"Magkasama na naman sila?"
Napalingon ako kay Keana nang marinig siyang magsalita. She's looking straight at one direction while her brows formed a line. I looked at where she's looking only to see Eos and Sophia together.
Sophia's telling him something while they walk that made him laugh. She, on the other hand, punched his shoulder playfully. Sinundan ko lang sila ng tingin hanggang sa mawala na sila sa aking paningin.
Sigurado akong papunta na sila sa susunod nilang klase.
"Kaibigan niya lang ba talaga 'yon?" Tanong pa rin ni Keana. Tinanguan ko siya. Matagal na nila akong tinatanong ni Eula tungkol kay Sophia at iyon lang ang lagi kong isinasagot.
Pauwi na kami ngayon. We're about to reach the parking lot when Keana saw them walking in the hallway across us.
It's been a month since our class started. Wala namang ipinagbago ang relasyon namin ni Eos. We still see each other every now and then. Pero nabawasan ang oras namin sa isa't isa dahil sa hindi nagtutugmang schedule. Halos panggabi ang kanyang mga klase habang ako ay halos pang-umaga naman. Ang pag-uwi ko ay siya namang simula ng kanyang klase. Plus... we're both busy with our studies. Lalo na siya... He's in his last sem.
I understand. We both do. Maybe because we both know how to prioritize. He's mature and responsible and I'm trying to be as mature as him.
Even so, he's still trying his best to make sure that we see each other. I find it sweet. Kahit na ilang minuto lang... Kapag coding ang kotse ko ay siya ang sumusundo sa akin sa bahay. Minsan ko lamang iyon paunlakan dahil natatakot naman akong makita siya ni mommy. Kung anu-ano na ang nasasabi kong dahilan sa kanya.
"Ito na 'yong medical certificate ni Eula." Keana handed me the paper before closing her passenger door and locked her car again. May trangkaso si Eula kaya hindi nakapasok ngayong araw.
Babalik pa kami sa campus para ibigay ito sa aming professor. Hindi na kailangan pang bumalik ni Keana pero nagpumilit itong samahan ako sa paghihintay. Hindi naman ako umangal.
I gonna to wait for Eos. Tatlong oras ko siyang hihintayin. Coding ang kotse ko at sinundo niya ako kanina para ihatid sa university. 8am ang klase ko habang siya ay 3pm naman kaya umuwi pa siyang muli matapos akong ihatid kanina. In return, I'll wait for him until his last class. Todong effort ang ginagawa niya para sa akin. Ano naman kung mag-effort din ako para sa kanya, hindi ba? He wakes up early just to give me a ride. It's not a big deal to wait for him.
Pumasok kami ni Keana sa college library nila Eos to kill time. I'm not in the mood to read my books. Keana borrowed the chessboard for us to play with. Pumayag naman ako. It's been a long time since I last played.
"Teka lang, I need to go to the bathroom." I excused myself after three straight rounds of chess. Tumango ito at inayos muli ang board game.
Lumabas ako at nagtungo sa comfort room. The closest is the one at the east wing of the building.
May iilang estudyante ang napapatingin sa akin. I awkwardly smile to some of them. Ayoko naman sabihan akong snob o ano pa man.
"Hi!" Napalingon ako sa lalaking biglang sumabay sa akin sa paglalakad. Nakakunot ang aking noo dahil sa pagtataka but I still managed to give him a smile. "You're Eos' friend, right?"
Marahan akong tumango sa kanya. Dahil naging madalas ako sa college building nila Eos, doon ko napatunayan kung gaano talaga siya kasikat... Lalo na sa mga babae.
"Are you new here? Ngayong sem lang kita nakikita dito." He asked. Umiling naman ako.
"Sa CBA ako." I answered. Tumigil ako sa paglalakad. I don't want to be rude. Besides, he looks harmless. He nodded his head slowly. His forhead creased as he bit his lip. Mataman ako nitong tinitigan.
BINABASA MO ANG
Make Me Yours (Lost Star)
RomanceEmpress Dionne Villega never defied her mother. She is the obedient daughter every parent wants to have. Her life is already written for her. All she had to do is to follow the path that's made for her and she's okay with it. Sino ba namang hindi? W...