Route 38

2.6K 83 12
                                    

"Should I be relieved that at least you don't have a fountain?" I asked as I roam my eyes around again. Even the arches of the door and windows look expensive.

"We have one at the garden." Napalingon ako sa kanya. Seryoso ito habang hinahawi ang aking bangs. Napanguso na naman ako.

"Stop doing that if you don't want me to kiss you again." Heat rose up my face in an instant because of the way he said it. He has this smug grin on his face while looking at my lips.

Sabay kaming napaharap sa engrandeng pintuan nang bumukas iyon. A tall man in his late 40s appeared. He's wearing an all-black suit and shined shoes. Ang buhok nito ay parang hindi magugulo ng hangin. Pormal na pormal ang kanyang hitsura.

"Alfred!" Masayang bati ni Eos dito. Tumayo siya ng maayos at hinarap ito. Yumuko naman ang lalaki.

"Buenos dias, señorito. Como esta usted?" The man spoke in Spanish. Wala naman akong naintindihan.

"Estoy bien." Nakangiting sagot ni Eos. My heart leaped as I heard him speak using his mother tongue. Kakaiba ang kiliting dala noon sa akin. He glanced at me before taking my hand. Nakita ko ang sandaling pagsulyap doon ng lalaki bago bumalik ang tingin kay Eos. "She's Empress, mi amor."

The man smiled at what Eos said. Tumango pa ito ng bahagya.

Namula ako. I understand that one!

"He's Alfred, our butler." Pagpapakilala nito sa kaharap namin. Napalingon ako agad kay Eos. They have a butler? Seriously now...

"Buenos dias. Mucho gusto, señorita." Humarap ito sa akin at yumuko. I awkwardly smiled at him.

"I will appreciate it if you speak in English so that she'll understand, Alfred." May tunog pag-uutos na sabi ni Eos. The man bowed his head down.

"Lo siento. Nice to meet you, señorita." Bati nito sa akin. I can sense that he's not comfortable speaking in English but he's good. Ngumiti ako.

"Nice to meet you, too."

"I will send someone to park your car, señorito. Señora and señorita are already waiting for you at the dining room." Pormal na pormal ito kung kumilos at magsalita.

Niluwagan nito ang pintuan at hinila ako ni Eos papasok. I was greeted by a majestic five layered chandelier hanging on their high ceiling and a grand staircase with wrought iron details. Almost everything inside is gold. There are massive arcades supporting the structure. May naggagandahang vases na puno ng mga sariwang bulaklak. It feels like I entered a palace and the prince is right beside me.

"Come." Eos pulled me with him. Ang iilang maids na nakakasalubong namin ay bumabati sa kanya. Si Alfred naman ay hindi ko na nakita pa hanggang sa makarating kami sa isang malaking silid.

There's a long table in the middle that's made of narra. Pati ang mga upuan ay napaka-eleganteng tignan dahil sa kakaibang ukit. Siguro'y nasa dalawampung katao ang pwede magsalo-salo doon. Sa itaas naman ay may magandang chandelier na mas maliit kaysa sa nauna kong nakita.

Ang akala ko ay doon kami titigil. I remember Alfred saying that his mother is waiting at the dining room. Pero walang pagkaing nakahain doon at wala ring tao.

Nakatingin lamang ako kay Eos habang binubuksan ang isa pang pintuan. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makakita ng pamilyar na istraktura. The walls are painted white and it looks modern just like our dining room at home. Walang kakaiba doon sa aking paningin. Everything inside that room is simple. I felt a little at ease.

"Mamà." Tawag ni Eos sa isa sa dalawang babaeng nakaupo sa dining room.

They're Eos' mother and sister. Huminga ako ng malalim at naghanda ng ngiti. Nakita ko na sila sa litrato kaya pamilyar na sila sa akin.

Make Me Yours (Lost Star)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon