Route 7

3.8K 109 13
                                    

Today's the start of our midterms. Mas maaga ako kaysa sa nakagawian kung kaya't wala pang tao sa loob ng room. I decided to go to the canteen to eat breakfast first. Hindi ako makakapagconcentrate kung walang laman ang aking tiyan.

Hindi ako nagbreakfast sa bahay. Mula noong Biyernes ng gabi ay hindi ko pa muling nakakaharap ang aking mga magulang. I'm not really avoiding my mother. Alam kong pinatatagal ko lang ang mangyayari. Magagalit at magagalit si mommy sa ginawa ko but... Shit. Who am I kidding? I am avoiding her!

Ipinilig ko ang aking ulo at naupo sa bakanteng lamesa. Tahimik sa canteen dahil maaga pa. Tatlong lamesa pa lamang ang okupado. I started pouring the honey syrup on the pancake that I bought.

Hindi ko mapigilan ang pag-iisip sa maaaring gawin ni mommy. I know I'm overthinking but I can't help it. That's my mother. She has her ways to everything. Minsan pa lamang ako lumabag pero ganito na ako kung kainin ng aking konsensiya! Daig ko pa ang nagnakaw sa aking nararamdaman!

"You would not want to eat a pancake with overflowing syrup, would you?" I snapped out of my train of thoughts when someone beside me spoke.

I saw a pair of gray eyes directly looking at me. I blinked twice.

"You're spacing out." I felt something warm in my hand. Tumingin ako doon. He's holding my hand. Kinuha niya ang hawak kong bote ng honey syrup at inilapag iyon. I then looked at him again.

"Eos..." lumingon ito sa akin. The familiar curves of his lips caught my attention.

"Why, Empress? Is there a problem?" He asked.

Naalala ko ang post niya sa instagram. I didn't try to confront him about that though. Ano naman ang isasagot ko kung sakaling bumalik sa akin ang kanyang tanong? Oh. I should stop overthinking!

"Nothing!" I smiled at him. Tumusok ako ng pancake at isinubo iyon. Naubo ako nang manuot ang lasa sa aking lalamunan. Sobrang tamis!

"Hey! Easy!" Tinanggap ko ang inabot niyang bottled water. Huminga ako ng malalim ng mahimasmasan. I felt all my blood rising when I heard his laughter.

"Wala kang pasok?" Nakasimangot kong tanong dito para itago ang pagkapahiya.

"I have." He said. Tumingin pa ito sa kanyang relo. "1pm."

1pm? Tumingin din ako sa aking relo. It's too early. 6:50am pa lang!

"Didn't know you're this dedicated with your studies." Pang-asar ko dito. He only gave me a lopsided smile. Nag-iwas ako ng tingin. Kinuha ko ang cup ng fruit salad na kasama sa mga binili ko kanina. I can't eat the pancake anymore so...

"I am." Sabi nito. I didn't answer him.

Natahimik ang paligid naming dalawa bago ito tumikhim.

"Come with me?" He asked. Ibinaba ko ang kinakain dahil ubos na rin iyon. Lumingon ako sa kanya.

"Saan?"

Inikot ko ang aking paningin sa paligid. I didn't expect him to bring me here. Libro. Puro libro ang paligid. He took me to our college's library. 8am pa ang dapat na pagbubukas ng library kaya kami lang ang nasa loob. May susi siya nito kaya kami nakapasok.

Nakatitig lang ako sa kanyang ginagawa. He opened all the lights. Naglog siya doon at inilapag ang kanyang bag sa counter.

"Upo ka muna." Ininguso niya ang mga upuan na nakapatong isa-isa sa lamesa bago hinarap ang air conditioner. Lumakad ako doon at inayos ang isa para makaupo.

Ilang sandali lang ay umupo na siya sa aking tabi. May mga hawak siyang makakapal na libro at ilang handouts. Inilapag niya iyon sa lamesa. B Law 4: Sales, Agency and other Contracts, Introduction to Civil Law, Remedial Law 1: Criminal Procedure and-

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon