Tinanggal ko ang pana na nakatusok sa likod ni Arya at pinagaling ko ito. May lason ng tanga ang mga pana at marami ang nasawing buhay.
"Sean! John! Tulongan mo kaming sugpuin ang mga Archer." Sigaw ko, narinig naman nila ako at tumingin sila sa akin at tumango. Muling nagpaulan ng pana ang mga Archers patungo sa amin. Ang huni ng mga panang naglalakbay sa hangin ay nagpapanginig sa amin.
"Seann! John!" Galit kong sigaw. Ilang metro na lang at matatamaan na kami ng pana. Matutuhog na kami na parang barbecue. Sa isang hawi ng kamay nina John at Sean ay bumalik ang mga pana sa mga Archers. At sila mismo ang natusok sa nakakalason nilang panang gawa.
"Arya!" Bago pa man marinig ni Arya ang sigaw ko ay tumilapon na ito sa malayo at bumangga sa pader. Tinira ko ng apoy ang bampira na may gawa. Naghihiyaw ito sa pagkasunog. Pinulot ko ang matalim na punyal ni Arya sa lupa at tumakbo sa naghihiyaw na kalaban at sinuggaban ang puso nito ng kutselyo. Tumirik ang mata niya hanggang sakung
ing abo. Lumapit ako kay Arya na ngayo'y nakatayo na."Are you okay!" Pinukpok niya ang ulo nito at tumingin sa akin.
"Okay lang ako!" Aniya.
"Fergo! Sa likod mo!" Sigaw ni Lienald sa kaibigan nito, subalit huli na ang lahat, nasaksak si fergo sa likod. Napasuka ito ng dugo hanggang sa unti-unting bumagsak na walang buhay. Napaawang ang bibig ko sa namasdan na dahan-dahang pumikit ang mata ni Fergo hudyat na wala na talaga itong buhay.
"Hindi!" Nakakakilabot na sigaw ni Arya na may galit at lungkot.
"Hindi maaari!" At pinakawalan ni Lienald ang isang blade na unti-unting dumami patungo sa kalaban. It was a multi-blade na kahit ano pang iwas ng kalaban ay sinusundan ito ng maraming blades. Nasaksak sa puso ang sentinel na bampira at agad naman itong naging abo.
Tumakbo patungo si Arya at Lienald kay Fergo. Sumunod ako sa kanila.
"Fergo lumaban ka! Lumaban ka!" Tangis ni Lienald. Pinakiramdaman ko ang puso ni Fergo subalit wala na itong buhay.
"Anastasha! Marunong ka bang magpagaling?"
"Marunong Arya! Subalit binawian na ng buhay si Fergo." Malungkot kong wika.
Tumulo ang luha ni Arya. "Huwag mong sabihin iyan!" Sigaw nito. Nabigla ako sa inasal nito ngunit initindi ko na lang. Paano kung si Danica ang namatay? O di kaya si Sean, Elli at iba ko pang kasamahan. Hindi ko iyon lubusang matanggap.
"Naintindihan kita Arya, subalit kailangan mo nang tumayo sapagkat napapaligiran na tayo ng mga bampira at Alchemist." Napatingin ito sa paligid at agad namang tumayo.
"They are more of them coming for us!" Sigaw ni Kurt at sinabayan nito ng tadyak na lumikha ng malakas na pagyanig.
"Anastasha! Patawarin mo ako! Palpak ang plano ko. Hindi ko alam na magpapadala pala ng mga Dark Creatures si Abizu Fudo. Hindi ko alam na may lagusan pala patungo sa Dark Entity." Napatingin ako sa kalaban namin na nakapaligid. Napalunok ako habang parami nang parami sila. Sumusulpot lang sila sa lagusan galing sa Dark Entity. Orcs, Black Witches, Black Fearies, Werecats, Minotours, Vampires, at Goblins.
"Hahahahaha!" Pilyang halakhak ng Black Witch.
"Maghanda kayo!" Sigaw ni Anastasha.
"Avada Kedavra!"
"Arya!" Sigaw ko, hinigit ko siya at tumalon upang umilag sa tira ng Black Witch.
"Nasuada! Mag-ingat ka!" Sigaw ni Arya sa kaibigan nito. Tumakbo patungo sa amin si Nasuada.
"Nasuada! Sa likod mo!" Isang spell na gawa ng Black Witch ang sumunod sa kanya. Ilang metro na lang at matatamaan na ito. Napalunok sa takot si Arya at napaiyak ito. Marahil hindi siya narinig ni Nasuada. Biglang huminto ang mundo ko. Nasa likuran na niya ang spell.
BINABASA MO ANG
The Seven Descendant #Wattys2016
FantasyIt is like a blink and my life turns like a shit. At first, I sight my life as an adopted child but when I grow up, my life turns like a fantasy. Yes to be exact. Someone stalking me from the moment I was born until time comes and I know everything...