ARYAAko si Arya, labing walong gulang. Namulatan ko ang pagiging alipin simula nang bata pa ako. Patay na ang ama ko dahil umano sa digmaan at ang ina ko naman ay patay na rin dahil sa lubhang inalipusta. Isang taong gulang pa lang ako ng sinalakay ang lahi namin ng mga Alchemist at iba pang dark creatures. Nang natalo ang Elders namin, sumuko ang iba at nagpaparaya na maging alipin. Isa na doon ang aking ina.
Mahigpit ang pamamalakad ng mga Alchemists at iba pang dark creatures. Palagi nila kaming inaalipusta. Ang mga Alchemist ay nagmula sa iba't ibang uri ng tao. May Cherferrian na ginawang Alchemist ni Abizu Fudo. Shadowhunter at ordinaryong tao ay ganoon din. Ang lahing Alchemist ay nagmula kay Abizu Fudo at may pagkaiba ang kanilang hitsura depende sa pinagmulan nito. Ang ordinaryong tao na naging Alchemist ay lumalabas ang kanilang ugat at mapuputla ang kanilang balat. Ang Cherferrian at Shadowhunter na ginawang Alchemist ni Abizu Fudo ay ganoon pa rin ang kanilang hitsura subalit mapuputla sila at nanghihina kung hindi sila nakakahigop ng kaluluwa. Ang mga Alchemist ay puwedeng umangkin ng katawan ng ibang tao subalit puwede rin nilang panatiliin ang kanilang katawan sa paraan ng paghigop ng maraming kaluluwa.
Kaming mga babae ay ginawang paraosan ng mga Alchemist at wala kaming magagawa dahil hawak nila kami sa leeg. Sadyang ipinagkait sa amin ang kasarinlan at ang makita ang liwanag ng sikat ng araw. Maraming bawal ang pinapatupad sa amin. Bawal kaming lumagpas sa pader ng palasyo; bawal kaming magsuot ng magagandang damit dahil umano'y alipin lang kami; bawal kaming umiibig sa mga Alchemist dahil alipin lang kami, subalit ang tanong kung gusto ba naming umiibig sa nakakamuhing nilalang at walang pakiramdam; bawal kaming kumain ng masasarap ng pagkain, maghihintay muna kami ko may tira; bawal kaming gumamit ng kapangyarihan dahil kung matutuklasan kami ay gagawin nila kaming Alchemist.
Ang buhay rito sa Cherferrior Entity lubos napakahirap. Gusto naming lumaban para sa kalayaan subalit wala kaming sapat na lakas at kapangyarihan. Maraming umaaligid na Sentinels ng Alchemist, Vampires, at Black Witches. Natatakot na kaming mga kabataan na may kapangyarihan dahil sa oras na matuklasan nila kami ay gagawin nila kaming Alchemist. Kaya mas inigihan namin ang pagkubli sa aming sarili.
"Arya! Arya!" Bumalik ang aking isipan dahil sa nag-alaalang boses ni Nasuada. Agad kong nilagay sa bulsa ang kuwentas na binigay ng Elf.
"Anong problema?" Nanginginig kong tanong, alam kong dagok na naman ang hatid nitong balita.
"Arya! Pinaghahanap ka nila kanina pa at bagot na bagot na sila sa kakahanap sa iyo, saan ka ba nanggaling? Pinapatawag ka ng anak ng pinuno ng mga Alchemist."
"Si Albasher? Anong pakay niya sa akin? Bakit niya ako hinahanap?"
"Tinatanong pa ba iyan Arya? Alipin tayo rito at wala tayong kasarinlan." Wika ni Nasuada.
"Samahan mo ako sa mga Alchemists na naghanap sa akin Nasuada."
"Halika! Upang hindi tayo malagot ng mga Alchemists. Alam mo nang wala silang pakiramdam baka higopin pa nila ang kaluluwa natin at hindi ko mapigilan na gamitan ng kapangyarihan."
"Tsssss baka marinig ka Nasuada." Saway ko nito.
Humakbang kami papunta sa maliit na bahay kung saan nakatira ang mga timawa. Bawal kaming pumasok sa palasyo kung hindi kami pinahintulotan.
"Ginoo! Nandito na po si Arya!" Wika ni Nasuada. Humarap sa amin ang mga Alchemists at ginawaran ako ng sampal.
"Saan ka ba nagsusuot? Ginagalit mo si Kamahalan dahil napakatagal mo." Wika ng isang Alchemist sa magaspang at walang buhay niyang boses.
"Patawad po." Mahina kong sambit, napahawak ako sa mukha ko dahil sa sobrang sakit.
"Sumama ka sa amin! Gusto kang makasama ni Kamahalan ngayong gabi at huwag mo siyang galitin kung gusto mo pang mabuhay ng matagal."
Kinaladkad nila ako patungo sa palasyo. Napatingin ako sa kabuohang loob ng palasyo. Paminsan-minsan lang ako makapasok rito. Puro lumang paintings ang nakasabit at iba pang lumang kagamitan.
BINABASA MO ANG
The Seven Descendant #Wattys2016
FantasyIt is like a blink and my life turns like a shit. At first, I sight my life as an adopted child but when I grow up, my life turns like a fantasy. Yes to be exact. Someone stalking me from the moment I was born until time comes and I know everything...