TAHIMIK ANG GINAWANG pagmamasid ni Kristen sa paligid. Ninanamnam niya ang lamig ng hangin habang nililipad niyon ang kanyang buhok.
She instantly fell in love with Venice. Tila ba nababalot siya ng kakaibang damdamin habang binabaybay ng vaporetti ang Grand Canal. It was overly romantic that a cynic would puke over the atmosphere of the city. It was like everything around her seemed cheesy and mushy but in a good way.
Idagdag pa ang pagkakadikit ng kanilang mga balat ni Enzo habang nakaupo sa open-air waterbus na iyon. Kanina pa niya pinipigilan ang sarili na ipatong ang ulo sa balikat nito. Baka kasi magulat niya ang binata at itapon siya sa canal. Nang bigla na lang liparin ang scarf sa kanyang buhok. Mabuti na lang at naagapan iyon ni Enzo.
“Akin na. Kapag hindi ko naitali ang buhok ko, siguradong parang pugad ng ibon mamaya ‘to pagbaba natin.” Ngunit ng kinukuha na niya ito rito, inilayo nito ang kamay na may hawak sa scarf.
“Ako na lang. Talikod ka sandali,” he volunteered to tie her hair instead.
Pilit niyang itinatago ang kilig habang pinakikiramdaman na marahan nitong iniipon ang buhok sa kamay nito. Nanayo yata ang buhok sa kanyang batok nang madaanan ng daliri nito ang parteng iyon. Ingat na ingat ito sa ginagawa. Ilang beses pang humingi ito ng paumanhin nang hindi sinasadyang mahila at sumabit ang buhok niya sa kamay nito bago ito matapos sa pagtatali.
Natatawang nilingon niya ito. “Hindi naman ako babasaging Kristal, Enzo. Hindi mo kailangang humingi nang paumanhin sa bawat maliliit na bagay.”
Ngumiti lamang ito. Ibinalik na lang niya ang pansin sa biyahe.
Nakaramdam siya ng munting tensiyon na hindi niya alam kung saan nanggaling. Nang biglang basagin ni Enzo ang katahimikan.
“Kristen, tingnan mo yung white building na iyon.”
Itinutok niya ang paningin sa tinuro nito, “Let me guess, iyan ang bahay mo.”
Parang may nagliparang paro-paro sa kanyang tiyan nang tumawa ito. “Iyan ang Guggenheim Museum. May obra d’yan sina Picasso at Pollock.”
“Ay, iyan ba iyon? Napag-aralan ko sa Humanities ang museum na iyan. As far as I can remember, it embraces cubism, surrealism and abstract expressionalism. Hindi ko nga ma-gets ang mga iyon.”
Tila gulat ang binata nang tumingin sa kanya. “I thought you were into arts. Sabi ng kuya mo, artist ka daw.”
"Oo nga... Fine Arts ang natapos ko, pero hindi talaga maabot ng utak ko ang mga ganyang uri ng sining. Actually nawi-weirduhan ako sa mga taong binanggit mo.”
“Ah, talaga?” Inilagay nito ang kamay sa baba at marahang hinimas-himas iyon. “Ano naman kaya ang ipinagkaiba mo sa mga iyon? Kasi sabi rin ng kuya mo, weird ka din naman.”
Marahan niyang siniko ang tagiliran nito. Hindi niya maipaliwanag ang pakiramdam. She was so happy… seemed like the hollow space in her heart had suddenly been patched by Enzo’s laughter.
Agad niyang pinalis ang isiping iyon. Nasa Venice siya para mahanap ang sarili. Her soul searching was the most important thing right now. Finding her individuality was a lot more important than her juvenile crush on him.
Hindi niya kailangan na i-focus ang konsentrasyon sa lihim na pagtingin niya rito. Afterall, Venice was just a detour for her. France was her original destination.
“Tell me more about you,” hiling ni Enzo. “Maliit ka pa kasi nang umalis ako sa atin.”
“Wala namang nagbago. Maliit pa din naman ako hanggang ngayon.”
Kinurot siya nito sa pisngi. “I mean, bata ka pa noon. I was already twenty-one at that time. Naaalala kong isinama ka pa nga ng kuya Claude mo nang maghatid sila sa akin sa airport.”
Correction, nagpumilit akong sumama. In my own little way, I want to bid you farewell,
pagtatama ng isip niya sa sinabi nito. And for crying out loud, stop pretending like you are a decade older than me. Anim na taon lang ang agwat natin.
Pero hindi niya iyon sinabi. “Well, ganito pa rin naman ako. Same old same old,” sa halip ay aniya.
“Was that bitterness or boredom in your voice?” puna nito. Mataman siyang tinitigan ng mga mata nitong tila laging iiyak. Puppy eyes.
“Don’t get deceived by me. I act most of the time. I’m an artist remember?”
“And a pretty one, too.”
“So I’ve heard.”
Natawa si Enzo. “Wow, yabang!”
“Humble pa nga ako n’yan, actually.”
“Tama nga ang kuya mo, sira-ulo ka nga.”
“Hey!” She playfully slaps his arm. “That’s not the proper way to talk to your fiancée, mister.”
“Oh, right!” kunwa ay nakisakay ito. “I’m sorry miss.”
“It’s okay, you’re forgiven. So kailan ang kasal natin?” she asked more casually than she really felt.
“Siguro as soon as possible. You decide when and where.”
“Aba, very considerate naman pala ang soon-to-be hubby ko. Sige, ako na ang bahala sa kasal natin.”
Napangiti si Enzo. “You know it’s funny that you’re talking like it is just some sort of a date. I haven’t even proposed to you and all. And besides, marriage is just a piece of paper.”
“Talking like a true cynic,” biro niya. “Marriage is sacred on my part, mister. Well, the real marriage, if you know what I mean.”
Tumingin si Enzo nang deretso sa kanyang mga mata. Napawi ang ngiti na kani-kanina lang ay nakapinta sa mga labi nito. “I stopped believing in the sanctity of marriage, and what it represents for quite some time now. Having been married twice, that both ended in divorce made me distrust everything to do with it. Experience has taught me to become a cynic.”
Napaawang ang kanyang bibig sa sinabi nito. Married twice? Divorced twice?
°°°
Like, comment, follow, share!
———pÜsa★
BINABASA MO ANG
TERRIFIED
Short StoryKristen felt na may kulang sa buhay niya. At dahil sa kakulangang iyon, nakarating siya sa isa sa pinaka-romantic na lugar sa mundo, ang City of Venice sa Italy, sa halip na sa France kung saan niya balak mag-soul searching. Natagpuan niya doon ang...