hiwalay na agad ang nasa isip mo."

"Eh, doon din naman talaga ang tuloy nito."

"Huwag mo munang isipin iyon. Enjoy mo muna ang buhay may asawa."

TERRIFIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon