CHAPTER 20

515 23 5
                                    

★★The Odd★★

Unang pinagaling namin ni John si Kurt. Madali lang naman dahil ginamitan namin ng lakas na nakapaloob sa singsing.

"Thanks!" Wika ni Kurt na nakaupo na ngayon. Matamlay ang mata nito at nakabakas sa mukha ang pagkapagod.

"Walang ano man!" Wika namin.

Malungkot itong lumingon sa amin ni John.

"Pasensya na kayo, mahina ako! Hindi ako nakatulong sa inyo."

"Kurt! Narinig mo ba iyang sinabi mo? You are great! Nagkataon lang na ang kapangyarihan mo ay hindi ngayon umiral. Pero magaling ka tandaan mo iyan at kung sakaling hindi man, kaibigan pa rin kita. May kapangyarihan ka na animagus at seismic attack na wala kami. Kailangan mo lang linangin ang kakayahan mo. " Galit na wika ni John.

"At tandaan mo Kurt! Pinili ka ng elders natin na mailigtas dahil alam nila na kahit bata pa tayo may kakaibang lakas tayo. Kaya huwag na huwag mong sabihin iyan. Sama-sama tayong buuhin ang mga pangarap natin at muli nating papalawakin ang lahi natin. " Wika ko.

"Caleb! Iyong lalakeng nakahilata ang sunod nating pagalingin." Wika ni John sa akin. Tumayo ako at tinungo namin ang lalake. Sinimulan namin siyang pagalingin一mga ilang oras ito bago tuluyang nalunasan marahil sa tindi ng pagkaubos ng kanyang lakas. Pero tila may kakaiba sa kanya. Parang dalawa ang kanyang kaluluwa at magkaiba ang katangian. Tiningnan namin ni John ang pulso niya at walang markang dragon sa kanyang pulso. Nagtataka kami dahil makapangyarihan ito. Nararamdaman namin ang kanyang lakas.

"Salamat!" Aniya at tumingin siya sa amin ni John.

"Naramdaman mo ba ang kakaibang kapangyarihan niya at ang kanyang katauhan?" Kinausap ko si John sa isipan, sumupurta rin kasi ito sa paglunas sa kasamahan namin.

" Oo, Subalit hindi siya napabilang sa pitong iniligtas. Maaring kalahi natin siya subalit mudblood at mapabilang sa Odd faction. Pero ang tanong? Sino ang kanyang magulang na sumuway sa alintuntunin ng ating lahi? Lubos na ipinagbabawal ang bumuo ng anak kasama ang ordinaryong tao. "

"Hindi ko rin alam! Kung sakaling Odd nga siya? Malaki ang pakinabang niya sa atin upang talunin si Abizu Fu一I mean You-know-who dahil maaring magkaroon siya ng legacy na Dreyhan."

"Puwede mo namang sabihin ng pangalan niya eh."

"Natatakot na ako kay You-know-who sa kabila na nangyari sa atin ngayon. Sa paghaharap natin sa kanya alam kong mas malakas pa siya kay sa Shade. Kaya kinatatakutan ko ang pangalan niya."

"Iwan ko sa iyo Caleb, sige na nga Yuo-know-who at Who-must-not-be-named nalang ang itatawag natin kay Dark Lord一pero kung sakaling may dreyhan nga siya, sobrang mapanganib sa atin. Alam muna na madaling maakit sa kapangyarihan ang mga Odd at matatalino. Maari niya tayong linalangin kagaya ng ginawa ni Abizu Fu一I mean You-know-who."

"Caleb, John! Anong nangyari sa inyo? Bakit kayo tulala?" Tawag pansin ni Kurt sa amin. Agad naman kaming napatingin sa kanya.

"Ahhh wala!" Wika ni John.

"Ano okay ka lang ba? Anong pangalan dre?" Tanong ko.

Lumingon siya sa akin. "Sean Rogan!"

"Ako si Caleb!" Tinaas ko ang kamay ko at nakipagkamay sa kanya.

"Ako naman si Kurt!"

"Ako naman si John!"

"Kinagagalak ko kayong makilala!" Wika ni Sean.

"Gayon din kami Sean!" Tumango ito sa amin.

