Chapter 19. Upcoming Event

311 36 0
                                    

Mimo's POV

"Uhm..pwede na po syang ma-discharge ngayon. Pero pwede din po syang mag-stay dito." - sabi nung Nurse daw,

"Ahh, sige po. Idi-discharge na lang po namin sya." - sabi ni Harold dun sa babae, tingnan mo tong lalaking to porket maganda yung babaeng kausap napakagalang at wagas kung makangiti, hmp!

"Sige po, Sir. Tawagin ko lang po si, Doc." - sabi nung Nurse at umalis na,

Maya-maya pa, dumating na yung doctor at inalis yung mga nakalagay sa aking katawan. Tapos lumabas na kami ng kwarto. Ang-iingay nina hyung, tanong sila ng tanong ng kung anu-ano. Pero wala naman akong ganang sumagot. Ewan ko ba, parang nanghihinayang ako sa ginawa kong pagligtas kay Harold sungit. Pero, di bale mukhang nagkaroon ako ng alipin sa isang iglap.

Habang naglalakad palabas ng hospital ay katabi ko si Harold sungit, sinasabayan nya ako sa paglalakad, hindi man lang nya ako inaalalayan gaya ng nakikita ko sa iba. Sabagay, hindi naman ako nakakaramdam ng sakit. Ano nga ba ang iniaarte ko?

"Guel!" - napatingin ako sa kung sino ang tinatawag ni hyung, laking tuwa ko nang makita ko si Guel,

"Mimo! Anong nangyari sayo? Dahan-dahan lang, wag kang tumakbo. Baka mapano ka." - sabi ni Guel, nang makarating ako sa harapan nya ay pinagpupukpok ko ang dibdib nya,

"Aray! Aray! Bakit ba? Ano bang nagawa ko?" - sabi ni Guel,

"Aiish, bakit ba ngayon ka lang? Dalawang beses akong nagkasakit nung wala ka!" - sabi ko sa kanya,

"Ganun ba? Sorry naman. Busy talaga ako. Pero babawi ako sayo. Pangako." - nakangiting sabi nya, wala na lang din akong nagawa kundi ang ngumiti,

"Bilisan nyo na nga ang paglalakad, mamaya dumugin pa tayo ng mga tao." - sabi ni Harold na parang nagmamadali maglakad, tapos parang ang init na naman ng ulo, siguro may period na naman ang taong yun.

Nagtuloy na kami sa paglalakad at ngayon ay si Guel na ang kasabay ko, napakabait nya talaga, inaalalayan nya pa ako sa paglalakad.

"Hyung!" - tawag ni Sam oppa sa kabilang direksyon, nang lumingon ako nandun si Harold, anong ginagawa nya dun?

"Bakit ba? Bilisan nyo na nga ang paglalakad." - iritableng sabi ni Harold, hays napakasungit talaga.

"Hindi dyan naka-park yung sasakyan. Dito." - sabi ni Shane,

"Pffft.." - Hans, Sam, Daniel at Grey oppa na nagpipigil ng tawa,

"Ahahahaha!" - natatawang tumingin ako kay Guel,

Mukhang napahiya naman si Harold sungit at naglakad na lang palapit samin, sumakay na kami sa sasakyan at nagrive na si Daniel oppa.

Habang kami naman ni Guel oppa ay nagkwekwentuhan habang bumabyahe, kung anu-ano yung sinasabi ko sa kanya, haaay napakasaya ko ngayong kasama ko na ulit ang aking kaibigan,

"Ah, teka lang Mimo, may naalala lang ako." - sabi ni Guel oppa at may kinuha sa bag,

"Grey hyung, pinapabigay nga pala to ni Manager Ho." - sabi ni Guel oppa sabay abot kay Grey oppa ng isang papel,

"Ano daw to?" - tanong ni Grey oppa,

"Eh, kung buksan mo kaya hyung para nalalaman mo." - si Hans oppa,

"Oo nga hyung, malay mo pera ang laman nyan." - si Sam oppa naman yan na parang nasasabik na din makita ang laman,

"Oo na nga, eto na oh." - sabi ni Grey oppa at dali-daling binuksan ang papel,

"25th anniversary ng Woollim?" - sabi ni Grey oppa,

"Oo nga no? Sa Friday na yun. Sa isang araw na yun, may ano daw? May party daw ba?" - nasisiyahanhang sabi ni Hans oppa,

"Akala ko naman, pera na." - sabi ni Sam oppa na parang nanghihinayang,

"Parang ganun na din yun, madaming ibang idols na pupunta dun. May mga girl groups pa." - sabi ni Shane oppa,

"Tumahimik nga kayo, magkakaroon ng party na exclusive para sa mga idols at important persons. Syempre pupunta tayo." - sabi ni Grey oppa,

"Sabi pa nga pala ni Manager Ho, kagaya daw nung last year mag-prepare daw tayo ng isang performance. Ganun din daw yung ibang artists ng Woollim." - sabi pa ni Guel oppa,

"Haaay, kaylangan pa din pala nun." - sabi ni Hans oppa,

"Teka, pano nga pala si Mimo?" - sabi ni Grey oppa at napatingin ako,

"Uhm..sa bahay na lang ako Grey oppa." - nakangiting sabi ko,

"Harold? Isasama ba natin?" - tanong ni Hans oppa kay Harold sungit na tahimik lang at nakatingin sa bintana,

"Aba bakit ako ang tinatanong mo?" - masungit na sabi nya,

"Ahh, kung ganon hindi natin sya isasama?" - sabi ni Hans oppa,

"Ano bang sinasabi mo?" - sabi ni Harold na napatingin kay Hans oppa, "Ah..eh..tsk. Sumama sya kung gusto nya. Wala akong pake." - dugtong ni Harold,

"Pasasamahin ko na lang sya kay Iya, hyung." - sabi ni Guel, ang bait nya talaga,

"Iya..." - sabi ni hyung na parang hindi maalala kung sino si Iya,

"Ayy ulyanin lang hyung?! Yun yung P.A. ni Harold!" - sabi ni Shane,

"Ah oo nga. Anong gagawin nya sa event?" - tanong ni Grey oppa,

"Ahm, bawal daw kasi sa party yung mga P.A. eh, idols lang talaga at mahahalagang tao. So, nagpaalam si Iya kay manager Ho, kung pwede syang mag-sideline bilang waitress. Pumayag naman si Manager Ho." - sabi ni Guel oppa,

"Osige, kaso mapapagod si Mimo. Ayos lang ba yun sa kanya?" - sabi ni Grey oppa,

"Kesa naman sa iiwan natin syang mag-isa sa bahay, atleast dun nakikita natin sya." - napatingin ako sa nagsalita, si Harold sungit??

Bakit biglang kakaiba na naman ang pintig ng puso ko? Parang nag-uunahan na naman? Aish!

Tinapik ko yung dibdib ko sa may tapat ng puso ko, ano bang nangyayari dito?

"May masakit ba sayo? Nahihirapan kang huminga?" - tanong ni Guel oppa,

"Patay! Tinamaan na nga." - sabi ni Hans oppa, tapos parang nagbulung-bulungan sila,

__________________________________________________________________________________________________

The Moon and the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon