A week had passed but Mom's still not okay. Tahimik lamang si Daddy. Si Trisha naman ay nagtatanong na sa akin pero wala akong maisagot dahil ako mismo ay hindi alam ang nangyayari. Hindi naman ito ang unang beses na nangyari ang ganito pero hindi ko pa rin maiwasan ang mag-alala.
I tried asking my Dad again. Iisa lang naman ang isinasagot niya sa akin. That everything's fine and there's nothing to worry about.
Ipinark ko ang kotse sa basement ng condo ni Keana. Ngayon na lang siya ulit nakauwi dito. She invited us for the night.
Kung ordinaryong araw ito ay mahihirapan ako sa pagpapaalam kay Mommy. Wala silang dalawa ni Daddy sa bahay. Si Trish naman ay nagpunta sa bahay nila Shen para sa isang project.
Binati ako ng guard sa basement nang papasok ako sa elevator. Kilala na kami dito dahil sa dalas ng pagpunta namin sa unit ni Keana. Hindi na rin ako tinanong ng elevator girl kung anong floor.
"Have a good day, ma'am." Sabi nito nang bumukas na sa tamang floor ang elevator.
"Thank you." Nginitian ko ito.
Inayos ko muna ang suot na bohemian jumpshorts bago pinindot ang doorbell. Ilang segundo lang ay bumukas naman iyon.
"Aga mo, ah." Gulat na sabi ni Keana. Natawa ako nang mapansin na hindi pa siya naliligo man lang.
"Baka kailangan mo ng tulong." Ngumisi naman siya dahil sa sinabi ko. Pinapasok niya ako.
Agad na pinasadahan ko ng tingin ang loob. Bagong linis ang kanyang unit. Ibinaba ko sa couch ang bag na dala at umupo.
"Umorder lang naman ako. Mahihirapan pa ako kung magluluto ako 'no." Sabi nito.
Hindi lang ako at si Eula ang ininvite niya. Invited din si Owen, Fritz, Mico at Julius. Hindi ko lang alam kung may isasama pa iyong tatlong lalaki.
"Maliligo muna ako, ha? Nakakahiya naman at ang bango bango mo!" Tumakbo si Keana papasok ng kanyang kwarto. I laughed.
Kinuha ko ang remote ng kanyang TV. I was about to press the button when she went out of her room again.
"Muntik ko nang makalimutan! Ikaw na ang bumili ng chips, D." Ibinaba ko sa center table and remote.
"Ano ba ang bibilhin?"
"Kahit anong chips lang. Sa Yellow Cab kasi ako umorder. Tsaka ice pala."
I did what I was told. Ang wallet at cellphone ko lang ang dinala ko. Dahil siya ang host ng party, ipinagpilitan pa niya sa akin ang kanyang pera. Tinaggap ko na lang iyon at baka dumating na ang mga bisita ay hindi pa siya nakakaligo.
Pagdating ko sa ibaba ay sarado ang convenience store. So I have no choice but to go to the mall. Malapit lang naman ang mall kaya nilakad ko iyon. It's already past 5pm kaya hindi na mahapdi sa balat ang sinag ng araw.
I walked for about 10 minutes before I reached the mall. Dumiretso ako agad sa supermarket para makabalik agad. By 6pm ay baka naroon na silang lahat.
Bumili ako ng Lays at Doritos. I also bought Nachos. Bumili na rin ako ng ingredients para hindi na ako bumalik pa in case na walang stock ng gulay si Keana sa kanyang unit. Bumili ako ng sibuyas, kamatis, lettuce, ground beef at dressing. I still need to cook the beef when I get there.
Palabas na ako ng supermarket nang may mahagip ang aking paningin na isang pamilyar na mukha. It's Eos. He's leaning on the wall while looking east. He's wearing a denim longsleeves and a white shirt underneath. Nakabukas ang lahat ng butones at nakatupi hanggang siko ang sleeves. He looks so fresh with his outfit.
BINABASA MO ANG
Make Me Yours (Lost Star)
RomanceEmpress Dionne Villega never defied her mother. She is the obedient daughter every parent wants to have. Her life is already written for her. All she had to do is to follow the path that's made for her and she's okay with it. Sino ba namang hindi? W...