Disapparation
CALEB SMITH
Ang kasunod na pinagaling namin ang ina ni Danica, kinausap namin ito at aniya si Hannah ang pangalan niya. Half si Danica, Cherferrian at Werewolf.
Nilapitan namin ang dalawang Guider-elves at pinagaling din ito. Lubhang nahirapan kami sa pag papagaling sa kanila dahil sa dami ng dark magic na kumalat sa kanilang katawan.
Mga ilang oras bago kami natapos sa paglunas sa dalawa. Nakamarka sa kanilang mukha ang matinding pagod.
"Caleb, John at Kurt utang namin sa inyo ang buhay namin." Wika ni master Ellias.
"Nawalan mo ako ng malay master Ellias," nahihiyang tapat ni Kurt.
"Kahit na Kurt. Ilang oras kang nakipaglaban bago nawalan ng lakas."
"Anong gagawin natin ngayon Elli?" Tanong ni Hannah.
"Sa ngayon, magpahinga muna tayo." Tugon ni Elli.
"Tingnan natin si Anastasha, limang araw na lang ang nalalabi sa kanyang buhay." Wika ni Sean.
"Puwede natin siyang punan ng lakas nang sa ganoon hindi agad kumalat ang kason sa kanyang katawan." Wika naman ni Ellias.
"Hindi ba siya natin puwedeng pagalingin?" Tanong ni John.
"Tanging ang luha ng unicorn lang ang makapagpapagaling sa kanya. At sa madaling panahon kailangan nating mahanap si Banshee sa Magical Entity. Subalit kung isa sa inyo marunong tumugtog ng flute ay puwede natin siyang pagalingin." Nag-alalang wika ni Elli.
"Walang nakakaalam!" Dismayang wika ni John.
"Master Ellias! Puwede bang pag-aralan ang flute?" Tanong ko.
"Maari, subalit kung pag-aaralan lamang wala itong kapangyarihan na magpagaling." Tugon ni Ellias.
"Kung sa ganoon! Matapos ang pahinga natin, sa madaling panahon. Pupunta tayo sa magical Entity." Wika ko.
"Sumang-ayon ako sa iyo Caleb." Wika ni Sean.
"Ako rin!" Wika ni John. Sang-ayon din sina Hannah, Danica, Kurt, Ellias, at Elli.
Binigyan namin ng lakas si Anastasha. Talagang mahina na ang katawan nito. Naawa ako sa kalagayan niya. Unti-unting bumalot sa kanya ang maitim na ugat sa katawan.
Naghanap muna kami ng pagkain at nagpahinga ng ilang oras.
Pagkatapos naming magpahinga, napagdesisyon namin na magdisapperate upang mapadali ang paghanap namin sa iba. Nakahawak kamay kaming siyam para mag disapperate sa Russia. Iyon ang pinakamalapit sa California at pinakamalapit sa China kung saan malapit sa Pilipinas. Wika ni Ellias at Elli一okay lang daw kahit marami basta may sapat na lakas silang dalawa at iyon ay napag-isipan namin na sa sapphire na singsing huhugutin.
I clear my mind and concentrate. Pero nahihirapan ako kasi kahawak kamay ko na naman si Danica. Hindi ko maintindihan kung bakit ang bilis ng tibok ng puso ko at I feel something butterfly on my stomach. Subalit pinilit ko na lang ang aking isipan nang sa ganoon mapasama ako.
"Isa, dalawa, tatlo!" Yumanig ang katawan namin at biglang lumakas ang hangin na humampas sa mukha ko. Hindi ako makakita dahil lahat ay kadiliman. Naramdaman ko ang mahigpit na paghawak ni Danica sa kamay ko. Hiniling ko na lang na sana palagi kaming ganito一 magkahawak kamay. Pinisil ko ang kamay niya nang mahina.
Mga ilang minuto bago kami nag apperate sa Russia.
Bumagsak kami lahat sa semento at nagkauntog.
BINABASA MO ANG
The Seven Descendant #Wattys2016
FantasyIt is like a blink and my life turns like a shit. At first, I sight my life as an adopted child but when I grow up, my life turns like a fantasy. Yes to be exact. Someone stalking me from the moment I was born until time comes and I know everything...