Two weeks is not enough to mend a broken heart. It is not enough to make a heart numb. It is not enough to unlove someone.
I understand that. You don't expect your wound to heal overnight. It takes time. And I'm taking my time right now.
No matter how much I want to take everything that I've said back, iniisip ko na lamang na para sa ikabubuti naming dalawa ang ginawa ko. Hindi ko alam kung gaano na ba kalalim ang pagmamahal ko kay Eos. Sa tingin ko ay kaya ko pa namang umahon mula doon. Kailangan ko lang bigyan ng oras ang aking sarili at dapat ay hindi ko madaliin. Kalahating taon ko pa lang siyang kilala. Makakabalik din ako sa panahon na hindi ko na hahanap hanapin pa ang presensiya niya. Kailangan ko lang sanayin ulit ang sarili ko.
Love has no limits. Kapag hinayaan ko itong nararamdaman ko sa kanya ay baka lalo lang akong malunod. I need to get rid of it. How? That... I don't know. Siguro'y magigising na lang ako na wala na ito. Katulad ng kung paano tumibok ang puso ko para sa kanya. I did nothing but I fell in love with him. Maybe the feelings will go, too, that way.
Iyon lang ang iniisip ko sa nagdaang mga araw. Walang mangyayari kung magmumukmok lang ako. I need to move forward. I lived half of my life without him. Siguro'y masyado lang akong na-overwhelm dahil ngayon lang ako nakaramdaman ng ganito na naisip ko'y hindi ko na kaya pang umahon ulit.
Lumabas ako mula sa aming sasakyan. Sumulyap ako pababa sa aking pulang damit para tignan kung maayos ba iyon. Natatakpan ng lace and pulang tela pababa sa paldang umaabot sa itaas ng aking tuhod. Napahinga ako ng malalim habang nakatingin sa bahay sa aming harapan.
"Kuya!" Sinalubong agad ng yakap ni Aunt Almira si Daddy. Nagmano kami ng Trisha at nang dumako ang tingin nito kay Mommy ay agad na nawala ang ngiti sa kanyang mga labi. "Tara na sa loob. Kanina pa kayo hinihintay."
I looked at the direction of my parents. Pangamba ang nakikita ko sa mukha ni Daddy habang nakatingin kay Mommy. Mom only smiled at him.
Iginiya na kami papasok ni Aunt Almira. Tonight is New Year's Eve. We celebrate it yearly here at Aunt Agatha's house. I don't know if this is a good idea. Last year ay maaga kaming umalis dahil nag-away si Aunt Agatha at Mommy. Kailan lang ay nagka-alitan na naman sila. That's the last thing I want to happen right now. Not again. Not ever. Naaawa na ako kay Daddy dahil hirap na hirap na siya.
"Say, Dionne... Are you going out with someone?" Lionel asked. Sumimsim siya sa kopitang hawak habang nakatingin sa akin. Ang ngisi sa kanyang mga labi ay nagpapakita ng kapahamakan. Siya ang nag-iisang anak ni Aunt Andrea. He's two years older than me. He's already working at his father's company pero ang naririnig ko ay hindi nabawasan ang kapilyuhan nito. Nagdadala pa rin siya ng sakit ng ulo kina Tito at Auntie. Ngumiti ako sa kanya bago umiling. Agad naman akong pinagtinginan ng mga kasama namin dito sa gazebo. Lima kaming lahat at pare-parehong may hawak na kopita.
"Really? My friends said they saw you with Eos Martinez at a bar..." Nagtataka nitong sabi. Napakunot ako ng noo dahil kilala nito si Eos.
"Don't tell me ikaw iyong babae sa IG posts niya?" Namamangha namang tanong ni Haley sa akin. She's Aunt Almira's first born. Ang maikli nitong buhok ay umaabot lamang sa kanyang balikat. Lalong nangunot ang aking noo sa mga sinasabi ng mga pinsan ko. Bakit nila kilala si Eos?
"What post?" I asked. Hindi ko na napigilan pa ang pagtatanong.
"So you know him?" Tanong ni Lionel. Hindi ko alam kung tatango ba ako o iiling pero bago pa ako makasagot ay nagsalitang muli si Haley.
"There's this girl that he posts pero hindi pinapakita ang mukha. Come to think of it... You kind of look like the girl, cousin!" Parang itong nakatapos ng isang mahirap na puzzle habang tinititigan ako. "Alam mo ba na ang dami nang nahihiwagaan kung sino iyon! Eos is really a mysterious guy. Wait, I'm gonna look at his profile!"
BINABASA MO ANG
Make Me Yours (Lost Star)
RomanceEmpress Dionne Villega never defied her mother. She is the obedient daughter every parent wants to have. Her life is already written for her. All she had to do is to follow the path that's made for her and she's okay with it. Sino ba namang hindi? W...