Route 24

2.4K 71 18
                                    

I'm slowly keeping my distance from him. Unti-unti kong inilalayo kay Eos ang aking sarili sa nagdaang dalawang linggo. Ayokong makahalata siya. I'm not ready for a confrontation and will never be.

Hindi iyon mahirap dahil mas naging busy siya sa kanyang pag-aaral at naiintindihan niya rin ako. Dalawang beses ko pa lamang siyan nakikita sa loob ng dalawang linggong pag-iwas ko. I'm glad that we only text. I can't lie to him face to face.

Sa bawat pagtanggi ko sa kanya ay parang pinipiga ang aking puso. Nakokonsensiya ako. Pero ito ang dapat kong gawin. Hindi ko ito kayang panindigan kaya ititigil ko na lang.

Ngayon lang ako naguluhan ng ganito. Sanay ako na lahat ng bagay sa aking paligid ay maayos at kalkulado. My mother made sure of that. Kaya ngayong nalilito ako at hindi malaman ang dapat gawin... I feel lost.

That's why I want to go back on my track. I don't care if people will call me a coward. It's true anyway.

Huminga ako ng malalim bago nagsimulang magtipa ng reply kay Eos.

Me:

I'm sorry, Eos. I can't. I have loads of homeworks to do.

He's inviting me on a date. Sabado ngayon. Kung hindi lamang napunta sa ganito ang aking sitwasyon ay kanina pa ako um-oo sa kanya. Madalas ko na ring baliwalain ang kanyang mga messages. Minsan na lamang ako sumagot at nagpapalipas ng ilang minuto bago magreply.

My phone chimed. Agad ko iyong binuksan.

Eos:

Tomorrow then?

Tinitigan ko lang iyon. My heart squeezed. Gusto kong um-oo. Gustong gusto ko. Pero kapag naiisip ko na ginagawa ko rin ito para sa kanya ay nagagawa kong pigilan ang aking sarili.

Please, Dionne... kahit ito lang ay panindigan mo na.

Me:

I really can't. I'll just see you on Monday.

I replied. Makikipagkita ako sa kanya sa Lunes para hindi siya magtaka. May vacant period ako at baka bisitahin ko na lang siya sandali sa kanilang college building o kahit na bago ako umuwi ay daanan ko siya. That'll do.

"Ate, nasa ibaba na si Ate Keana at Ate Eula." Tumango ako sa kapatid ko. Mom invited them again for lunch.

Noong una'y ako ang inutusan niyang mag-imbita sa kanila. Pero nang sumunod na Sabado ay siya na mismo ang nag-imbita pati na rin ngayon. I'm happy that she accepted them as my friends already. Maganda ang pakikitungo niya kay Keana at Eula. Pakiramdam ko nga'y natutuwa pa siya sa mga ito. That's enough for me.

Noong una'y hindi makapaniwala ang dalawa. Kahit ako naman ay hindi makapaniwala sa nasasaksihan. Napakagiliw ni Mommy sa kanila. Just like how she treats Trisha's friends... and Sophia.

I think this is her way of doing her part of the bargain.

Sabay kaming bumaba ng aking kapatid. Nakita ko agad si Eula at Keana na nakikipagkwentuhan kay Mommy sa living room.

"Hi, D!" Sinalubong nila akong dalawa ng yakap.

"These two are asking for my permission. May lakad daw kayo mamayang gabi?" Tinaasan ako ng kilay ni Mommy. Kumunot naman ang aking noo. May lakad kami?

"At pumayag na si Tita." Ngising ngisi si Keana.

"It's because you're too persistent." Mom chuckled. Natigilan naman ako sa sayang nakikita sa kanya. Is it fake or real? Hindi pa rin ako sanay na tanggap na niya talaga ang mga kaibigan ko. "Anyway, I'll leave you girls for a while." She said and went inside the kitchen.

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon