Route 8

3.5K 96 14
                                    

"Bye, ate! See you later!" Trish kissed my cheek before she opened the door of my car. Ibinaba ko ang salamin para makakaway sa kanya.

"Take care, alright? Be good." Paalala ko. Ngumuso ito habang inaayos ang kanyang bag.

"Ang bait ko kaya!" Maktol nito na tinawanan ko lamang.

"Hintayin mo ako mamaya." Tumango ito sa akin at kumaway na. Napatili pa ito nang may biglang yumakap sa kanya.

"Good morning, Trish!" Sabay na bati ni Jasleen at Shen kay Trish. Napangiti ako para sa kapatid ko.

"Ay, hello po!" Bati sa akin ni Jasleen nang mapansin ako.

"Good morning po, Ate Dionne!" Bati naman ni Shen.

"Good morning!" Bati ko pabalik. "Gotta go now. Be good, you three."

Sabay sabay silang tumango sa akin. I waved once again before closing the window.

Ako ang naghatid sa kapatid ko dahil gamit ni mommy at daddy ang mga kotse pati na ang driver. Mamaya ay ako rin ang susundo kay Trish. 4pm ang last subject niya habang ako naman ay 1pm.

Iniisip ko kung uuwi pa ba ako bago siya sunduin o daanan ko na lang. Aksaya sa gas kung uuwi pa ako. Pero, saan naman ako tatambay kung sakali? I should ask Keana and Eula to stay for a while with me after class.

Pagkarating ko sa university ay halos puno na ang corridor ng mga estudyante. Dumiretso na ako sa room dahil malapit nang magtime.

While walking, I took my phone out. May message doon na hindi ko natignan kanina dahil nagdadrive ako.

From: Eos Martinez

Good morning, Empress. Have a great day.

Napailing ako habang nangingiti. Since Eos got my phone number, that was last week, walang palya ang pagbati niya. Umaga, tanghali at gabi.

To: Eos Martinez

Good morning, too, Eos. :)

I always reply to his text messages kahit na hindi ko hilig iyon. Napansin ko na parang hindi rin niya iyon hilig dahil hindi na siya nagrereply pagkatapos kong magtext. Tuwing gabi naman ay nagtatanong siya kung kumusta ang araw ko.

Ang huling pagkikita namin ay last week pa. That was Monday if I remember it correctly. I was busy and he's too. Ibinalik ko na ang phone ko sa aking bag.

"Good morning, D!" Keana greeted me as soon as I sat beside her. Si Eula naman ay wala pa sa kanyang upuan.

"Good morning! Where's Eula?" I asked. She just shrugged.

"Nagtext siya na hindi sila makakapasok ngayong araw ni Owen. Pauwi pa lang sila galing Olongapo, eh." I frowned at Keana.

I remembered that Eula and Owen went to Olongapo to visit Owen's grandparents. They spent the weekend there. Friday sila ng gabi tumulak pa-Olongapo. Right after the midterm.

"Akala ko kahapon pa sila nakauwi." Sabi ko na inilingan ni Keana.

"Dapat. Pero nag-enjoy ang dalawa sa island hopping! Hindi man lang nagsama!" Natawa ako dahil doon. Bakas ang pagkakairita sa magandang mukha ng aking kaibigan. Hindi pa kami nakakapag-unwind na tatlo. Maganda nga sana kung nakasama kami sa dalawang 'yon.

Kailangan nga ba ang huli kong punta sa dagat? Hindi ko na maalala sa sobrang tagal.

"Keana, nasa labas si Mico ng BAM-4A. Hinahanap ka." Napatingin kaming dalawa sa lalaki naming kalase nang tawagin nito si Keana.

"Sige, sandali lang." Kinuha nito ang bag at may hinalungkat doon.

"May kailangan si Mico?" I asked. She nodded while taking out a piece of paper from her mini folder.

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon