-Chapter Six-

29 3 0
                                    


NILILIPAD NG HANGIN ang mabangong amoy ni Kristen patungo sa kanyang ilong. Enzo liked how she smelled. Like a baby.

Nakatanaw man siya sa kabilang parte ng piazza, aware siya sa closeness ng katawan ng dalaga sa kanya. He was a little uncomfortable about the way he caressed Kristen's bare arm but he couldn't help doing so. There was an unexplainable pleasure that creeped over his whole being as he touched her soft and warm skin.

Iyon ang unang pagkakataon, matapos ang ikalawa niyang marriage, na isang babae ang pumaloob sa mga bisig niya. He was not sure if he just missed the feeling of holding someone or it was just Kristen who was making him aware of all these weird feelings.

He wanted to believe that it was the latter ngunit hindi niya gustong lagyan ng malisya ang kung ano man ang mayroon sila, hindi dapat.

Fiancee nga niya si Kristen, ngunit kunwari lang naman iyon. Tinutulungan lang niya ang dalaga. Papel lamang na magbibigay ng residency sa Italy ang dahilan kung bakit siya pakakasalan ng nito.

Kapag kasal na sila, malaya na itong pumunta kay Claude para sa France na manirahan. Magiging Italian citizen na rin kasi ito kapag pinakasalan niya.

He was just doing her a favor, wala ng iba. Sooner or later, pupunta na ito sa France. He would be left in Venice with nothing but another divorce paper on his list of life's failure. Kristen would be his third wife and most probably the last.

Kristen's arrival in his life brought so much difference. She was full of life and it was infectious. Matapos ang second marriage niya, matapos niyang matagpuan ang asawa na may kasamang ibang lalaki, na-depress siya. He had become a recluse for a time.

Ngayon lang muling sumaya ang monotonous niyang buhay. At iyon ay dahil kay Kristen. Inaamin niya na madaling mahuhulog ang loob niya rito kapag nagkataon.

Ngunit sa ngayon ay hindi pa naman siya in love sa dalaga. Marahil ay napa-paranoid lang siya sa pagkakayakap niya rito.

Here he was, celibate since his last marriage, holding a very attractive girl in his arms---natural lang na magwala ang hormones niya, wala nang iba.

PUMASOK SI KRISTEN sa isang magarang restaurant na nasa gitna ng plaza. The place screams of money as well as surrounded by a very elegant atmosphere. May mangilan-ngilan lamang na kumakain.

Hindi pa man siya nakakatawid sa kalagitnaan ay may sumalubong na sa kanyang isang magandang waitress na very warm ang pagkakangiti.

"Do you have a reservation, Signora?" magalang na bati nito sa kanya.

"Hmm, no. Actually, I'm looking for someone," tugon niya. "I was informed that he works here. His name is Lorenzo, Lorenzo Villeza."

Tila nag-iba ang anyo nito pagkarinig sa pangalan ni Enzo. Para ngang naging stiff ang tono nito. "He just finished his shift. He'll be out here in a moment. Would you mind taking that seat by the podium while you're waiting for him?"

Nginitian niya ito. "Thank you!" aniya saka tinungo ang podium na sinasabi nito. Pagkaupo ay muling nahagip ng kanyang paningin ang waitress na kani-kanina lamang ay kausap niya.

She watched her enter a door that seems like the entrance to the kitchen. Nanatiling nakatutok sa pinto ang kanyang mga mata kahit nang wala na ang babae sa field of vision niya.

Napangiti siya nang bumukas ang pinto at iniluwa niyon si Enzo. Subalit mabilis din iyong napawi nang makita niya ang waitress na nakasunod dito.

Napakunot ang kanyang noo habang pinanonood ang pag-uusap ng dalawa. There was something in the way Enzo spoke; it looked like he was almost whispering. Maging ang pagkakatingin ng babae rito na para bang pinakakaintindi ang sinasabi ng una.

She had never been a jealous girlfriend to her exes. Ngunit nang sandaling iyon, parang gusto na niyang magselos sa tila closeness ng dalawa.

Nakita niyang umalis na si Enzo at iniwan na lang basta ang waitress. Nagtaka man sa inasal ng lalaki, nagkibit-balikat na lang si Kristen.

"Let's go!" bungad nito nang makalapit sa kanya. Para itong nagmamadaling makaalis sa restaurant na iyon.

She stood up and walked after him. Ito ang nagbukas ng pinto para siya makalabas. Before she was out of the door, Enzo held her elbow na para bang inaalalayan siya. Or was he nudging her to move fast?

"Bakit mo ba ako pinapunta dito?" kapagkuwan ay tanong niya. Tumawag kasi ito sa kanya para lamang sabihin nitong daanan niya ito sa trabaho. Hindi naman nito ipinaalam kung ano ang rason.

"We are going to buy you an engagement ring," he announced like it was an ordinary activity.

But she ignored his tone. Naramdaman kasi niya na nag-twinkle ang kanyang mga mata at pumalakpak ang kanyang tainga. Wala sa plano nila ang tungkol sa singsing, but more than anything else, she wanted the world to know that he was hers. And the ring would symbolize that.

Ambisyosa!

asik ng isang tinig ng anghel sa utak niya. Enzo is your fiancé, all right! But don't you ever forget that this marriage is only for convenience.

Pinitik niya sa isip ang atribidang anghel. Kunsabagay, may point din naman ang sinabi nito. Siya na nga ang tutulungan ni Enzo para maging Italian citizen, pagagastusin pa niya ito sa pagbili ng singsing.

"Do we have to?" she asked.

"Bakit? Ayaw mo?"

"Hindi naman sa ganoon. Kaya lang, parang hindi naman kasama sa plano natin ang engagement ring."

Tiningnan siya ni Enzo na para bang tinatantiya ang sinabi niya. Sinubukan niyang huwag lagyan ng ekspresyon ang kanyang mga mata para hindi nito mabasa ang tunay niyang saloobin.

"Okay! If you think buying an engagement ring is not a good idea, huwag na lang tayong bumili."

Her heart sank when she heard his reply. Para tuloy gusto niyang batukan ang sarili dahil sa kaartehan. Kahit paano kasi ay umasa siyang pipilitin siya nito.

Bakit mag-i-insist itong bilhan siya ng engagement ring kung props lang naman iyon sa drama nila?

"Since hindi naman tayo bibili ng singsing, why don't I just tour you around the city?" suhestiyon nito.

"Great idea!" kunwari ay masaya niyang sabi rito.

Congrats, Kristen! You would win a Tony award for this role you're playing right now---a girl with grace even under greatest disappointment.

"How about we eat first?"

"Your call." Nakangiti pa ring tugon niya.

"Then maybe we can talk about the wedding over snack?"

"Can't wait!"

°°°

Like, comment, follow, share!

---pÜsa★

TERRIFIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon