Route 28

2.5K 65 8
                                    

I gasped when someone held my wrist and pulled me. Pag-angat ko ng aking mukha ay ang likod ni Eos ang bumati sa akin. Lalong naghurumentado ang sistema ko. Just one touch and my mind went totally blank.

"Get in." He snarled. Nanayo ang balahibo ko dahil sa kanyang galit na boses. He opened the passenger seat of his black Montero for me. Hindi ko napansin na nasa parking lot na kami dahil ang atensyon ko ay nasa kanya lamang.

His touch feels warm against my skin.

"Let go of me, Eos." I said with no conviction. Pilit kong itinutuwid ang aking isipan.

"Get in and we'll talk." Hindi nawawala ang galit sa kanyang boses. Para bang nagtitimpi lamang siya. I closed my eyes. I tried to pull my hand from his tight grip.

"There's nothing for us to talk about. Tapos na tayo-"

He laughed with no humor. Isinandal niya ako sa pintuan ng backseat. Agad na naramdaman ko ang pagsikip ng aking dibdib at ang kagustuhang kumawala mula sa kanya.

"Are you serious?"

"Iniisip mo bang nagbibiro lang ako?" Hindi makapaniwalang tanong ko. "We're done."

"You say it like you just broke up with me." Paos na boses nitong sabi. There's a bitter smile on his lips. He positioned himself in front, totally trapping me. He lowered his head to meet my gaze. Umiwas ako ng tingin. "I stayed away to give you time, Empress. I thought that maybe you're confused and you need time to sort your feelings out. Na kapag kinausap kitang muli ay babawiin mo ang mga sinabi mo dahil nabigla ka lang. Dahil wala akong maisip na dahilan kung bakit ka biglang nagkaganito."

He held my chin and made me look at him. Anger and tenderness played in his eyes.

"Then I saw you with that fucking guy, having a good time, while you did nothing but to avoid and ignore me. I was so mad at you. Baby, I also needed time to cool myself down. I've missed you so much and seeing you with him again... seeing him that close to you earlier..." pumikit ito. Huminga siya ng malamin para pakalmahin ang sarili.

"You have a lot of explaining to do... you owe me that... And now you're telling me that there's nothing to talk about? Na tapos na tayo? Bullshit." Napasinghap ako sa kanyang pagmumura. I blinked twice to stop my tears from falling.

Hindi ko alam kung naiiyak ako dahil sa galit na nakikita sa kanya o dahil ganito siya kalapit ngayon sa akin. The latter made sense.

Hindi ako nagsalita. I'm afraid that my voice will crack once I utter a word. I missed him so much and this is breaking me. Gusto ko mang iiwas ang tingin sa kanya ay hindi ko magawa. He made sure that we'll not lose eye contact.

Kitang kita ko ang paghihirap sa kanyang mukha, ang pagkalito. He feels this way because I'm near him again. He feels hurt because he made contact with me. I need to keep him away from the pain. I need to leave.

"I..." Huminga ako ng malalim para pigilan ang panginginig ng aking boses. "I thought I made myself clear the last time."

Napanganga siya. Hindi makapaniwalang tumingin siya sa akin. Nagagalit ako. Nagagalit ako sa sarili ko dahil nakikita kong nasasaktan ko siya. Ikinuyom ko ang aking mga kamay para magpigil ng emosyon. He snickered.

"I mean everything that I've said to you. Akala ko'y naiintindihan mo kaya ka lumayo!"

Pumiyok ako. Nanlabo ang aking paningin dahil sa namumuong luha. He simpered.

"Unbelievable." Bulong nito. He bent his head down.

"Hindi dahil binigyan mo ako ng oras para mag-isip ay magbabago ang desisyon ko. I've already made up my mind even before I talked to you that day. I thought you'll understand! I thought you'll respect my decision!"

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon