Chapter 22. Tonight

304 34 1
                                    

Mimo's POV

Pagkarinig na pagkarinig ko ng salitang ice cream ay agad akong natuwa. Waaah mukhang tutupadin na din sa wakas ni Harold ang kanyang pangako.

Teka..si Guel oppa. Mukhang may sinasabi sya ngunit hindi ko naman maintindihan. Hindi ako masyadong nakakaintindi ng salitang ingles lalo na kung ito ay dire-diretso. Sa aming kaharian, tanging isang wika lamang ang aming alam at yun ang aming ginagamit.

Nagpaalam ako kay Guel oppa bago tuliyang sumama kay Harold, saka ko na sya tatanungin tungkol sa sinabi nya pag nakauwi kami sa bahay o kaya naman habang nasa sasakyan.

Sa paglalakad namin, nakarating kami sa lugar na parang isang hardin, may mga bulaklak sa paligid at malawak na damuhan, sa may tabihan ay mayroong isang mahabang upuan. Dun kami ay umupo.

"Asan na ang ice cream??! Baka naman niloloko mo lang ako, babalik na ako duon kay Guel oppa." - sabi ko kaagad nang makaupo kami,

"Atat lang?! Ha?! Intayin mo ko dito, babalik ako kaagad." - masungit na sabi nya,

"Ah-he-he..sige. Bilis-bilisan mo ha, gutom na kasi ako." - sabi ko sa kanya,

"Tss." - sabi nya at naglakad na ulit paalis, mula dito ay rinig pa rin ang tugtugan sa loob, pero mahina na lamang.

Maya-maya pa ay nakabalik na si Harold at may dalang..waaaah! ICE CREAM!!! *__*

Iniabot agad sakin ni Harold ang basong may lamang ice cream. Mukhang napakasarap nito, hindi ito kagaya nung nahingi ko kay Manong.

"Waaah! Salamat Harold. Napakabait mo." - sabi ko muna bago ko sinimulang kainin yung ice cream,

"Hmmm! Ang sarap!!!!" - sabi ko,

"Ano ba naman yan?! Ang amos mong kumain." - sabi ni Harold at pinunasan ang aking bibig gamit ang kanyang panyo,

*dug dug dug dug*

Aisssh...na naman??

Hinawakan ko ang noo ni Harold.

"Wala ka namang lagnat. Hindi kaya..nasasaniban ka ng masama...este--mabuting espiritu?"

"Aray!" - biglang tinapik ni Harold ang kamay ko kaya napatigil ako sa ginagawa kong paghawak sa noo nya,

"Siguro tapos ng ang period mo." - sabi ko, at itinuloy ko ang pagkain ko ng ice cream,

"Hindi ako makapaniwalang dito sa lupa ay nagkaka-period pati mga lalaki. Sa Buwan ay kami lamang mga babae ang nagkakaroon ng ganun. Kung ganon..nagbubuntis din ba kayo?" - sabi ko,

Teka...binanggit ko ba ang salitang buwan? Nakuuu hindi maaari! Baka bawiin nya itong ice cream na binigay nya.

"Ah-ha-ha-ha...nagbibiro lamang ako. May amnesia ako diba. Haha marahil kaya ako nagkakaganito." - sabi ko habang tumatawa ng peke,

"Sadya namang may sira yang utak mo eh, kaya hindi na ako magtataka." - sabi nya,

Haay salamat naman mukang hindi nya pinansin ang sinabi kong iyon.

"Ahm..Harold, may itatanong lang sana ako. Alam mo ba kung ano yung sinasabi ni Guel oppa kanina? Ah-eh..hindi ko kasi masyadong naparing kasi maingay. Sa tingin ko ay mahalaga yun dahil nakikita ko sa kanyang mga mata." - sabi ko,

.....

Harold's POV

Sasabihin ko ba sa kanya kung ano yung sinabi ni Guel? Pano kung tumayo sya dito at magtatakbo pabalik ng backstage? Agh hindi ko hahayaang mangyari yun.

"Ang sabi nya, ano..bumalik ka na sa trabaho mo at baka daw mamura ka. At tsaka mag-iingat ka daw." - sabi ko, mahalata nya kayang nagsisinungaling lang ako?

