"This is what I want, Ma! This is what I love!" Tahimik akong nakamasid sa pinapanuod na pelikula ng nakababata kong kapatid.
I am sitting pretty on my room's couch while she's sitting on the floor, hugging a bowl of popcorn. Hindi ko alam kung bakit siya dito sa kwarto ko nanunuod. I actually want to take a rest and sleep to my heart's content.
"That will lead you nowhere, Julia! Wala kang mararating sa gusto mong iyan!" Her mom yelled. Sumagot muli ang bida at nakatanggap ng sampal galing sa kanyang ina.
Hindi ko alam ang title ng movie na ito. Kahit ang mga gumaganap ay hindi sikat. Ni hindi ko alam kung saan ba galing ng kapatid ko ang cd.
"I wanna be like her, Ate!" Tumayo ang kapatid ko at nagpagpag ng shorts. Umupo ito sa tabi ko.
Itinakwil ang bida ng kanyang ina. Natapos ang movie na naabot ng bida ang kanyang pangarap pero hindi na bumalik pa sa nakasanayang buhay. She met an ordinary guy and they got married.
"And why is that?" I asked. Inayos ko ang magulo na nitong buhok.
"Because she chose what her heart desires. She got her happiness." Kibit balikat nitong sagot. I laughed.
"And where did that came from? Sa kakabasa mo iyan ng romance novels, eh." I told her. Humarap ito nang nanlalaki ang mga mata sa akin.
"Hala ka, Ate! Hindi kaya. I am confidently beautiful with a heart kasi! Thank you!" Tumawa ito ng malakas.
"Itago mo ang mga iyon, ha, Trisha. Mom will get mad at you if she finds out about those books." Paalala ko dito.
My sister is in second year high school. She wants to learn more about life itself. Ito naman talaga ang stage kung saan gustong mag-explore pa ng mga kabataan. But our mom won't approve. Ayaw niya ng mga walang kwentang bagay. At isa ito sa maraming walang kwentang bagay para sa kanya.
Ang dami pa niyang itinanong sa akin. Umalis lang ito nang ipaalala ko ang kanyang mga assignments. I'm done with mine. I told her to ask for my help kung may hindi siya maintindihan. Pagkauwi nila mommy, siguradong ichicheck nito kung tapos na ng kapatid ko ang lahat ng kailangan nitong tapusin.
That's our mom. She wants everything to be perfect. Bawal ang magkamali para sa kanya. Kaya hindi ko rin masisi ang kapatid ko kung nagtatago ito ng ganoon kay mommy.
I sighed as I took my phone from the bedside table. May text doon galing sa kaibigan ko.
From: Keana Diaz
At Eula's place. Sumunod ka na lang kapag nagbago na ang isip mo, D.
I sighed again. As much as I want to come with them, ayoko naman na pagalitan ako ni mommy. She doesn't like my friends. She never did. Hindi daw sila magandang impluwensya sa akin. I don't even know what made her think like that about them.
Nagreply na lang ako kay Keana na masakit ang puson ko. Alam nilang ayaw sa kanila ni mommy. Wala akong sinabi pero siguro'y naramdaman nila iyon. Besides, I've been friends with them since I entered college and that was 2 years ago.
Dumating ang dinner. Tahimik kaming kumakain. Si daddy at mommy lang ang nag-uusap tungkol sa opisina. Nang dumako ang tingin ko sa kapatid ko, nakita ko siyang pasulyap sulyap sa mga magulang namin.
"So how's your homeworks, Trisha?" Mom asked. Natigil sa pagsubo ang kapatid ko. Napakagat ito sa labi bago sumagot.
"T-tapos ko na po, mommy." Mahina nitong tugon. Nagtaas ng kilay si mommy sa kanya kaya nagyuko ito.
Hindi ko alam kung kailan nag-umpisang umusbong ang malaking pagitan sa kay mommy at sa aming magkapatid. Si daddy naman ay tahimik lang tungkol dito. I know that he can feel it but he chose to keep mum about it.
BINABASA MO ANG
Make Me Yours (Lost Star)
Roman d'amourEmpress Dionne Villega never defied her mother. She is the obedient daughter every parent wants to have. Her life is already written for her. All she had to do is to follow the path that's made for her and she's okay with it. Sino ba namang hindi? W...