Chapter 16. The Irresistible Guilt

352 34 1
                                    

Mimo's POV

"Tanda?! Nasaan ka?! Kaylangan ko ang iyong tulong!"

Bakit hindi naririnig ni Tanda? At tsaka bakit parang nagkakagulo ata? Sa aming kaharian, ano ba ang nangyari?

Ang buong bayan ay lubog sa putik. Nasira ang mga magagandang halaman sa bakuran. At ang mga alagang manok ay namatay. Paano nangyari ang lahat ng to?

"Ama! Ina! Narito ako! Ano ba ang nangyari sa ating kaharian?" - tanong ko kay Ama at Ina, pero hindi nila ako nililingon, lahat sila ay tila abala at nagkakagulo,

"Mahal ko, bakit ba nangyayari ang lahat ng ito?" - si Ina na labis ang pag-aalala,

"Wala akong ideya, Mahal ko. Pupunta dito ang tagabantay at sya ang magpapaliwanag sa atin ng lahat ng kaguluhang ito." - si Ama,

Maya-maya pa ay dumating si Tanda,

"Tanda! Halika dito napakarami kong katanungan." - tawag ko kay Tanda, pero nagdire-diretso lamang sya sa direksyon ni Ama at Ina,

"Mahal na Hari, Mahal na Reyna." - sambit ni Tanda sabay yumuko,

"Tagabantay, bakit nagkakaroon ng matinding pag-bagyo sa ating bayan? Napakalaki ng pinsala nito sa mga tao." - si Ama,

Bagyo? Hindi nagkakabagyo sa aming kaharian. Paano nangyari ang bagay na iyon?

"Mahal na Hari, Mahal na Reyna, walang solusyon sa pangyayaring ito. Ito'y patuloy na mangyayari hangga't wala sa ating bayan ang Mahal na Prinsesa." - sabi ni Tanda at akoy nakaramdam ng kaunting pagkalungkot,

Kung gayon, ang may dahilan ng lahat ng ito ay ako?

...

Harold's POV

"HINDI!!!" - nagising ako nang biglang may sumigaw, si Hell iyon, nakatulog na pala ako dito sa kwarto kung saan natutulog si Hell,

"Hoy! Bakit ka ba sumisigaw dyan?" - sabi ko, nakatulala lang sya dun tapos nakahawak sya sa dibdib nya,

"Nanaginip ka?" - tanong ko tapos ngumuso sya at tumango bilang sagot,

"Pfft..ano namang napanaginipan mo?" - tanong ko,

"Hmm..hinahabol daw ako ng mga naglalakihang pagkain na may bibig, mata, at ilong. Waaah nakakakilabot!" - takot na takot na kwento nya,

"Ahahaha...pffft. Hindi na ko magtataka kung pati yung panaginip mo ay pang-engot din." - sabi ko, tapos ngumuso lang sya dun,

"Ahhh! Umaga na pala!" - sabi ko nung nakita ko sa wall clock na 6:00 na pala ng umaga, sabay nag-unat ako ng katawan,

"Teka, may sakit ka pa ba?" - tanong ko sa kanya tapos sinapo nya yung noo nya, tumingin sya kisame na parang nag-iisip,

"Parang wala na ata." - sabi nya,

Hinwakan ko yung noo nya, hindi na mainit. Ang bilis nya namang gumaling.

"May sakit ka pa din." - sabi ko,

"Huh? Meron pa din?" - sabi nya tapos dali-dali nyang hinawakan yung noo nya,

"Oo. Sa pag-iisip." - pagkasabi ko nyan sinamaan nya ako ng tingin tapos ngumuso sya,

Tumayo na ko tapos pumunta na ako sa kusina, maya-maya magigising na sila at maghahanap ng pagkain. At tsaka si Hell, hindi pa yun kumakain. Habang inaantay kong maluto yung mga niluluto ko, pumunta muna ako dun sa bodega at kinuha ko yung isang upuan, tapos inilagay ko sa dining table. Ako yung nagsabi dati na tanggalin yung mga labis na upuan sa dining table para hindi makasalo sa pagkain namin si Hell, hindi ko akalain ako din pala ang babawi nun.

The Moon and the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon