Chapter 6. She Gets into Trouble

493 38 0
                                    

Harold's POV

"Lahat dito ay pwede mong tawaging Oppa, maliban sakin. Dahil ayaw kitang kapatid." - cold na sabi ko tapos itinuloy ko na lang ang pagkain ko,

Ang pinakaayaw ko sa lahat ay ang may dumating na bago, dahil una sa lahat ayokong mag-adjust at ayoko nang may nagbabago. Para sakin sobrang nakakairita pagka ganun.

Napatingin ako kay Guel. Simula nang dumating sya, maraming nagbago at nakakairita yun para sakin. Tapos dumagdag pa tong babaeng to. Sobrang tanga nya pa naman. Tch.

Tinititigan nya lang yung pagkain nya at mukha sya lalong tanga dun.

Tapos lahat sila iniisip nila na may utang kami sa babaeng yun, bakit ba ayaw nilang  maniwala sa sinasabi ko na hindi ko nabangga yung babaeng yun.

"Oh, Mimo kumain ka na. Wag ka nang mahiya." - sabi ni hyung kay Hell, ang totoo mas bagay sa kanya yung pangalang hell,

Ngumiti lang yung babae tapos hinawakan yung kutsara nya. Mukha talagang tanga, yung itsura nya para syang hirap na hirap hawakan yung kutsara, tapos hirap na hirap syang ilagay dun yung kanin, nakakainis kasi nahuhulog na sa lamesa yung kanin.

"Ano ka ba? Hindi ka ba marunong gumamit ng tinidor?!" - sabi ko sa kanya at ibinato ko sa kanya yung tinidor,

"Ah, pasensya na. Nakalimutan ko." - sabi nya tapos ay hinawakan nya yung kutsara at tinidor, akala ko magiging ayos na pero lalo lang lumala, lalo lang nagkalat yung kanin sa lamesa,

"Haaays, sigurado kayong papatirahin natin sa dorm natin yang tangang babae na yan?!" - sabi ko,

"Nahihirapan ka ba?" - sabi ng epal na si Guel,

Kanina pa tong eepal-epal eh, feeling kasali.

"Hawakan mo nang maayos, yan..i-relax mo lang ang kamay mo. Tapos dahan-dahan mong kunin yung kanin. Yan..ganyan nga." - haaay nako kahit kelan isa syang epal,

Dahil nawawalan na ako ng gana ay tumayo na ako sa kinuupuan ko at nagpunta na lang ako sa kwarto.

Guel's POV

"Haay, ano bang problema nung isang yun?" - sabi ni Hans,

"Alam mo na, ayaw na naman ng adjustment." - sagot ni hyung,

"Mimo, wag mo na lang intindihin yung isang yun. May period kasi yun eh." - sabi ni Daniel at napangiti naman si Mimo,

Yung totoo, nacutan ako sa kanya. Tama si Sam, mukha syang pusa. Haha

Sunod-sunod yung pagsubo nya ng kanin. Punong-puno na tuloy ang bibig nya. Ang cute talaga.

Kaso mukhang makakaranas din sya ng pagiging malupit ni Harold. Kawawa naman sya.

..

"Magshoo-shoot tayo ngayon ng MV. Isa itong Christmas MV. Kaylangan nyo itong gawing madrama pero puno ng sweetness. Nakukuha nyo ba ang ibig kong sabihin? Oh, ito ang mga scripts nyo." - sabi ni Manager Ho at iniabot samin yung mga script namin,

Nandito na kami ngayon sa building ng Woollim entertainment. Dahil Saturday ngayon, wala kami sa school at nandito kami. Yep, pumapasok kami sa school. At iba-iba ang courses namin, pero wala pa akong time para isa-isahin yun. Haha.

Kaylangan ko kasing mag-focus dito sa MV namin eh. Ako daw yung bida. Haaay kainis naman.

Ang mangyayari dito, ako, maba-basted ako nung babaeng nagugustuhan ko. Tapos gagawa ng paraan yung mga kaibigan ko para magustuhan din ako nung girl. Haaay ang corny naman sino bang nakaisip nito? Tch.

"Okay, ito yung unang scene, nasa cafe--" - tapos nag-explain pa dun si Manager, masyado syang madaming sinasabi.

Tumayo na ako, since ako yung unang actor na gaganap.

The Moon and the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon