Chapter 26. Habit of Lying

327 29 8
                                    

Harold's POV

"Ah! Oo nga pala! May gusto akong itanong sayo, mabuti at naalala ko." - sabi nya habang may kinukuha sa bulsa nya, maya-maya ay inilabas nya yung cellphone nya,

Nandito kami ngayon sa rooftop ng dorm, naisipan kong dalhin sya dito. Gusto kong makinig sa kwento nya. Marami-rami na syang naidaldal sakin. Nalaman ko na din na sa Buwan pala sya nanggaling, which is for me--totally absurd! Pero meron pa ba akong dapat hindi paniwalaan, nakakapag-teleport nga sya eh. At sabi nya din, pag naubos daw ang araw nya dito sa lupa, mamamatay daw sya.

"Ito, ano ba ang ibig sabihin nito? Baka sabihan mo na naman akong engot ha, sa kaharian namin, tagalog lang ang lenggwaheng ginagamit namin. Ito kasing si Guel, panay ang ingles sakin eh." - sabi nya, natawa naman ako,

"Eh engot ka naman talaga eh, akin na nga." - sabi ko tapos hinablot ko sa kanya yung cellphone, inirapan nya na lang ako sa ginawa ko,

At the playground, let's meet and talk. I hope you can come. I will be waiting for you.

Baka pag sinabi ko kung ano talagang ibig sabihin nito, bigla syang mag-teleport papunta dun sa playground kung saan man yun. Siguro dun sa playground kung saan ko sila sinundo dati.

"Waaah! Ano ba yan?! Umuulan na! Hoy! Tumayo ka na dyan, umuulan na!" - sabi nya tapos nagtatakbo sya sa loob, wala kasing bubong tong rooftop, rooftop nga eh diba. Tapos biglaang umulan. Pumasok na din ako sa loob.

"Haay biglaan naman ata ang pag-ulan. Napakaganda ng langit kanina ah." - sabi nya,

Hindi ako makapagsalita. Iniisip ko kung anong sasabihin ko sa kanya.

"Ano? Anong ibig sabihin?" - tanong nya,

"Ang sabi nya, *clears throat* ...magpagaling ka na daw. At tsaka sabi nya pa, hindi daw sya makakauwi ngayong gabi." - sabi ko na lang,

"Ahh yun lang ba? Akala ko ay importante. Mukha kasi syang may problema eh." - sabi nya,

"Wala yon. Madami lang syang inaasikaso sa career nya." - sabi ko,

"Siguro nga. Inaantok na ako." - sabi nya sabay humikab,

"Ahh..oo ako din." - sabi ko na lang, "Matulog ka na."

"Osige, ikaw din." - sabi nya at naglakad na papasok sa kwarto nya,

Pano kung naghihintay si Guel dun sa playground? Anong oras na 9p.m. na. Baka andun pa din yun. Umuulan pa naman. Ganun kasi yung mga martyr na nakikita ko sa mga movies, kahit umuulan na nag-iintay pa din sila,

Teka kaylangan kong mag-isip ng paraan para malaman kung nandun pa nga si Guel sa playground.

*cling cling cling cling*

Nagulat naman ako nung biglang tumunog ang cellphone ko, may tumatawag ata.

"Oh, Iya? Bat ka tumawag?" - tanong ko kay Iya, panira kasi eh nag-iisip ako dito tapos biglang may tatawag -_-

Ang hirap pa naman mag-isip lalo na pag wala namang isip. Gets nyo? Hahaha. Joke yun tawa kayo dali!

"S-sir? Naku sorry po he-he-he! Namali po ako ng na-contact! Sorry po Sir..sige po ibababa ko na po." - isa pa tong shushunga-shunga eh, sarap din iuntog nito.

Pero...teka...

"Teka lang! Wag mo munang ibababa!" - biglang kong nasabi nung may naisip ko, na-realize ko tuloy ngayon, may isip pala talaga ako. Joke ulit yun, tawa kayo dali!

"Bakit po Sir? Kakaloka, nagulat po ako ibababa ko na dapat." - sabi nya,

Pumunta muna ako sa kusina, baka kasi maparinig ako ng iba eh,

The Moon and the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon