Hippogrifff
Matapos naming mapagaling si Ellias, pinatuloy pa rin namin ang nakakapagod naming paglalakbay upang hanapin ang tinitirahan ni Banshee."Master Ellias hindi ba puwedeng mag apparate sa bahay ni Banshee?"
Tumaas ang kilay ni Ellias sa tanong ko.
Maraming shield charm ang nakapaligid sa bundok Alibaja na gawa ng mga sinaunang tao. Mahihirapan tayong hanapin si Banshee lalo na't marami itong alam na dark arts. Nag-aaral din ito ng defense against the dark arts.
"Kung sakaling nag-aaral si Banshee ng dark arts, hindi ba siya masamang tao?" Tanong ni John.
"Walang kinakampihan si Banshee sa kahit sino man, at alam kong wala siyang galit sa atin. Subalit kong may kailangan man tayo sa kanya ay dapat may maipagkaloob tayo."
"Oh! At ano naman?" Tanong ni Danica.
"Naku John kailangan mo talagang itago ang singsing mo upang hindi mapagtripan ni Banshee." Wika ni Kurt.
"Subukan lang niya." Asik ni John. Nagsimula ulit kami sa paglalakbay patungo sa bundok Alibaja na nakapagitan sa Urok at Cherferrior Entity na ngayon pag-aari na ni You-know-who.
Masalimoot ang daan na aming ni lalakbay. Matamlay ang kagubatan at may mga kakaibang huni ng mga hayop. Iba na rin ang ihip ng hangin dahil tila mas makapangyarihan ang tumutira rito. Napatingin ako sa unahan na walang bakas na daan. Mapanganib ang sinuong namin. Napatingin si Danica sa akin, ginawaran ko siya ng matamis na ngiti kahit pagod na pagod na ako.
"Okay ka lang?" Pag-alala nito. Ang sarap pakinggan ng himig ng kanyang boses tila isang musika sa aking tainga.
"Caleb okay ka lang?" Naalimpungatan ako sa katitig ng kanyang magandang mukha.
"Oh yeah! I'm okay." Tugon ko nito.
"Mabuti para sa iyo." Aniya.
"May telekinesis ka ba Danica?"
"Ahh.. Wala eh. Mas umiiral ang pagiging Werewolf ko."
"Ganoon ba! Baka hindi pa ngayon oras."
"Marahil!"
Napatingin ulit kami sa unahan, wala pa rin kaming nakitang bahay. Paano namin makikita ang bahay ni Banshee kung nakashield charm ito? Unti-unting bumalot ang dilim sa Magical Entity hudyat na gabi na.
"Magpahinga muna tayo Ellias." Wika ni Elli na nakabakas sa mukha nito ang pagkapagod. Huminto kami lahat at nagpahinga.
"Kailangan nating kumain para mapunan ang ating lakas. Pakiramdam ko nasimot na ang ating lakas." Wika ni Ellias.
"Ako na ang maghanap ng pagkain. Magpahinga na lang kayo." Wika ko.
"Sasama ako sa iyo Caleb. Ako ang laking kagubatan sa inyo." Ani ni Kurt.
"Gusto kong sumama!" Napatingin kami ni Kurt kay Danica na tumayo. Napalunok ako sa punit-punit niyang katawan na halos lumantad na ang kanyang kariktan.
"Anak huwag ka na lang sumama!" Pigil ng kanyang ina.
"Gusto kong sumama mom!" Aniya.
"Huwag kayong lumayo baka mapaano kayo."
"Huwag kang mag-alala Ellias, kami ay mag-iingat." Pahabol kong sigaw.
Sumuong kami sa maliblib na lugar. Sinubukan kong palawakin ang aking isipan upang makapaghanap kami ng makakain.
"Doon! May nakatagong kuneho." Turo ko. Pumunta kami roon sa maliblib na lugar kung saan nakahilata ang dalawang kuneho. Kinuha namin ito at nangalap pa rin.
BINABASA MO ANG
The Seven Descendant #Wattys2016
FantasyIt is like a blink and my life turns like a shit. At first, I sight my life as an adopted child but when I grow up, my life turns like a fantasy. Yes to be exact. Someone stalking me from the moment I was born until time comes and I know everything...