Chapter 18. The Unsaid Thoughts

335 34 0
                                    

Harold's POV

"Hyung, tara kain muna tayo." - si Sam na kanina pa kong niyayaya,

"Ayoko, busog pa ako." - matipid na sagot ko, hindi ko inaalis yung tingin ko kay Hell na 7 hours and 38 minutes nang natutulog. Baka magising sya, o kaya gumalaw sya tapos hindi ko makita.

"Sigurado ka? Sige, kakain muna kami." - sabi ni Sam, hindi na ako sumagot at narinig ko na lang ang pagbukas at sara nung pinto. Baka umalis na si Sam.

After nung incident sa rooftop, nawala na yung lalaki, pero saka ko na iisipin yun. Nung nakita ko yung kamay ko na punong-puno ng dugo galing sa katawan ni Hell, nag-panic ako at binuhat ko sya pababa ng hagdan, all the way from rooftop hanggang sa clinic. Pakiramdam ko, nag-ala-Flash na nga talaga ko nun, dumaan ako sa harap ng napakaraming tao, wala akong pake kung kinukuhanan nila ako ng video o picture. Sa clinic ko sya dinala dahil hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ang naiisip ko lang nung mga panahong yun...paano pag namatay sya? Masasayang yung mga natitirang araw nya dahil lang sa pagliligtas nya sa isang taong walang ginawa kundi ang itaboy sya. Diba ang sabi nya gusto nyang maging masaya? Pero anong ginawa ko?

Kaya ngayon, hindi ako umaalis sa tabi nya. Hindi ako tumulog kagaya nung ginawa ko nung unang beses na sya yung nakahiga. Kung kaya ko lang hindi kumurap, hindi din ako kukurap wag lang mawala sa paningin ko ang mukha nya. Sa oras na magising sya, gagawin kong meaningful at unforgettable ang natitira nyang araw.

Sabi nung doctor, madami daw nawalang dugo kay Hell. Malalim daw yung pagkakasaksak sa kanya. Kung alam ko lang na may dala palang kutsilyo yung g*gong yun..aish! Sa ngayon, nasa kamay na ng mga police yung lalaking yun. Binalita sakin ni hyung, hindi daw makausap yung lalaki, ang pangalan daw ay Brent. Pero wala akong pake sa kanya, magdusa sya sa kulungan. Tsk. Siraulo ata yun eh.

Teka...hindi kaya nakita nya ang pagte-teleport ni Hell???

Sigurado akong ginawa ulit ni Hell ang bagay na yun. Oo, yung nakita ko sa Camera kahapon. Kaya sya nakarating dun sa rooftop ng ganun kabilis. Pano pag sinabi ng lalaking yun ang tungkol sa nakita nya?

Aish, saka ko na sya poproblemahin.

*cling cling cling*

Huh? Ano yun? Wala naman sakin yung cellphone ko eh. Nasa bag ko yun.

Ah baka kay Hell. Binuksan ko yung bag ni Hell na nakapatong dun sa lamesa. Tapos nakita ko dun yung cellphone nya.

Pambihira bakit sya nag-a-alarm ng ganitong oras?

Kinuha ko yung phone nya at pinatay ko yung alarm, at saka ko lang napagtanto na hindi pala yun alarm kundi reminder. Meron syang note dun. Dahil mabilis akong ma-curious, binuksan ko yung note.

"Napakasarap ng ice cream, Tanda. Gusto mo, pagbalik ko sa ating kaharian ay dalhan kita ng ganito? Sigurado akong magugustuhan mo ito. Hihihi. Tanda? Naririnig mo ba ako? Nababasa mo ba ang aking mensahe? Mayroon na lamang akong apatnapu't-apat na araw upang mabuhay. Sa pagbabalik ko dyan, sisiguraduhin kong matitikman mo ang sinasabi kong ice cream bago ako tuluyang mamatay. Pangako yan, Tanda." - yan yung nakasulat dun sa Note, ang engot nya talaga, bakit ginagawa nyang diary tong Task Reminder,

Marami pa dung ibang notes, mabasa nga habang inaantay kong magising tong engot na to,

"Tanda, mayroon akong kakaibang karanasan. Hindi ko alam kung paano ko ito nagawa. Mula sa isang lugar ay nakarating ako sa isa pang lugar. Impossible kung iisipin hindi ba? Maging ako ay nagtataka. Matapos kong gawin ito, ako ay nanghina at nakaramdam ng pagkahilo. At ang labis kong pinanghinayangan, mula sa limampung araw, napakalaki ng nabawas itoy naging apatnapu't-lima na lamang. Aish, kung alam ko lamang na ganoon ang mangyayari, sana ay naging mas maingat ako sa paggamit ng aking mahika." - tinignan ko yung date at isinulat nya to kahapon, limang araw ang nawawala pag ginagawa nya yung teleportation? Ibig-sabihin, 39 days na lang ang meron sya ngayon?

The Moon and the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon