Kumalas na sa pagkakayakap sa akin si Eos pero ang kanyang mga kamay ay nakapalibot pa rin sa aking baywang, keeping me close to him. Inilagay ko naman ang aking mga kamay sa kanyang dibdib.
My heart is melting just by being this close to him. The violent disturbance in my heart is making it hard for me to breathe.
"I missed you so damn much." Bulong nito. Naramdaman ko ang isa niyang kamay sa likod ng aking ulo. He pulled me closer to him then he planted a kiss on my temple.
Tumango lamang ako. I missed him, too. I rested my head above his chest, right where his heart is located. Pumikit ako at pinakinggan ang pagtibok ng kanyang puso. It's beating rapidly like mine.
Ilang segundo kaming nasa ganoong posisyon hanggang sa ako na ang lumayo ng bahagya. I looked up to him only to see him looking down at me tenderly.
"Saan ang lakad mo?" I asked him when my heart finally calmed down. Hindi ako umiwas sa kanyang mga tingin kahit na gusto kong matunaw sa klase ng kanyang pagtitig.
"I'm going home." He sighed. "Since our date was cancelled, I promised my mother that I will eat lunch with them." Nanghihinayang nitong sagot habang ako naman ay tinamaan na naman ng konsensiya.
"Can I come with you?" That came out of my mouth even before I could think about it. Halata namang sobra siyang nagulat sa aking tanong. Napakagat ako sa aking ibabang labi.
I don't know how to make it up to him and that idea was the first one that popped in my mind.
Nakatingin lang sa akin si Eos. Siguro ay iniisip kung paano ako tatanggihan. Palaging sinusunod ni Eos ang mga hinihiling ko pero sa tingin ko iba ang isang ito.
Alam kong may problema siya sa kanyang pamilya tulad ko. Palagi niyang naikukwento sa akin ang kanyang ina at kapatid pero kahit kailan ay hindi niya nabanggit ang kanyang ama. I know that there's something wrong but I don't want to pry. I want to respect his every decision like how he respects mine.
But I'm still waiting for him to open up. I know that it's unfair to ask dahil kahit ako ay hindi pa binubuksan ng lubos ang aking buhay sa kanya. Siya nga mismo ay itinatago ko sa pamilya ko and I want to correct it.
Because I believe that when you give your heart to someone, you're also opening your life to him. If you let him in your heart, you have to let him in your life, too. Magkasama ang dalawang iyon. That's one of the beauties of having someone special. You get to face what life has to offer together. Nagiging isa kayo ng taong mahal mo at iyon ang kulang sa amin ni Eos.
"It's okay to say no, Eos." I said when I felt that he's having a hard time. I lifted my right hand to massage his forehead. Ngumiti rin ako para siguraduhin sa kanya na ayos lang talaga.
Sa bawat oras ay inaalala niya ako at ang mararamdaman o nararamdaman ko. I am thankful and touched that he always thinks about me pero hindi naman dapat na sa bawat desisyon niya ay ako ang inaalala niya para lamang hindi ako masaktan. Habang ako ay walang magawa kundi ang masaktan siya sa aking mga desisyon.
Nagulat ako nang bigla niyang pinagsalikop ang aming mga kamay at hinila ako papunta sa elavator.
"Eos?"
Hindi niya ako nilingon. He stopped and pressed the down button. Nakatayo lamang ako sa kanyang gilid habang sinisilip ang kanyang mukha. Nakakunot ang kanyang noo at namumula ang kanyang mukha.
"May problema ba?" Nagtataka kong tanong. Mukha siyang galit na hindi ko alam.
"Let's get going before you even change your mind." Sabi nito. Ngayon naman ay ako ang napakunot ng noo. Diretso lamang ang tingin niya sa nakasarang pintuan.
BINABASA MO ANG
Make Me Yours (Lost Star)
RomanceEmpress Dionne Villega never defied her mother. She is the obedient daughter every parent wants to have. Her life is already written for her. All she had to do is to follow the path that's made for her and she's okay with it. Sino ba namang hindi? W...