"Ahh, iyon lang ba?" - tanong nya,

"Oo. Bakit may iba ka pa bang inaasahan? Ha?" - sabi ko,

"Wala naman. Sa tingin ko kasi, mukhang napakalalim ng pinagkuhanan nya ng kanyang mga salita." - sabi pa nya,

"Sadyang ganun yun si Guel. Emosyonal kumbaga." - sabi ko na lang,

"Ahhh..."

"Gusto mo ba si Guel?" - tanong ko,

"Oo naman." - deretsong sagot nya, napatigil naman ako, kung ganun M.U. pala sila. So, nakakasira lang pala ako sa kanila?

"Gusto ko ang taong katulad nya, napakabait at isa pa, sya ang unang tao na naging kaibigan ko."

"Kaibigan?" - tanong ko,

"Oo, diba napakabuti nyang kaibigan? Sa tingin ko, hindi mo gusto si Guel oppa, palagi mo syang sinasamaan ng tingin. Ganoon ka din sa akin, hindi mo ko gusto diba?" - sabi nya pa,

Nakalimutan ko namang abno nga pala tong kausap ko, hindi nya na-gets yung meaning ko dun sa 'gusto', ang engot nya kahit kelan.

Pinapanood ko sya habang kinakain nya yung ice cream. Mukha sya talagang bata, ang amos nyang kumain. Tapos sunud-sunod pa yung subo nya. Hindi ba sya nabubulunan sa ginagawa nya? Hahaha

...

Maya-maya pa natapos na yung party at sumakay na kami sa sasakyan para makauwi na kami.

"Grey oppa, asan na si Guel oppa? Hindi pa ba sya uuwi?" - tanong ni Hell kay hyung,

"Ahh..si Guel? Bigla syang nawala kanina eh. Hindi na namin sya nakita. Sabi ni Iya, nakita nya daw na lumabas at sumakay ng taxi. Siguro umuwi na yun." - paliwanag ni hyung,

"Ahhh..naku bakit kaya?" - alalang-alalang sabi ni Hell,

"Baka naman sumama yung pakiramdam nya." - sabi ko kay Hell,

"Oo nga, kawawa naman sya." - sabi ni Hell, alalang-alala talaga sya.

Siguro masyadong dinamdam ni Guel yung pagkaka-reject sa kanya nitong si Hell na engot, buti na lang hindi to nakakaintindi ng english, mas pinili nya pa yung ice cream kesa kay Guel. Hahaha ang genius ko talaga.

"Harold hyung, nasisiraan ka na ba? Bakit ngumingiti ka ng walang dahilan?" - sabi ni Sam kaya napaisip naman ako, ngumingiti ako? Ahh..bakit nga ba?

"Ano ka ba Sam, sadya namang bipolar yang si Harold eh." - sabi naman ni Shane,

"Sa tingin ko, nasasaniban sya ng masama---este---mabuting espiritu ngayon." - sabi na naman ni Hell, agh naiinis ako pag sinasabi nya yun, sinamaan ko sya ng tingin,

"Hindi...ganyan talaga kapag inlove!" - Hans,

At lahat sila maliban kay Hell na engot na hindi gets ang sinabi ni Hans ay nag-'Yiiieeee' sa loob ng sasakyan, habang si hyung na katabi ko ay tinutusok-tusok yung tagiliran ko, nakakairita sila. -_-

___________________________________________________________________________________________________

Yehey! Isa na naman pong sabaw na update -_-

Anyways, sana po ay nagustuhan nyo pa din ang chapter na to. Hahaha. Grave tuyung-tuyo na yung utak ko. O-O

***

Waaaah thank you nga pala ulit kay HopelessInspirit_16 na nagbabasa nitong story ko, nag-comment at nag-Flood votes pa ♡_♡ Hahaha touch na touch talaga ako. Thank you so much :*

***

Please keep on reading. Super naa-appreciate ko yung 300 reads. Yup, sobrang po babaw ng kaligayahan ko. Hahahaha. Thank you so much :)

Annyeong ^^

The Moon and the StarsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon