Route 36

2.5K 72 6
                                    

Our breakfast was too awkard. Halatang naninimbang si Mommy sa kanyang ikikilos. Ganoon din naman ako. I don't know how to act around her after last night. Kahit nga kagabi ay para kaming nangangapa sa isa't isa. Ilang beses kong inisip kung yayakapin ko ba siya o hindi...

Siguro nga'y naiintindihan ko na siya but things won't change in a snap. It will take time. Kahit si Trisha ay halatang naninibago sa ngiting nakikita kay Mommy.

Mas maaliwalas ang mukha ni Mommy at Daddy ngayon kaysa kahapon. That's good. That only means that the talk I had with Mom last night really helped.

"Want some more, sweetie?" Inamba ni Mommy ang isang putahe kay Trisha. Tahimik naman umiling ako kapatid ko. Nakita ko kung paano lumungkot ang mukha ni Mommy. Dad squeezed her hand. Tipid naman niyang nginitian ito. Kanina pa sinusubukan ni Mommy na gibain ang yelong nakapalibot sa amin.

I'm happy that she's exerting some effort to get to us. But this won't be easy...

"Do you wanna go shopping later?" Napaangat ako ng tingin kay Mommy. Nag-aalangan na palipat-lipat ang tingin niya sa amin ng kapatid ko.

Trisha's spoon stopped in midair. Mukhang wala siyang balak na itago sa amin ang pagkagulat sa alok ni Mommy. Nang bumaling akong muli kay Mommy ay bagsak na ang mga balikat nito. Huminga ako ng malalim.

"Sige po." Sagot ko. Nakita ko ang pag-aliwalas muli ng kanyang mukha.

I know what she's doing. She wants to spend time with us. To bond with us. And I think that's a good way to start everything.

"How about you, Trisha? May gagawin ka ba, anak?" Malambing nitong tanong. I looked at Trisha again. Nakita ko itong nag-aalangan na nakatingin sa akin. I'm aware that she's afraid of our mom and her sudden change is freaking her out. I smiled and nodded my head slowly, urging her to say yes.

"Okay po..." Mahina nitong tugon.

Mom mouthed thank you to me. Tipid akong ngumiti sa kanya.

Last night, I was thinking of what will happen today. Alam kong mahirap nang baguhin ang nakasanayan namin pero pwede pa rin namang itama iyon ng paunti-unti. Ako mismo sa sarili ko ay gusto kong bumawi kay Mommy. Pakiramdam ko kasi ay hindi ako naging isang mabuti na anak dahil sa sakit na ipinaramdam ko sa kanya.

I feel bad because I've never been mad all my life. At sa unang pagkakataon na mamuhi ako sa isang tao ay sa ina ko pa mismo. I don't want to get mad at anyone again. It's not a nice feeling and I regret it.

I should've been more understanding...

I will try to reach out, too. Mas madali kung hindi lamang ang isang panig ang sumusubok. It will be easier if we'll meet halfway.

Pagkatapos ng breakfast ay sinabihan na kami ni Mommy na mag-ayos. Si Daddy ay may lakad at hindi makakasama sa amin.

"Ate, why is Mommy acting weird?" Bulong sa akin ni Trisha habang paakyat kami ng hagdan. Nilingon ko siya. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin iyon.

"Is she?" I asked. She nodded. Kumunot pa ang noo niya habang nagsasalita.

"She smiled earlier, Ate. Then she talked to us. Inaya pa niya tayong magmall. Isn't that weird?"

Nginitian ko ang kapatid ko. We stopped in front of her room.

"Ayaw mo ba?" Tanong ko. Sandali itong nag-isip.

"Gusto." She answered. Malungkot nito iyong dinugtungan. "It's just that... we never bonded with her. I honestly don't know how to deal with this, Ate."

I quickly got her point. Iyon din naman ang inaalala ko. Pare-pareho kaming nangangapa at hindi alam ang kung ano ang dapat gawin.

"We've been waiting for this day for so long now, Trisha." I caressed her hair to assure her that it's going to be alright. "Let's just... open up to her, give each other a chance... and don't let this slip away, okay?"

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon