★★Soul-eaters★★
ANASTASHA BREE"Dad, mom! Please stop hurting me!" Pagmamakaawa ko habang patuloy pa rin sila sa paghampas sa iba't i ng katawan ko gamit ang sinturon. Namimilipit ako sa sakit at halos bawian na ako ng hininga. Hugos ang aking luha subalit hindi pa rin ako nauubusan nito.
"Malapit mo nang mapatay ang anak ko! Kampon ka ni Satanas! Ampon ka lang namin kaya 'wag kang umastang nabibilang ka!" Sigaw ng tinuturing kong ama. Nanggagalaiti ito sa pagpisil sa mukha ko. Habang pinagtusok-tusok naman ang puso ko dahil sa sinabi niya. Kailangan pa bang ipagkandalakan na ampon lang ako? Na hindi ako napabilang sa pamilyang ito.
"Hindi ko po sinasadya!" Umiyak ako at nagmamakaawa. Kailan pa ba nila ako ituturing bilang pamilya? Lagi na lang akong sinasaktan.
"Shut up!" Gigil na sigaw ng tinuturing kong ina. Binuhusan niya ako nang maginaw na tubig. Nanginginig ako sa ginaw. Hindi ko naman sinasadya e. At puwede ko namang mapagaling si Samantha tulad ng ginawa ko sa aum plant.
"Kung sakaling may masamang mangyari sa anak namin. I'll promise you to cut off your head, demon!" Sigaw ni dad. Humaguhol ako ng iyak nang sinirado nila ang pinto ng kulungan. Nanghihina ako, kailangan ko ng lakas upang gibain ang pader nito sa gayon makalabas ako. Pero wala akong lakas at halos wala akong maaninag na sikat ng araw sa kinalalagyan ko. Madilim at natatakot ako.
Masyadong mahapdi ang sugat sa buo kong katawan. Pinikit ko na lang ang mata ko at pinilit ang sarili na makatulog sa kabila ng panginginig ng katawan ko dahil sa ginaw. Nagbibilang ako, hanggang sa hinila na ako ng antok.
"Hoy! Gising! Gumising ka!" Minulat ko ang mata ko nang may sumipa sa katawan kong matamlay. Tinaas ko ang tingin sa kanya. Si Aneta ito, ang masungit na katulong sa mansion. Ang palaging sumasalungat sa akin. Pinilit ko ang sarili na makatayo. Kahit na nanghihina pa ako.
"Bilisan mo dahil may klase ka pa! Kailangan mong pumasok!" Lumabas na ako at pumasok sa kuwarto upang makaligo. Kailangan kong pumasok dahil may experiment kaming gagawin sa Biology Laboratory. At mapapagalitan ako nina mama at papa pag hindi ako makapasok. Dahil baka magtataka ang mga guro ko kung bakit umabsent ako. Pero sa ginawa nila sa mukha ko. Siguradong magtataka sila. Ano naman ang sasabihin ko? Oh! Poor girl! How I suffer the most.
Umupo muna ako sa kama habang tumingin ako sa salamin. Ang daming sugat ng mukha ko at pasa. Hinipo ko ito nang dahan-dahan. Habang napatulo naman ang luha ko. Biglang may kulay birde ang kumislap at lumitaw ang nilalang na kinatatakutan ko. Ganoon pa rin ang hitsura niya. Madungis at sobrang payat.
"Anastasha." Bulong niya.
Natulala ako sa kanyang hitsura. At halos walang mamutawi sa bibig ko. Ayaw ko nang sumigaw dahil bugbog lang ang matamo ko. Pinikit ko ang aking mata dahil sa takot. Pinikit ko ito dahil baka isa lang itong ilusyon. Ngunit pagbukas ng mata ko ay nandoon pa rin siya sa harap ko. Napalunok ako ng laway at nanginginig.
"Who are..... you? What.....you need me?" Gatul-gatol kong tanong.
"Ako si Elli ang iyong Guider-elf at kailangan kitang turuan kahit sa ayaw mo o hindi. Thou eyes have already been opened to the world of cryptic nature. You can see now the Alchemist! Thou can sense everything. The powers of elders have flowed on thy blood. Come to me and embrace thy fate."
"Like blah..blahh blahh! Tumahimik ka! Isa ka lang illusion! Elders! Powers! I don't think so!"
"Totoo ako at totoo ang pinagsasabi ko. They can smell you now! Kaya kailangan mo nang maghanda. Sa tingin mo natural ang kakayahan mo? Sa tingin mo natural lang ang ginawa mo sa bulaklak. thou are not!" Aniya.
BINABASA MO ANG
The Seven Descendant #Wattys2016
FantasyIt is like a blink and my life turns like a shit. At first, I sight my life as an adopted child but when I grow up, my life turns like a fantasy. Yes to be exact. Someone stalking me from the moment I was born until time comes and I know everything...