Linggo ngayon at napagkasunduan na magkikita kami sa mall ni Keana at Eula. It's been weeks since our last hang out. Naging busy kaming lahat sa aming OJT.
Hindi ko dala ang kotse ko dahil coding so I decided to just hail a cab. Wala ang kotse ni Mommy dahil may pinuntahan ito kasama si Trish. Si Daddy naman ay isinama ang driver sa kanyang out of town business seminar. He was invited to speak about stock investment.
Nang makarating sa mall ay dumiretso ako sa lugar na pinag-usapan namin. Eula was already occupying a table for four but she's not alone. Nandoon si Owen sa harap nito at para silang may sariling mundo doon. Napangiti ako. They really fit each other.
"Hey." Pukaw ko sa atensiyon nilang dalawa nang makalapit. They both looked at me. Bumaling ako kay Owen. "Hi, Owen."
"Hi, D." He smiled.
"Upo ka na." Sabi naman ni Eula. Bahagya nitong iginalaw ang upuan sa kanyang tabi. I did what I was told. "Malapit na daw si Keana."
"Darating din ba si Mico at Fritz?" Tanong ko. Ang akala ko kasi ay kaming tatlo lamang ang magkikita.
"Hindi, Dionne." Owen chuckled. "Hinatid ko lang 'tong kaibigan mo. Aalis na din ako dahil nandito ka na."
"Why don't you stay?"
"Manggugulo lang 'yan." Sabat ni Eula. Tinawanan ito ni Owen bago tumayo na. Dumukwang ito palapit para halikan sa noo si Eula.
"Sunduin kita mamaya. Alis na'ko." He said. "Enjoy, girls."
"Bye." Kumaway ako dito. He nodded before leaving us alone.
"Sweet." Komento ko nang mawala na sa paningin namin si Owen. I was grinning at her. Tinawanan ako nito.
"Ewan ko sayo." She shook her head. "Buti hindi ka hinatid ni Eos?"
"Hindi ko na inabala 'yong tao." Iling ko. "Pagod 'yon tsaka dumating dito sa bansa kahapon ang grandparents niya."
Bukod kasi sa restaurants niya around metro ay tumutulong din siya ngayon sa eskwelahan pag-aari ni Tita Ellaine. Nalaman ko lamang ang tungkol doon nang magdinner kami pagkatapos ng kanyang graduation. I suddenly remembered Haley mentioning a school they own... Nakalimutan ko na nga ang tungkol doon.
"Spaniards?" She asked. Tumango ako. "Cool."
Hindi naman nagtagal ay kasama na namin si Keana. She was smiling from ear to ear while approaching us.
"What's with you? Ang blooming mo." Nakataas ang kilay na tanong ni Eula dito. She sat in front of us and her grin grew wider than ever. "Were you laid last night?"
Nawala ang ngiti nito at binato ng tissue si Eula.
"Gawain niyo kasi ni Owen, eh." Irap nito. Napailing ako sa kanilang usapan. "Hi, D! I missed you!"
Dumukwang ito para yakapin ako.
"I missed you, too!" I said to her.
"So ako hindi?" Tanong ni Eula. Umirap lamang si Keana na ikinatawa ni Eula.
Tinawag ni Eula ang waiter at kinuha nito ang aming order. Nagkukwento si Keana ng tungkol sa isang lalaki na nakilala niya sa BGC habang naghihintay kami ng order. It looks like she really likes the guy. Kagabi ay nagdinner pa sila at hinatid daw siya nito sa kanyang condo.
"Eh, kayo ni Eos?" She asked.
"We're good." I answered.
"Ipapakilala mo na ba siya kay tita?" She asked again. Natigilan ako at napabuntong hininga.
BINABASA MO ANG
Make Me Yours (Lost Star)
RomanceEmpress Dionne Villega never defied her mother. She is the obedient daughter every parent wants to have. Her life is already written for her. All she had to do is to follow the path that's made for her and she's okay with it. Sino ba namang hindi? W...