Prinsesa's POV
Limampu't limang araw bago ang aking ika-labingwalong kaarawan.
Hanggang ngayon ay magulo ang aking isipan. Sa ngayon ang hinihiling ko, sana ay hindi na lang ako naging Prinsesa. Nakatakda akong patayin paglipas ng limampu't-limang araw. Ayon sa tradisyon, kung ito'y hindi gagawin ay mawawala ang kaharian at ang lahat ng mga namumuhay dito ay maglalaho.
Pakiramdam ko ay tinanggalan ako ng karapatang maging maligaya.
Tanggap ko na ang aking kapalaran, ngunit nais ko ding maging maligaya katulad ng Prinsesa ilang siglo na ang nakakaraan.
Mali ang gagawin ko ngunit hangad ko ang aking kaligayahan sa loob ng limampu't-limang araw na natitira sa akin.
Patawad.
...
Naglakad ako papasok sa loob ng bahay ng kaibigan kong tagabantay na si Tanda. Alam kong sa mga oras na ito siya ay pumupunta sa kagubatan para mamitas ng mga halaman sa panggagamot.
Pumunta ako kaagad sa kanyang lamesa at binuksan ang kanyang taguan. Doon ay nakita ko ang kahon kung saan nakalagay ang kwintas na nagtatakda ng oras ng pagbalik. Mabilis ko itong itinago.
"Patawad...Tanda." - pagkasabi ko nito ay agad akong umalis sa bahay ni Tanda at pumunta sa liblib na lugar. Damang-dama ko ang takot sa aking gagawin.
Hingal na hingal ako nang makarating sa isang liblib na lugar, doon ay inilabas ko ang kwintas. Tumigil ako saglit at isinuot ko din ang kwintas.
Napapikit ako dahil sa pagkasilaw sa matinding liwanag. Nang imulat ko ang aking mga mata ay tumambad ang isang kakaibang bagay. Ito ay malaki at tila may pintuan. Sinubukan kong buksan ang pintuan upang malaman kung ano ang laman ng bagay na ito.
Sa tingin ko, ito ang sinasakyan upang makarating sa mundo ng mga tao. Pumasok ako sa loob at nang isarado ko ang pintuan...
.....
Guel's POV
"Haaaay..." - napabuntong-hininga na lang ako nang makaalis ang ibang members at si Manager Ho,
Ang totoo, gutom na gutom na ako. I just can't stand being with them, when actually I was always ignored and out of place.
I used to remain in silence, because I can't say anything. Sila lang naman kasi ang nagkakaintindihan eh.
Kinuha ko na lang ang cellphone at headset ko, nagpatugtog ako at ipinikit ko ang mga mata ko.
..
Matapos ang 10 songs sa playlist ko ay dumating din sa wakas ang mga members at si Manager Ho. Finally, gustung-gusto ko na talagang umuwi.
Si Harold, Grey at Hans yung magkakatabi sa unang tatlong seats, dun sa sunod naman magkakatabi sina Sam, Daniel at Shane. Yung driver syempre sa driver's seat, at si Manager sa katabi nung driver. At ako, mag-isa dito sa pinakalikod na seat at nakikinig sa masayang kwentuhan ng ibang members.
Para hindi ako masyadong magmukhang kawawa ay nagtulog-tulugan na lang ako dun.
Makalipas ang kaunting minuto ay nakarating na din kami sa dorm na tinitirhan namin.
Bumaba na kaming lahat at nagpaalam na kami kay Manager,
Agad kaming pumasok sa loob ng dorm at nagpunta sa kanya-kanyang kwarto.
Tatlo lang ang kwarto sa dorm namin kaya kaylangan naming mag-share.
Si hyung Grey at si Harold ay magkasama sa iisang kwarto, sina Hans, Shane at Sam naman ay dun sa isa pang kwarto, at ako naman, ang kasama ko sa kwarto ay si Daniel. Sobrang likot nyang matulog at humaharok pa sya kaya kadalasan hindi ako nakakatulog ng maayos pero ano pa nga bang magagawa ko. -_-
BINABASA MO ANG
The Moon and the Stars
FantasyIsang babae ang masayang nabubuhay sa isang tahimik na kaharian bilang isang Prinsesa. Ngunit isang balita ang gumimbal sa kanya isang araw, ang kanyang buhay ay nahaharap sa isang mapait na kapalaran. Sa kagustuhan niyang maging masaya, ang kapalar...