"Naramdaman namin ang kakaibang lakas mo at alam namin na isa kang Cherferrian. Maaring pureblood or mudblood subalit hindi namin tinangka na lusubin ang iyong isip. Kung pahihintulutan mo kami na suriin ang isipan mo ay gagawin namin para sa ikakabuti ng pagsasama nating lahat. Mahirap na magtiwala. "

"Ganoon ba? Ngayon pinahihintulutan ko na kayo na suriin ako kung iyon ang hinihiling niyo. Nang sa ganoon mapatunayan ko na hindi ako masamang tao." Aniya at nagsimula na itong pumikit.

"Sabihin mo lang kung nasasaktan ka." Wika ni John.

Pumikit din kami ni John. Sinimulan naming abutin ang kanyang isipan at nilandas ang kanyang masinop na nakaraan.

Ang pagkipaglaban niya sa mga Black faeries, tinira siya ng isang Black feary subalit pareho silang natumba. Skip the other parts. Ang pagtutungali niya sa mga boneys. Kinagat ito ng boney at sinipsip ang kanyang dugo, subalit hindi siya ang namatay kunde ang boney. Lumason sa boney ang dugo nito. Ang pakikipagtungali niya sa Orcs na inilabas nito ang matinding lakas niya kung saan iyon ang dahilan kung bakit nakalutang at walang malay ang babaeng ngayon dahil sa lason ng laway ng mga Orcs na kumalat sa kanyang katawan. Skip the other parts一 Nakikipagtungali rin ito sa mga bampira. Tinangka ring kunin ang kaluluwa nito ng mga alchemist. Skip the other parts. Sinisid pa namin ang kanyang isipan subalit wala nang laman. Doon lang nagtatapos nang sinalakay ang bahay nila at wala na, alam din namin na hindi nito sinirado ang kanyang isipan dahil sa ramdam pa rin namin ang kanyang isipan.

Pinakawalan namin siya at napatingin kami pareho ni John na may pagtataka.

"Anong nakita niyo?" Tanong ni Kurt.

"Hindi namin masidsid ang nakaraan mo nang bata ka pa. Ni hindi namin nasilayan kung sino ang ama mo. Ang mama mo ay isang ordinaryong tao. Maaring iyong papa mo ay isang Cherferrian."

"Ikinalulungkot ko! Wala rin akong natandaan ni isang katiting na emahe ng aking ama." Wika ni Sean.

"Okay lang iyan Sean. Ang importante kasamahan ka namin. Paraming parami na tayo."

Ang kasunod na pinagaling namin ay ang dalawang taong lobo. Nakita ko sa nakaraan ni Sean kung paano ito lumaban at paano sila nagkatagpo. Pareho silang nakatakip ng dahon ang kanilang pagkababae.

Una kong pinagaling ang batang lobo na walang malay at nakahilata. Tinititigan ko ang mukha niya. Matapang man ito subalit nasa kagandahan pa rin nito ang pagkababae. Kissable red lips, dark eyebrows and prominent cheekbones. Napangiti na lang ako.

"Caleb, alam ko iyang iniisip mo! Karugtong sa akin ang isipan mo ngayon." Wika ni Jonh na mukhang na nunukso. Nalimutan ko na magkasalo pala ang isipan namin ngayon.

"Gago! Natural lalake ako dre! May puso naman ako ah."

"Hindi mo ba iniisip? Bawal nga ang mudblood dahil lumilikha ito ng odd."

"Ehhh.. Paano tayo dumami niyan kung kahit ngayon eh ilulunsad pa rin natin ang klaseng alintuntunin na iyan."

Tumahimik ako at sinimulan pagalingin ang mga sugat nito. Ginawaran din namin siya ng sapat na lakas. Bumuka ang mata nito at nakatingin sa amin. Agad naman nitong hinawakan.ang dibdib niya.

"Huwag kang mag-alala hindi namin iyan tiningnan." Napangiti ako ulit.

"Salamat!" Wika nito sa mahimig niyang boses.

"Anong pangalan mo?" Wika naman ni John.

"Ako si Danica." Aniya.

"Ako si Kurt."

"Tawagin mo lang akong John."

"Ako naman si Caleb." Nakipagkamay kaming dalawa. Hindi ko maintindihan ang pagdampi ng balat namin. Biglang uminit ng katawan ko. Napalunok ako sa kakaibang sensasyon na dulot ng maginaw niyang kamay.

###

Please don't forget to hit vote and comment in every chapter.

Thank you :-*

--imheartmonster

The Seven Descendant #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon