CHAPTER 10

914 25 3
                                    

★★Nymps★★

CALEB SMITH

"Bilisan mo!" Sigaw ni master Ellias. Nakapasan ako ng dalawang baldeng tubig. Aniya tumutulong ito upang palakasin ang aking stamina. Dalawang oras na ako nag-iigib ng tubig tapos ibubuhos lang.

"Pagod na ako master!" Sigaw ko sa kanya. Walang tigil ang pagsasanay ko. Kahit gabi nagsasanay ako ng meditation. Mas naiintindihan ko ang paligid一kung ano ang malalim na pinapahiwatig. Ang lakas na pumalibot sa katawan ng iba't ibang hayop ay nararamdaman ko. Kung paano sila nasasakatan at sumasaya.

"Hindi madaling mapapagod ang totoong Cherferrian. Ipagpatuloy mo!" Binuhos ko ang tubig at muling nag-igib. Ganoon ang palaging ginagawa ko mula madaling araw hanggang sa maghapon. Sumasakit na ang tuhod ko at pati na rin ang balikat ko. Sa tingin ko lalabas na ang lahat ng ugat sa katawan ko. Gayonpaman, tiniis ko hapdi at kirot upang matuto. Basang-basa na ako pero hindi iyon alintana.

"Stop! Next level!" Aniya. Napasinghap ako sa sariwang hangin. Tinapon ko agad ang dalawang balde.

"Next level? Hindi ba tayo magpapahinga?"

"Hindi! Kailangan nating madaliin ang pagpapalakas sa iyo. Dahil baka bukas o makapangalawa'y sasalakayin tayo." Aniya; sumunod ako sa kanya habang hinilot-hilot ko ang magkabilang balikat ko. Huminto kami sa isang malaking puno. Tumingin siya sa akin, agad naman akong tumindig ng pormal.

"Puluputan mo ng damit ang kamao mo!" Tumalima ako sa sinabi niya. Hinubad ko ang basa kong damit at pinulupot sa dalawa kong kamao.

"Patumbahin mo ang punong iyan! Gamitin mo ang lahat ng lakas mo! Be a strong Cherferrian as thy ancestor." Napalunok ako habang nakatingin sa napakalaking puno.

"Are you kidding me? Hindi ko iyan magagawa."

"Dont talk to me like that! Thou(you) should honor me for I am thy(your) Guider-elf! Thou insult me and shame for thy elders. Gawin mo ang sinabi ko!" Singhal niya. Sinimulan ko nang umarangkada ng suntok. Napaaray ako sa sakit nang tumama ang kamao ko. Hinipan ko ito dahil sa sobrang hapdi.

"'Wag kang huminto hangga't hindi ko sinabi!" Asik niya, maslalong lumaki ang mata niya. Sinimulan ko ulit. Sinuntok-suntok ko ang malaking acacia. Isa, dalawa一 pumikit ako sa sobrang sakit ngunit nagpatuloy pa rin ako dahil alam kong kaya ko ito.

"Focus! Focus! Caleb!" Sigaw niya. I try all over again. But nothing happens, maslalo lang sumakit ang kamao ko. Focus Caleb, malakas ka, matapang ka.

"Hindi ka mananalo sa laban ko iyan lang ang ipalabas mong lakas!"

"E, sa ito lang e!" Wika ko sa pagitan ng pagsuntok ko sa punong acacia.

"Focus! Focus! Focus!" Ginawa ko nga ang sinabi niya. I jab the acacia hardly and fastly一pero walang nangyari.

"Iyan lang ba ang kaya mo? Matatalo ka lang!" Saway ni master Ellias.

"Tumahimik ka!" Naiinis na ako sa kanya.

"Kung ganyan lang, nag-aksaya ka lang ng oras! Matatalo ka lang!"

"Tumahimik ka nga e. Paano ako makapagfocus!" Nilakasan ko pa ang pagsuntok ko, binilisan ko ito. Mas lalong humahapdi ang kamao ko at nagkapunit-punit na ang damit na pinulupot ko. Dumugo na rin ang kamao ko ngunit hindi pa rin ako huminto. Kailangan ko magawa ito, alam kong magagawa ko ito. Papatunayan ko sa kanya na malakas ako at kaya kong talunin ang mga kalaban ko.

"Talaga bang 'yan lang ang kaya mo? Alalahanin mo na natalo ang mga Elders at lahi mo kahit na malakas, makapangyarihan at marami sila. Samantalang ikaw! Ano sa tingin mo? Tiyanak ang kalaban mo?" Satsat ni Elias. Naiinis na ako sa kanya, satsat lang ito nang satsat.

The Seven Descendant #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon