Route 41

2.5K 57 1
                                    

Naging busy ang lahat para sa finals. Halos hindi na ako lumalabas ng kwarto pag-uwi galing university para lang mag-aral.

I was too busy these past few weeks that I forgot to pay attention to my studies. Masyado akong distracted kaya hindi rin maganda ang mga huli kong quizzes. Bababa ang grades ko kung pati ang final exams ko ay mas mababa kaysa sa mga grades na nakukuha ko dati. I need to pass. I don't want to disappoint my mom. Lalo na't mukhang nagkakaproblema na naman sa kasong hawak nila.

I closed my book when I finished studying the scope of our exam. Tumayo muna ako at nag-unat. I will take an hour break before studying the next subject. Dalawa ang nakaschedule na exam namin bukas.

I took my phone from the drawer before going out. Inilagay ko iyon on silent mode at itinago doon kanina para hindi ako madistract.

Eos kept on texting me. Hindi ko naman mapigilan ang hindi magreply kapag nakikita kong may text siya. Simula nang mangyari ang pag-uusap namin sa archery room ay bumabawi na siya. He's too guilty that he's doing everything to make up to me until now. Ilang beses ko na siyang sinabihan na okay na pero hindi siya nagpaawat.

Last week lang ay inaya niya ako. Nagpicnic lang naman kami. He gave me a beautiful bouquet of tulips. But the food he brought, he made it. Hindi siya bumili sa kanyang restaurant at siya mismo ang nagluto.

I appreciate it but I still feel a little off. Nalulungkot pa rin ako na pilit niya akong pinapanatili sa labas ng kanyang buhay. We never talked about it again. Nagdesisyon akong igalang ang kanyang kagustuhan pero ang kapalit noo'y ang katahimikan ng loob ko. Hindi ko mapigilan ang isipin iyon bawat sandali.

I went to the pool area. I wanted to get some fresh air dahil pakiramdam ko ay na-suffocate na ako sa aking kwarto. Humiga ako sa isa sa mga sun lounger na nasa lilim para magrelax. Doon ko na binuksan ang aking phone.

There are messages from Eos and from our groupchat. Keana was asking for a document that we need for our exam tomorrow. Sinend na iyon ni Eula at tumahimik nang muli ang groupchat.

Inisa-isa ko ang messages ni Eos.

Eos:

I'm currently reading legal research. I think you're busy, too. Study hard. Don't let me bother you. I love you.

Iyon ang huli niyang text. Isang oras na din ang nakakaraan. I was smiling while composing a message for him.

Me:

I'm having an hour break. Don't forget to take a break, too. I love you, too, Eos.

Ibinaba ko iyon sa glass table sa tabi ng lounger matapos alisin sa silent mode. Doon ko naman napansin ang paglabas ni Trish mula sa loob ng bahay. She's holding a book near her chest.

"What's that?" I asked her. Doon lamang siya lumingon sa akin. She hopped her way towards me. Umupo siya sa may gilid ko.

"It's a book I bought yesterday before going home. New book ng favorite author ko." Excitement filled her voice. Nangiti ako't napailing.

"Lagot ka kay Mommy. Itago mo 'yang mabuti." Paalala ko.

"I am very careful naman, eh."

I nodded at her. Kahit na bumabawi sa amin si Mommy ay ibang usapan pa rin ang pag-aaral. Ayaw ni Mommy na nadidistract kami. She's very strict on that one. Isa iyon sa rason kung bakit ni hindi ko magawang unti-untiin sa kanya ang tungkol kay Eos. She will just consider him as a distraction to me. Sigurado rin ako na uutusan niya ako na layuan ito at wala akong magagawa dahil hahanap pa rin siya ng paraan kapag hindi ako sumunod.

"Sa kwarto na nga lang ako magbabasa. Baka biglang dumating si Mommy." Nakanguso nitong sabi at tumayo na. Natawa naman ako sa kanya.

I sighed and rested my back on the lounger. Tinitigan ko ang asul na asul na langit at ang mga ulap. It's calming. The gentle blow of the wind makes want to take a nap.

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon