CHAPTER 14

548 18 2
                                    

★★Black Fores★★

Caleb Smith

"Saan tayo?" Tumingin ako sa paligid. Nakapalibot sa amin ang makapal na kagubatan. I roaming around my eyes, trying to inspect the area we land.

"Hindi ko alam kung saan tayo. Wala akong inisip na lugar." Aniya. Nakamasid ako sa masalimoot na kagubatan. Nakapalibot sa amin ang mga malalaking puno. Tanging mga huni ng ibon lamang ang maririnig namin.

"Maglakad muna tayo! Baka may matagpuan tayo rito!" Nagpatianod ako sa pagkahila ni Ellias. Sobrang napakaliblib ng lugar na ito. Medyo may kadiliman subalit makikita pa rin namin ang isa't isa.

"Wala ka bang kakaibang naramdaman, master?" Tanong ko kay Ellias.

"Hindi ako werewolf!" Aniya. Kumakapit ang mga sanga ng kahoy sa tuwing dumadaan kami. Hinahawi ko naman at maiiging tumitingin sa dinadaanan namin. Mga ilang oras kami naglalakbay. Pero tila hindi namin marukruk ang dulo ng kagubatan. Hinihingal na rin ako at napapagod.

"Master! Magpahinga muna tayo!"

"Pagod ka na ba?" Tanong niya. Tumango ako, hindi lang ako pagod, nauuhaw rin ako. Ang sarap uminom ng tubig.

"Oh! Sige! Palubog na rin ang araw." Wika ni Ellias. Naupo kami sa ilalim ng malaking puno. Gumawa ng Shield Charm si Ellias para maprotektahan ang buhay namin. Sumandal ako sa puno at huminga. Ang magandang himig ng gabi at awit ng mga ibon ang humila sa akin sa pagtulog.

Nagising ako dahil sa pagkagat ng lagam sa balat ko. Ang mga huni ng hayop ang unang sumalubong sa pandinig ko. May munting sinag ng araw ang sumilaw sa maganda kong mata. Tumingin ako kay Ellias na gising na rin. Marahil pinagmasdan lang ako nito at binabantayan.

"Magandang araw at mahirap na simula ng ating paglalakbay." Aniya. Ngumiti ako. Kahit gaano pa kahirap kakayanin ko.

"Maghanap muna tayo ng tubig." Wika ko. Nauuhaw pa rin ako.

"Huwag kang mag-alala! Ipagsasabay natin!" Aniya.

"Puwede ba tayong mag disapperate at apperate?" Umiling siya.

"Hindi natin 'yan magagawa dahil hindi natin alam kung nasaan tayo. Mapupunta lang tayo sa ganitong lugar na hindi natin alam!" Tumango ako. Naintindihan ko naman e. Gusto ko lang makita ang iba. Tumayo na ako, tumingin ako sa nakabanaag na sikat ng araw. Nagsimula na kaming maglakad.

"Master! Ano po ang mga kapangyarihan ng Odd?" Tanong ko. Tumikhim siya at napalingon sa akin habang hinahawi namin ang mga sanga ng kahoy.

"Ang Odd ay kilala sa kanilang kapangyarihan na Dreyhan, Isa tatlong kapangyarihan na pinagbabawal."

"Ano po ang Dreyhan?" Napaubo s'ya marahil ayaw niyang ikuwento nito sa akin. Gayunpaman nagsalita ito.

"Ang Dreyhan ay isang kapangyarihan ng Cherferrian na nagbibigay ng lakas upang kanselahin ang isang kapangyarihan ng kalaban nito." Aniya. Napanganga ako.

"Talaga? May isa ba sa aming apat na napagkalooban ng ganyang kapangyarihan?" Tanong ko. Lumaki ang mata ni Ellias.

"Wala! 'Wag na nating 'yan pag-usapan!" Galit niyang wika.

"Bakit? Isa akong Cherferrian kailangan kong malaman ang lahat?" Hinabol ko si Ellias na naunang humakbang sa akin.

"Lahat na! 'Wag lang ang Dreyhan!"

"Bakit nga?" Naiinis na rin ako.

"Nagmana ka nga sa papa mo! Ang tigas ng ulo!" Aniya. Bumuntong hininga ito at muling tumingin sa akin.

The Seven Descendant #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon