Chapter 34

312 5 0
                                    


Arya

I turn to invisible, I need to find him, I need to find the one that call my heart. I need to see him. I need to see Albasher even just this single moment in time. I need to hold his hands before I die or either before he dies.
There are only two choices between us; either I die or he dies. Or maybe to choose to escape and elope. But it couldn't be. Dahil kahit kailan hindi ko kayang iwalang kabulohan ang pagkamatay ng kasamahan ko. Paano ang dugo na ibinuwis nina Shanice at iba pang kasamahan ko.

I stumble when someone accidentally dash on me. It is Alchemist that Anastasha threw hard over me. Before she can stab him, I already stab it with my knife. I see how Anastasha baffles when she sees Alchemist dies.

Hindi na ako nagpakita sa kanya, kailangan kong makita si Albasher, pinapatay ko naman ang mga Dark Creatures na masasalubong ko. Huminto ako nang makitang nahihirapan sina Anastasha at Caleb sa paglupig ng mga Alchemist at Vampires.
Pumikit ako at tinaas ko ang kamay ko, pagkunwa'y bumulong ako ng ancient language. I found this legacy on the diary of my mother that she left for me. It is not an ordinary legacy that you find within itself. But the cooperation between you and the nature.

Naramdaman ko ang paghakbang ng mga ugat patungo sa mga kalaban. Dumaan sila sa ilalim ng lupa at biglang lumabas at pinaghampas-hampas ang mga Dark Creatures. Hindi ako makita ni sino man dahil nakainvisible ako at sarado ang isipan ko. Puwera lang sa mga Dark Creatures na marunong ng Dark Arts at kaya nitong basagin ang utak ko at shield charm.
Nagpatuloy ako sa paghanap ni Albasher, hanggang sa natagpoan ko itong nakipagtunggali kay Azur.
Nalilito ako sa kanya, bakit? Bakit magkalaban sila?

"Traydor ka Albasher! Ano na lang ang masasabi ni Dark Lord sa iyo? Kinamumuhian ka na ngayon ng iyong ama!"

"Wala akong pakialam Azur, hindi na ako Alchemist, unti-unti nang kumupas ang Dark Arts na pinainom ng ama ko sa akin. Isa na akong Cherferrian at alam mo iyon na doon tayo nang galing. May paraan pa upang alisin ang sumpa sa atin Azur maniwala ka!"

"Hindi na kailangan pa Albasher, dahil kahit magiging Cherferrian man ako ulit ituturing sakim pa rin ang pamilya ko. Nabahiran na ang pagkatao ko dahil sa mga magulang ko. At gayon din ikaw, sakim ang mga magulang mo, at kahit ano pang pilit mong bumalik sa totoo mong pagkatao mananatili pa rin ang mantsa na dulot ng iyong ama!"

Napatulala si Albasher sa sinabi ni Azur.

"Matatanggap pa rin ako Azur!" Sigaw nito at muli silang nakipaglaban.

Gusto kong tulongan si Albasher nang biglang sumakit ang ulo ko. Napapikit ako sa di mabilang na karayum na tumusok-tusok sa utak ko. Biglang lumitaw ang katauhan ko. Napalingon ako sa sentinel na bampira na siyang nagkuntrol sa akin. Hinagis ko sa kanya ang dagger subalit huminto lang ito sa harap niya at bumalik sa akin. Ginamit ko ang telekinesis ko upang ihinto ang dagger na papunta sa akin.
Mabuti naman nagtagumpay ako subalit patuloy pa rin ang pagsakit ng utak ko dahil sa kagagawan ng bampira.
Huminga ako nang malalim at nagconcentrate upang waglitin ang pagkuntrol niya sa akin. Huminga ako at pinikit ko ang aking mata. Hanggang sa naisirado ko ng higpit ang isipan ko.

Tumakbo ako patungo sa bampira habang nakahanda ang dagger sa kamay ko. Bigla itong nawala. Pinakiramdaman ko ang likod ko at hindi ako nagkamali. Doon nga ang tirada niya sa akin. Sinalubong ko siya ng taplis sa mukha nito. Dumugo ang mukha niya. Susuntokin sana niya ako nang nahawakan ko ang kamay nito. Nagpuwersahan kami ng lakas. Tumilapon ako sa sobrang lakas nito. Nabitawan ko ang hawak na dagger at tumilapon sa malayo. Sumampa sa katawan ko ang Bampira ang tinounan niya ako na matulis na punyal. Pilit ko itong inilayo sa mata ko.
Nagpuwersahan kami ng lakas, alam kong matatalo ako ng biglang may sumaksak sa likod ng bampira. Agad naman itong naging abo, napaubo ako. At tiningnan ko ang tumulong sa akin. Biglang lumakas ang kabog ng puso ko. Biglang huminto ang paggalaw ng mundo ko.

The Seven Descendant #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon