SEAN ROGAN
Napatingin ako kay Alfie, ang kasamahan nina Arya. Abala ito sa paglalaro ng mga baraha laban sa mga Black Fearies. Lumilipad patungo sa kalaban ang mga baraha nito na kaya niyang kuntrolin. Napamangha ako sa kanyang kapangyarihan. Gayonpaman nahihirapan ito sa kaniyang kalaban. Satuwing umatake ng kapangyarihan ang kanyang mga kalaban. Dumepensa ang mga baraha at nagiging kalasag ito upang hindi siya matamaan. Pagkatapos siya naman ang tumira. Lumandas ang hindi mabilang na baraha patungo sa kalaban. Bihasa na ito sa pakipaglaban. Sa bawat laro nito ng baraha ay may natatamaan. Nagliliparan sa malayo ang mga Black Fearies subalit patuloy pa rin silang pinaghahabol ng mga baraha na ipinaiiral ni Alfie. Napahanga ako sa kanyang kakayahan. Gayonpaman, nahihirapan din ito dahil kunti na lang ang natirang lakas niya. Kaya kaunti na lang ang kaya niyang pagalawin.
Nagpakawala ulit siya ng maraming baraha at lumakbay nang mabilis patungo sa kalaban. Tila isang iglap at naghihiyaw ang mga Black Fearies dahil sa pagtama ng manipis na baraha sa kanilang katawan na lumikha ng pagkapugot ng kanilang ulo at iba't ibang parte.
Lumakbay ang isang bughaw na liwanag patungo kay Alfie.
"Alfie!" Sigaw ko, subalit huli na ang lahat dahil hindi ito nakailag at tumama sa kanyang dibdib. Tumilapon ito na parang bola at nabangga sa pader. Napaubo ito at nagpupulit tumayo. Biglang lumabas ang dugo sa kanyang bibig na umubo ito. Tumingin ako sa Black Feary na siyang may gawa. Naghanda ako at huminga nang malalim. Pagkunwa'y nangalap ako ng hangin at pinagtipon ko upang umatake sa kalaban. Nang handa na ang nilikha kong hangin, buong lakas kong tinira sa kalaban na Black Feary. Gusto man niyang umilag subalit huli na ang lahat dahil nilipon na siya ng kapangyarihan ko. Pinaglaruan ko ang nakakaawa niyang katawan hanggang naging abo ito.
Lumapit ako kay Alfie, "masama ba ang pakiramdam mo?"
Tumango siya, "huwag mo na akong alalahanin Sean! Okay lang ako, kailangan kong tapusin ang mga kalaban ko. Kunti na lang sila at alam kong kaya ko sila. Hindi ako susuko, ito na ang pagkakataon upang makapaghigante ako sa mga pinaggagawa nila sa amin. Marami na rin ang namatay at kailangan nilang magbayad sa kanilang kinitil na buhay."
Muli niyang tinaas ang kanyang kamay. Ang isang baraha sa kanyang harapan ay unti-unting dumarami. Lumikha rin ako ng hangin upang tulongan siya sa paglipon ng mga Black Fearies.
"Ahhhh!" Sigaw nito, mabilis na humakbang sa hangin ang mga baraha patungo sa kalaban. At ang maninipis na mga ito ay lumandas sa kanilang kamay. Gusto man nilang lumipad sa malayo subalit pinigilan ko sila gamit ang hangin. Nilakasan ko ang pag-ihip ng hangin upang hindi sila makalipad habang ang mga pakpak nila at katawan ay pinaglalaruan ng maninipis na baraha. Gutay-gutay ang sino mang matamaan ng mga baraha.
"No!!!!!" Sigaw ng isa sa mga Black Feary. Mas dumarami pa ang mga baraha at mas nilakasan ko rin ang pag-ihip ng hangin.
"Mamatay kayo!" Sigaw ng Black Feary. Lumandas patungo sa amin ang bughaw na liwanag. Ginamit ko ang aking telekinesis upang ilihis ito ng landas habang nakakuntrol pa rin ako sa pag-ihip ng hangin. Ang lakas pumintig ng utak ko at nananakit ito. Napalunok ako ng laway, hindi ako makahinga, nahihirapan akong makahinga marahil kunti na lang ang lakas na natira sa katawan ko. Ramdam ko rin na nanghihina ako.
"Ahhh!" Sigaw ko nang napakalakas, mas lalong lumakas ang hangin, nagtagumpay rin ako sa paglihis ng tira ng kalaban.
"Ahhhh!" Tugon na sigaw ni Alfie.
"Ahhh!" Naghihinagpis na sigaw ng mga Black Fearies dahil sa kamatayan na kanilang natamo. Pareho kaming nawalan ng lakas, subalit bago pa man ay nalipon na namin lahat ng mga Black Fearies at ni isa walang natira. Napaluhod kaming dalawa, hinihingal, dumugo ang bibig at pagod na pagod.
BINABASA MO ANG
The Seven Descendant #Wattys2016
FantasíaIt is like a blink and my life turns like a shit. At first, I sight my life as an adopted child but when I grow up, my life turns like a fantasy. Yes to be exact. Someone stalking me from the moment I was born until time comes and I know everything...