Mimo's POV
Matapos naming malinis ang lahat ng dapat linisin ay bumalik na kami sa dorm.
Ang una kong ginawa ay naligo. Salamat sa napakabait na si Iya, napakiusapan sya ni Guel na ako ay ibili ng mga kasuotan.
Pagtapos kong maligo at magbihis, lumabas na ako ng banyo.
Paglabas ko ay naabutan ko si Harold na nakaupo sa lamesa at may kung anong ginagawa sa cellphone nya at waring naiirita na naman ang mukha. Sabagay, kung bakit pa nga ba ako magtataka? Parati namang naiinis ang kanyang mukha. Tapos na silang maghapunan, samantalang ako, nagbabaka-sakali kung mayroon pang natirang pagkain.
Teka, nasaan kaya si Guel? Kanina pa syang hindi namamansin. Nung nasa loob kami ng kotse, tahimik lamang sya habang maingay ang ibang members at inaasar ko si Harold sungit na takot sa ipis.
Siguro ay nagpapahinga na si Guel, napagod siguro sya sa paglilinis kanina.
Nang makita ko ang laman ng kaldero, laking tuwa ko dahil meron pang pagkain! Waaah! Nakakatuwa naman!
Sa hindi ko malamang dahilan, ang pagkain, parang ito ay parati ko nang kinakailangan. Hindi katulad dati na kahit hindi ako kumain ay ayos lamang, malakas pa din ako at hindi nauubusan ng enerhiya.
Bumalik ako sa lamesa dala ang isang platong puno ng pagkain. Kinuha ko na lahat ng nasa kaldero.
Pagkaupo ko dun ay sinamaan na naman ako ng tingin ni Harold sungit. Binehlatan ko lamang sya.
"Hmp! Engot!" - sabi nya sakin,
"Takot sa ipis!" - balik ko sa kanya,
Tumigil na sya at bumalik sa kanyang ginagawa.
"Ano ba naman to? Tch..ang hirap naman. Bakit ba kaylangan pang sagutan to?" - sabi nya na parang kinakausap ang hangin,
"Teka lang, pwede ba? Wala akong makitang maayos na sagot eh." - sabi nya na para namang kinakausap ang cellphone nya,
Sya ata tong nababaliw eh.
"The purpose of making this is--"
"Ano bang ginagawa mo? Bakit kinakausap mo yang cellphone?" - nagtatakang tanong ko,
"Aish, bakit ba nagsalita ka?! Ayan, na-recognize din yung boses mo!" - galit na sabi nya,
"Ha? Na--na-recog--nize? Ano ba yan?" - mausisang tanong ko,
"Hindi mo ba alam to? Speech-to-Text ang tawag dito. Abno ka kasi. Pag tinatamad kang mag-type, pwede mo tong gamitin. Magsasalita ka lang tapos lalabas na nang kusa yung sinabi mo bilang text. Astig no?" - paliwanag nya,
"Ahh, ou nga nakalimutan ko. Hihi." - sabi ko,
"Tch..engot ka kasi eh. May cellphone ka diba, bakit di mo i-try?" - sabi nya,
Kinuha ko naman ang cellphone ko, tapos binuksan ko.
"Yan ba yung lumang cellphone ni Guel? Binigay nya sayo? May sentimental value yan sa kanya ah, bakit binigay nya sa engot na kagaya mo?" - sabi nya,
"Sentimental value?"
"Oo, binigay pa yan sa kanya ng mama nya bago sya mag-audition sa Woollim. Nung makapasok sya, bigla namang nawala ang mama nya. Nalaman ko to sa P.A. ko, madaldal kasi yun. Yang cellphone na yan, nasira na yan nung nagkaron kami ng outing. Nalaglag sa pool. Kala ko nga itatapon nya na yan eh, pero pinagawa nya pa din, yun nga lang nabura na lahat ng files." - kwento ni Harold,
Sa tingin ko, si Harold, palagi nyang inaalala si Guel, pero nagpapanggap syang walang pakialam sa tuwing kaharap ito.
"Kung ganon, iingatan ko to." - sabi ko sa kanya,
BINABASA MO ANG
The Moon and the Stars
פנטזיהIsang babae ang masayang nabubuhay sa isang tahimik na kaharian bilang isang Prinsesa. Ngunit isang balita ang gumimbal sa kanya isang araw, ang kanyang buhay ay nahaharap sa isang mapait na kapalaran. Sa kagustuhan niyang maging masaya, ang kapalar...