1. Their Wish is My Command

662 10 10
                                    


"Mitch, come on..I badly need you with this one.."

Naipikit ko na lang ang mata ko sa sinabi ni Althea. Pang-ilang ulit ko na nga bang narinig iyon? Mahigit sampung beses na yata.

"Sampid ka lang sa pamilyang ito, Michelle, kaya wala kang karapatang tumutol sa lahat ng iuutos namin sa'yo.."

Naalala niya na naman ang tinig na iyon ng Ama niya. Ayon sa mga kwento na naririnig niya mula bata pa sya..ipinagpilitan syang ipakupkop ng mama niya sa pamilya Abueva. Sa totoo niyang ama na kasal at may pamilya na. Kapalit ng malaking halaga at tuluyang paglayo ng totoo kong ina, ay pumayag sila.

Abueva Clans hated her eversince. Anuman ang gawin niya, sundin man niya lahat ng gusto ng mga ito..sampid pa rin sya.

"Mitchie naman..sige na please.."

She sighed. Nakasanayan niya na ring sundin lahat ng demand lalong-lalo na kay Althea. Her half-sister. Magkaedad lang sila nito. Ito lang ang bukod tanging malapit sa kanya. And as a sister..she will do everything for her..

"Bakit mo pa kasi kailangang idispatsa si Ric, eh base naman sa kwento mo..mabait sya, matangkad..gwapo..?" takang tanong niya rito. Wala talaga itong kasinggulo sa buhay. Halos isang taon na rin ata ang relasyon ng kapatid niya sa Ric na yun..na ni hindi nya pa nameet dahil busy syang tumulong dito sa hacienda ng mga Abueva.

Althea pouted. "Oo nga..pero alam mo yun..walang spark..and Daniel came along..lahat ng spark..nasa kanya. And..besides..alam mo namang pinagbigyan ko lang ang hiling ng Mama. Botong-boto yun kay Ric eh dahil mayaman sila Ric."

Tita Jade has always been like that. Kahit kay Althea na anak nito ay kinokontrol nito lahat.

Nang mamatay ang Papa nila, unti-unti nang lumulubog ang kabuhayan ng Abueva. Kaya marahil, gusto ni Tita Jade sa sa mayamang angkan mapunta si Althea para makinabang sya.

"Ang hirap sa mama mo, laging sa materyal na bagay tumutingin, eh ano naman kung simpleng tao lang si Daniel.."

Althea rolled her eyes at her. "Exactly, Sis. Kaya nga help me na.."

Wala na. Talo na naman ako. Ginamit niya ang magic word na "Sis".

"Okay..okay..paano ba kita matutulungan??"

"Hay naku sis, di ka naman pala nakinig sa simula ng kwento ko.The plan is this, you just have to put this sleeping drug in Ric's food or drink. Then sleep together..pipicturan ko kayo..plus bigla ako kunwaring darating..tapos magagalit ako. Then I will break up with Ric. The end!"

May palakpak pang kasama ang pagdedetalye nito ng plano na para bang mamimigay lang sya ng candy sa gagawin niya.

"We will sleep together?" paglilinaw niya.

"Wag kang green, Mitchie. Tulog nga sya di ba. Kunwari lang tulog ka rin. Bago ko kayo pipicturan." Althea chuckles.

"Aish...ano na naman kayang kapahamakan ang kahahantungan ko sayo.." napapakamot na iling nya.

Althea just playfully grinned.

Hirap magkahalf-sister ng makulit.
____________

Mitch POV:

We're here in Althea's condo unit. Para raw hindi sila mapakialaman ng mama Jade nito.

Halos buong maghapon na yata kaming nandito. She dyed my hair. RED lang naman ang kulay..todo tutol ako nung una..pero tinakot nya ako na puputulan niya ang mahaba kong buhok kaya pikit-mata niya akong napapapayag.

"Ayan..perfect..naglight ka tingnan..you're stunning as ever, Mitchie!!" palatak ni Althea matapos matuyo ang buhok niyang bagong kulay.

"Bakit pa kasi kailangang kulayan yung buhok ko, Sis. Anong connect
Tapos pati dress ko pulang-pula rin..pati heels..pati underwear..ano pasko na!?"

Bahagya nitong hinila ang anit ng buhok ko at pinadilatan ako ng mata. "Para naman may dahilan akong magselos kahit kunwari lang..hahaha..sa tingin mo ba convincing kapag ang plain-plain ng itsura ng 3rd party? Besides, after the plan, ibabalik na natin sa original color yan."

"Aishh..dami mong alam, Thea."

_____________________________________

Mitch' POV:

Nanginginig ako hindi dahil sa lamig, kundi dahil sa kaba.

Siomai! Ano ba 'tong napasukan ko kay Althea. Tsk!

Sa isang kilalang hotel ang party ng Sandoval Corporation. Meaning..nandito ang misyon niya. Si Ric. Maingay na at nagkakasiyahan.
Nagawan ni Althea ng paraan ang pekeng ticket para makapasok ako sa event na iyon.

I keep on checking my phone, sabi ni Althea ay itetext na lang siya nito kapag nandoon na si Ric.

I don't have any idea what he looks like..maski fb picture ay wala man lang maipakita si Althea sa kanya. Wala raw kasi talaga itong amor sa Ric na iyon.

Nagpapakalma ako sa hardin ng hotel na iyon nang magtext si Althea. Hawak ko na ang kopita ng alak na nilagyan ko na ng gamot na pampatulog. Kung paano ko iyon maipapainom kay Ric ay hindi ko rin alam.

Hindi rin naman kasi akong pwedeng magstay sa loob ng matagal dahil mabubuking ako, wala akong kakilala roon.

He's at the garden daw. I called him. No one's there but him as he said. So keep an eye on him and start with the plan. Love you, Sis.

Pilit niyang inaninag ang Ric na tinutukoy nito habang nag-iisip ng technique.

A. Aalukin ko siyang uminom sa hawak kong kopita?

Pero bobo lang naman ang tatanggap ng inumin sa taong estranghero na katulad ko di ba?

Aish!

B. Pilit kong ibubuka ang bibig niya bago ibuhos ang laman ng kopita?

Eh paano kun mas matangkad pa sya sa'kin? Paano ko maaabot?

C. Iinom ako pero di ko lulunukin, tapos hahalikan ko sya para maipasa ko sa kanya yung alak??

Yikes! Ang gross!

Palingon-lingon ako sa likod ko ngunit wala akong makita ni anino.

"Who the hell are you, lady?"
nagtayuan lahat ng balahibo ko at napatalon ako sa gulat nang may magsalita.

Natapilok tuloy ako ng bahagya.

Aww shit..

Pero di ko ininda ang pagkatapilok ko. Mamaya na. Kaligayahan ni Althea ang nakasalalay dito.

I turned around to see the owner of that cold voice.

And I swear, I forgot to breathe for awhile.

Standing infront of me is a dashing man, with lips closed tightly as if irritated, brows in one line and deep set of eyes..staring at me.

"Who the hell are you? You're not part of our company, this is an exclusive event for us so how the hell did it happen that you were allowed here" ulit nito sa kanya.

Pakiramdam ko nasa desyerto ako at nanunuyo ang lalamunan ko.
Ang sungit niya! Halos manginig ako sa takot.

Sheetttt..mabubuking ako.
Wala sa loob na nainom ko ang kopitang hawak ko..

Huli na ng marealize kong may pampatulog nga pala iyon..

Oh heck! Ang epic ko talaga..yari na Althea..

Martyrdom of MimiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon