-Chapter Three-PART 1-

113 6 0
                                    

"I'M GETTING married," pigil-hiningang anunsyo ni Kristen sa kumpol ng mga kapwa artist at models na nagpapahinga sa coffee shop na paborito nilang tambayan noong nag-aaral pa sila sa UP. Katatapos lang nila sa isang group session kung saan kumukuha sila ng modelo para mag-post at iguhit na kadalasan ay bare.

Nagpalakpakan ang mga ito sa kanyang ibinalita.

"Congratulations," ang katagang paulit-ulit niyang narinig. Ilan pa nga sa mga ito ay lumapit sa kanya para bigyan siya ng mainit na yakap.

"Wait! Sandali lang!" sigaw niya. Pinalis niya ang kamay ng isang kaibigang lalaki na yayakap sana sa kanya. Mga nakangiti ang mga ito sa kabila ng nagpoprotesta niyang reaksiyon. "Hindi n'yo man lang ba itatanong kung sino ang pakakasalan ko?"

"Si Peter," sigaw ng isa sa mga lalaki. Nakipag-high five pa ito sa katabi.

Nagkabuhol-buhol ang kanyang mga kilay, "Sino si Peter?"

"Aba, malay ko!" sagot ng sira-ulong nag-imbento ng pangalan.

"Ah, alam ko na," hirit pa ng isa. "Siya ang make-believe fiancé mo, para sa make-believe wedding mo."

Ngali-ngali niyang talunin ito para batukan kundi lang umalingawngaw ang tawanan sa loob ng coffee shop. Wala siyang nagawa kundi ang makisabay sa halakhakan ng mga kasamahan. Ngunit kahit halos labas na ang ngala-ngala niya sa katatawa, sa sulok ng kanyang puso ay may munting lungkot na nadarama. Maaari kasing iyon na ang isa sa mga huling araw na makakasama niya ang mga ito.

Kahit papaano ay mami-miss din naman niya ang mga ito. Pero for some reason, she felt that she doesn't belong in that group anymore. Ang mga tao sa paligid niya ay mga kilala sa larangan ng sining at seryoso sa kanilang napiling propesyon.

Mga pintor at skultor na kilala ang kanilang mga sarili at kung saan patungo ang kanilang buhay. They were good at their craft. She was an artist, too, only without depth. Dahil sa kanyang palagay ay hindi niya nabibigyang hustisya ang pagiging isang pintor. How could she? When she can't even justify being herself. Kung kaya sa palagay niya ay hindi na siya nararapat pang ilinya sa magagaling na katrabaho. Dahil kinakapa pa niya ang sarili. Siguro kapag dumating na ang panahon na kilala na niya ang sarili, mararamdaman na rin niyang karapat-dapat na siyang mapabilang muli sa mga ito.

AEROPORTO Di Venezia Marco Polo, Venice, Italy...

Tulak-tulak ni Kristen ang baggage cart palabas ng arrival area. Nakangiti siya habang naglalakad at binabati ng "Ciao" ang bawat taong nakikita niyang nakatingin sa kanya. May mangilan-ngilan na sumasagot sa kanya ngunit mas marami ang nangde-deadma.

Dere-deretso siya sa paglakad, hindi mawala-wala ang matamis na ngiti sa labi.

This is the beginning of a new chapter in the life of Kristen Claudelle Avila,

aniya sa sarili. My soul searching has begun.

Narating na niya ang exit ng airport ngunit wala pa siyang nakikitang placard na may nakasulat na pangalan niya. Tumigil siya upang hanapin ang isang pamilyar na mukha sa kulumpon ng mga tao na naroon. Na kahit nag-iba na ang hitsura ay nakakasiguro siyang makikilala pa rin ng kanyang musmos na puso.

Tingin sa kaliwa, lingon sa kanan. Walang kumakaway o tumatawag sa kanyang pangalan. Hmpfh, late! reklamo niya sa sarili.

Nanatili siyang nakatayo roon upang hintayin si Enzo subalit wala sa kanyang plano sng mapanisan ng laway. Itinuon niya ang atensyon sa mag-inang nakatayo malapit sa kanya. Balak niya sanang kausapin ang babae para hindi sana ma-bore nang makarinig siya ng isang tinig.

"Kristen?"

Isang baritonong boses ang nagpalingon sa kanya. Papalapit ang isang lalaki na tila hinulog ng langit para lamang kantahin ang kanyang pangalan.

Katulad ng dati, naging slow motion ang bawat galaw ni Enzo sa kanyang paningin. Para siyang nasa loob ng sinehan at nanonood ng larger-than-life moment na iyon.

"Grabe, ang laki mo na!" tila hindi makapaniwalang sabi nito.

"Look who's talking!" sagot niya ng tumigil ito sa kanyang harapan. Nakatingala siya sa binata habang sumasayaw-sayaw sa kanyang ilong ang pabangong gamit nito. "Ano ba ang height mo?"

"Six-two," sagot nito, flashing his pearly white teeth na ikaluluma ng mga modelo ng toothpaste.

Aw, shit! Ibalik mo ang puso ko, kailangan ko pang mabuhay.

Lumapit si Enzo sa kanyang cart, at walang kahirap-hirap na binuhat ang dalawang maleta at sinabing, "Let's go!"

"Okay," she said trying to hide the tingling sensation in the pit of her stomach.

"Probably, you knew that Venice isn't a car freak city."

Tumango siya. She did a bit of research about Venice and she found that it was the largest urban car-free area in Europe. Isa itong archipelago na binubuo ng higit sa isandaang pulo, formed by one hundred fifty canals and shallow lagoons. So, out ang Ferrari, in ang bangka.

"There is a direct bus between Marco Polo and the Piazalle Roma then from there sasakay tayo ng bus pamosong---"

"Gondola," nagmamagaling na putol niya rito.

"Mali," natatawang sabi nito, "Motorized waterbuses ang sasakyan natin dahil babaybayin natin ang Grand Canal. Vaporetti ang tawag doon. There's water-taxis also."

"Ah, ganoon ba? Good! Gusto kong ma-experience ang vaporetti. Wala sa Manila niyan," pagkuwan ay turan niya para maitago ang pagkapahiya. Hindi na niya kailangang problemahin ang pagba-blush dahil kung mayroon siyang sigurado sa sarili, iyon ay ang abilidad na hindi mamula kahit mapahiya.

"Venice, is the world's only pedestrian city, mas madalas ay naglalakad lang ang mga tao doon, and the absence of cars makes this a particularly pleasant experience. Iyon nga lang, ang paglalakad at pagtayo maghapon ay nakakapagod, so it is best to pace yourself. Ang Rialtine islands - the 'main' part of Venice - ay kaya mong lakarin sa loob lamang nang isang oras, provided you don't get lost. Which is actually a common occurrence sa mga tourist na nag-attempt na gawin 'yun without any guide or map." Tila tourist guide na litany ni Enzo.

"Paano kung gusto kong mamasyal?" she endulged.

Ngumiti si Enzo. "If you want to get around a bit more quickly, there are numerous vaporetti. They are generally the best way to get around, even if the service route map changes frequently. Kapag kasi yung water taxis ang sinakyan mo, medyo mapapamahal ka. Kung gusto mo nang mas-intimate ride sa mga canals, best bet ang gondola, although they tend to exist for more scenic purposes, meaning they're not really for transportation." Pagtatapos nito.

TERRIFIEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon