Dedicated to her po! Thank you so much po :)
Harold's POV
Hanggang sa natapos ko yung kanta, nakatingin lang ako kay Mimo, tapos sya naman blangko lang ang expression.
"Naintindihan mo ba yung meaning ng kanta ko?" - tanong ko kay Mimo, tapos parang tumingin lang sya sa kisame na parang nag-iisip,
"Ahm..meaning? Ano muna yun?" - napahawak naman ako sa noo ko, aiish sumasakit yung ulo ko sa babaeng to -_-
"Meaning, yung ibig sabihin. Kahulagan. Tsk." - iritableng sabi ko sa kanya
"Ay meaning-meaning ka pa kasi dyan eh. Alam mo namang hindi ako marunong umintindi ng ingles. Ano..hindi eh. Nagugutom na kasi talaga ako!" - sabi nya, sinamaan ko naman sya ng tingin,
"Bakit ba puro pagkain ang nasa isip mo?! Nakakainis naman! Pinaghandaan ko pa naman yung kanta na yun! Tapos haays! Tsk! Pinractice ko pa yun kagabi! Hindi mo ba alam na yung kantang yun..."
yun yung message ko para sayo.
"Anu ba kasing meron dun sa kantang yun? Hindi ko inintindi masyado eh. Kung ulitin mo na lang kaya, makikinig na ako ng maayos, Pangako!" - sabi nya,
"Wala! Wag na lang! Kahit pa ulitin ko, hindi mo maiintindihan, abno ka kasi eh!" - sabi ko tapos naglakad na ako palabas nung kwarto,
"Hoy! Teka! Intayin mo ko! Kakain na ba tayo?!" - sabi nya habang naglalakad na din sya kasunod ko, nakakainis puro pagkain ang nasa isip nya!
Teka, gutom na rin kasi ako. Hahaha. San kaya kami kakain?
"Saan tayo kakain?" - pambihira naman, iniisip ko pa nga lang eh -_-
"Ah! Alam ko na!" - sabi ko nung bigla akong may naisip,
"Saan? Masarap ba dun? May ice cream ba dun?! *_* " - sunud-sunod na tanong nya,
"Oo naman! Dun kami lagi bumibili ng pagkain kasi masarap ang mga pagkain dun! Yung nga lang, hindi na kami nakakakain dun kasi pinagkakaguluhan kami ng maraming tao." - sabi ko kay Mimo,
"Ahh, waaah! Excited na ako!" - sabi nya, napapatawa na lang ako sa inaasta nya, para syang bata na pupunta sa Toy Kingdom for the first time
Ngayon nasa tapat na kami ng elevator, mas madali kasi kaming makakarating pag nag-elevator kami eh,
"Ano ang bagay na to?" - mahinang tanong ni Mimo na parang nakakita ng multo sa harapan nya,
"Elevator yan." - sabi ko, tapos bumukas na yung pinto ng elevator, pumasok na ako sa loob pero si Mimo parang ayaw humakbang, tsk, nakakahiya naman tong ginagawa nya, masyado syang ignorante, hinigit ko na lang sya papasok, buti na lang walang masyadong tao sa loob ng elevator, yung babae lang na taga-assist tsaka yung isang matandang babae,
Nung umandar na yung elevator nagulat ako, hindi dahil takot ako sa elevator kundi dahil nabigla ako sa pagyakap sakin ni Mimo. Mahigpit yung pagkakayakap nya sakin tapos nanginginig pa yung kamay nya. Ano bang nangyayari sa kanya? May fear of heights ba sya? Teka, fear of heights nga ba ang tawag dun?
Napatingin naman ako dun sa matandang babae na nakatingin din sa aming dalawa, tapos biglang napaiwas ng tingin, tapos biglang nag-sign of the cross. "Diyos ko, gabayan Nyo po ang mga kabataang ito." - bulong pa nung matanda na rinig ko naman,
"Hoy Mimo, tigilan mo nga yan. Kadiri ka ah!" - sabi ko na pilit kong pinalalambot yung boses ko, seriously, pati ako nadidiri sa sarili ko ngayon, tsk
Sa wakas, tumigil na yung elevator, parang ewan kasi tong si Mimo eh kung makakapit sakin tsk.
Lumabas na kami ng elevator, tapos saka lang bumitaw sakin si Mimo, tapos inilibot nya yung paningin nya. Ay parang engot lang? Tsk.
