Chapter 28

439 12 4
                                    


ARYA

"Arya! Kailangan nating magtipo! Nasaan sina Alfie?" Natarantang wika ni Naauada.

"What happened Nasuada?" Tanong ni Lienald.

"Kanina narinig ko ang pinag-usapan nina Albasher at Azar tungkol sa lagusan palabas sa mundo ng ordinaryong tao. Inutusan si Azar ni Abizu Fudo na sabihan si Albasher na magpadala ng kawal sa lagusan dahil maraming naglaho na Goblins, isa na rito si Tataklan. May mga sentinels na Dark Creatures silang ipinadala!"

"Tapos?" Tanong ni Skyzzer.

"Kung sakaling nagpapadala ng mga Dark Creatures si Abizu Fudo ibig sabihin nito ay natuklasan nilang nandito ang mandirigma ng Cherferrian at nasapanganib ang buhay nila. Hindi tayo makakatakas." Natatakot kong wika.

"Ilang kawal ang ipinadala nila Nasuada?" Tanong ni Fergo.

"Isang libong Orcs, dalawang libong bampira, isang libong Alchemist, tatlong libong werecats, limang daang Goblins, dalawang daang minotours, isang daang Black faeries!" Hinihingal si Nasuada sa kakabilang ng kalaban.

"Mabuti naman walang black witches!" Wika ni Lienald.

"Marahil hindi muna sila nakipagkasundo kay Abizu Fudo." Wika naman Skyzzer.

"Ano na ang gagawin natin Arya?" Nakabakas sa boses ni Nasuada ang sobrang takot kahit pa man sa akin.

"Tulad nang sinabi mo, kailangan nating magtipon lahat, tayong Cherferrian. Marahil kaunti na lang ang matitira rito kung pupunta sila sa lagusan. Kailangan natin silang tulongan. Papaslangin natin ang matitirang Dark Creatures dito at kukuha tayo ng mga armas para sa pakipaglaban."

"Pero may isa pang lagusan dito! Huwag nating pilitin makipaglaban ang iba na walang kapangyarihan dahil lubos na mapanganib. At saka hindi pa marahil malakas ang mandirigma ng Cherferrian at kaunti lang tayo kumpara sa kanila."

"Oo Fergo! Dalawa ang lagusan at ang pangalawa ay ang forbidden sea, mas lalong mapanganib doon. Maaari tayong maligaw at marahil hindi makabalik ang katinouan natin. Mabuting pang lumaban dahil may kunting pag-aasa pa. Huwag mong maliitin ang Cherferrian na walang kapangyarihan dahil developer sila, may angking talino at magagamit natin iyon para sa maiingat na plano." Wika ko kay Fergo. Napaawang ang labi niya. Nanginginig kami sa takot.

"Mauubos ang lahi natin Arya! Mga Elders nga natin hindi nila natalo kita pa kaya? Ni wala tayong naturang pagsasanay at pag-aaral ng iba't ibang sektor ng kapangyarihan. Ni isang Dark Arts wala tayong alam at tig-dadalawa lang ang kapangyarihan natin. Satingin mo kaya natin silang lumaban?"

Napatahimik ako sa sinabi ni Fergo, tama ang sinabi nito subalit magpapaalipin na lang ba kami at tiisin sa buong buhay namin ang lubhang pagdurusa sa hapdi at pangungulila sa kasarinlan. Hiyaw ng kalooban namin ang lumaya. At mas pipiliin ko iyon kay sa maging timawa sa habang buhay at nakangangang hintayin ang nakakarumaldumal na pagkamatay.

"Subalit ano ang gusto ko Fergo? Ang laging makatikim ng latigo? Ni kahit isang tulo ng tubig ay hindi nila maibibigay satuwing nagtatrabaho ka? Gumising ka sa katutuhanan. Nasa harapan mo, pagdurusa ang katutuhanan subalit kong lumaban ka ay may posibilidad tayong lumaya kesa magpakatanga sa mapait na pagdurusa Fergo!" Inis kong wika.

"Fergo! Tama si Arya! Oras na para lumaban tayo sa ating kasarinlan. Kailangan natin kumbinsehin ang iba pang Cherferrian. Aabot pa tayo sa dalawang daan." Wika naman ni Lienald. Napatango-tango si Nasuada.

"Paano ang mga bata Arya?"

"Nasuada, huwag mong ipag-alala iyan. Si Tandang Erang na ang bahala sa kanila. May kapangyarihan ito at sapat pa ang lakas nito upang protektahan ang mga bata."

The Seven Descendant #Wattys2016Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon