★★The Seeress and Her Descendant★★
ANASTASHA BREE
"Danica! Where have you been? Gabi na! " Nag-alalang tanong ng ina ni Danica. Nakaguhit sa mukha nito ang saya nang mapag-alaman niyang nasa mabuting kalagayan ang kanyang anak.
"I'm okay!" Panigurado ni Danica, bumuntong hininga ito na tila nahihiya sa inasal ng kanyang ina.
"You don't have any idea how I was worried! You came here late! Did you hear the news, Danica? It is viral now," nabigla ako sa sinabi niya. Anong balita?
"Excuse me! Tita ano po ang balita?" Tanong ko sa kanya. Nabigla ito sa pagsalita ko. Marahil ngayon lang niya ako na pansin.
"Anak sino sila?" Natatakot niyang tanong, pinasadahan niya ng tingin ang damit namin, mabuti na lang hindi nagpapakita si Elli. Lumunok siya ng laway.
"They are my friends." Wika ni Danica. Tumingin siya kay Danica ngunit walang isang salitang namutawi sa kanyang bibig.
"Tita ano po ang balita?" Tumingin siya sa akin.
"Ang St. Vincent Orphanage sa Davao City ay pinasok ng mga kakaibang nilalang. Diumano'y kagagawan ng mga bampira ang pagkamatay nina Mother Helen, Terres at iba pang tao. Subalit hindi maintindihan ng mga polisya kung bakit nasira ang bubong ng mga bahay at nabunlot ang mga pananim." Napalunok ito at halata sa boses niya ang panginginig. Napalunok din ako, siguro ang mga bampira ang may kagagawan no'n. Napaisip ako bigla? Bakit sinalakay ang Orphanage? May posibilidad ba na nadoon ang kasamahan namin sa Orphanage? At kung nandoon nga, baka sakali umalis na ito o baka naman patay na. Napailing ako sa iniisip ko. Kung nakatakas man sila maaring lumisan na ito patungo sa ibang lugar upang magtago. Guider-elf can apparates and disapperates. Puwede silang pumunta kahit saan.
"Kailan lang 'yan nangyari?" Tanong ko sa Ina ni Danica.
"Pagkatapos dumilim ng paligid. Paniniwala ng iba, sinalakay ang mundo ng kampon ni Satanas!" Tumango-tango ako, nagkatinginan kami ni Danica at Sean. Si Sean Rogan ang lalakeng kasamahan namin.
"Danica! Sabihin mo na ang totoo." Wika ni Sean. Nakita kong bumuntong hininga si Danica pagkatapos pumikit nang ilang minuto pagkunwa'y binuka niya ang mata nito.
"Mom! Nasa piligro ang buhay ng mga tao! Totoo ang sinasabi nila, bampira ang sumalakay sa mga taong namatay. Alchemist naman ang kumuha sa katawan ng mga taong nawala bigla!"
Inaasahan kong sisigaw siya ng Hindi iyan totoo! Pero wala akong narinig sa kanya. Tulala lang itong nakatingin sa kanyang anak. Habang tumulo ang luha niya.
"Mom! Anong nangyari sa iyo?" Nag-alalang tanong ni Danica.
"Wala ito anak. Kung sa ganoon. Tama nga ang hinala ng iba. Nakakalungkot ang sinapit ng mga taong namatay." Tumingin siya sa amin.
"Magsi-upo muna tayo lahat. Anong gusto niyo? Maghanda ako ng pagkain?" Biglang kumulo ang tiyan ko. Tumingin si Danica sa akin.
"Yes mom! Nagugutom po kami."
"Oh siya maiwan ko muna kayo!" Humakbang ito patungo sa kusina. Nagsitinginan kami sa isa't isa. Biglang sumipot si Elli sa tabi namin.
"Did you hear the news Elli?" Tumango ito at napaisip.
"Maaaring isa sa mga kasamahan natin ang sinalakay ng mga bampira." Napalunok ito.
"Maaaring patay na sila, puwede rin na nakatakas sila at lumisan sa Davao city."
Pareho kaming iniisip ni Elli.
"Paano natin sila matagpuan kung sakaling lumisan na sila sa Davao?" Tila napaisip si Elli habang nakatingala ito sa itaas.
BINABASA MO ANG
The Seven Descendant #Wattys2016
FantasyIt is like a blink and my life turns like a shit. At first, I sight my life as an adopted child but when I grow up, my life turns like a fantasy. Yes to be exact. Someone stalking me from the moment I was born until time comes and I know everything...