"Hoy! Halika na! Akala ko gutom ka na?" - sabi ko sa kanya, nasa state of shock pa din sya ngayon, ano bang nangyari sa kanya?
"Na-nasa..mundo pa din ba tayo?" - sabi nya,
"Ay hinde! Ano ka ba naman?! Nakarating lang tayo sa 4th floor, wag ka ngang OA dyan! Gutom na ako!" - sabi ko, haaays naiirita na ako talaga. Gutom na ako. Plus badtrip pa ako. Aba, para na din kaya akong na-basted nito. Kala mo kung sinong maganda eh! Ang hilig mam-basted! -_-
"Ang bagay na iyon..." - mahinang sabi nya, ang-weird talaga ng inaasta nya. Yung totoo nag-aalala na ako ng konti sa kanya, bigla kasi synag sumeryoso eh.
"Ano bang meron dun sa elevator? Ha?" - tanong ko na,
"Nagkamali lang ako. Imposibleng mapunta yun dito! Nasa playground iyon! Tama!" - sabi nya na parang hindi ako ang kausap nya kundi ay yung hangin,
"Tara na! Kumain na tayo!" - biglang sabi nya tapos sya naman ngayon yung nangunguna, nagtatakbo sya papunta dun sa foodcourt,
"Hoy intayin mo ko!" - ang hirap naman maglakad pag nakasuot ng gantong heels >_< Bakit yung ibang babae nagagawa pang tumakbo o kaya naman magsayaw ng nakaganto?
...
Mimo's POV
Kakaiba talaga ang naramdaman ko sa bagay na yun. Katulad na katulad iyon ng bagay na sinakyan ko upang makarating dito sa lupa, at ang bagay na iyon din ang sasakyan ko upang makabalik sa kaharian, at sa pagdating ng araw na iyon, haharapin ko na ang aking kamatayan.
Posible kayang..nakakaramdam ako ng takot na lisanin ang mundong ito?
Hindi. Impossible. Ang damdamin ko ay kakaiba. Hindi kagaya ng sa tao. Hindi mapusok kagaya ng sa tao.
Ngayon naglalakad kami ni Harold patungo sa kung saan, dala-dala namin ang mga binili naming pagkain sa foodcourt daw ang tawag sa lugar na yon. Napakaraming pagpipilian ng pagkain duon. Nahihirapan akong pumili kaya ipinabili ko kay Harold halos lahat ng nakita ko duon.
"Kaya mo bang ubusin yan?" - sabi ni Harold nung nakarating na kami sa isang lugar na tila isang malawak na balkonahe, maraming ding tao dito na nakaupo sa mga upuan,
"Oo naman no! Ako pa!" - mayabang na sabi ko, hindi ko alam pero hindi ata ako nabubusog, hindi rin naman ako nagugutom eh talagang gusto ko lang kumain. Hahahha. Napakasarap ng mga pagkain dito sa lupa.
Naghanap na kami ni Harold ng mauupuan. Tapos umupo na kami sa isang bakanteng bench. Napakasarap ng simoy ng hangin dito sa lugar na ito. Hinahampas-hampas nito ang aking buhok.
Sinimulan na din namin ni Harold ang pagkain.
Haaay. Patapos na ang araw na ito. Hindi ko akalaing masaya palang kasama itong si Harold kahit puro sya reklamo. Ang totoo, hindi ko sya maintindihan. Hindi nya naman kailangang pilitin na makisama sa akin eh. Tanggap ko nang miserable ang aking buhay dito sa lupa. Bakit kaya sa isang iglap ay nagbago si Harold? Hindi kaya...sinaniban na sya ng mabuting espiritu?
_______________________________________________________________________________________________________
Waaaah! Feeling ko sabaw na naman -_- Anyways, kung nagustuhan nyo po yung chapter, feel free to vote / comment. Thank you so much for reading.
Annyeong ^^
BINABASA MO ANG
The Moon and the Stars
FantasíaIsang babae ang masayang nabubuhay sa isang tahimik na kaharian bilang isang Prinsesa. Ngunit isang balita ang gumimbal sa kanya isang araw, ang kanyang buhay ay nahaharap sa isang mapait na kapalaran. Sa kagustuhan niyang maging masaya, ang kapalar...