Grey's POV
As expected nag-viral na sa lahat ng social networking sites ang mga video na nakuhanan ng mga netizens. Kasama na duon ang ginawa ni Harold.
Lahat kami dito hindi makapaniwala sa nagawa ni Harold. Alam naming maliit na bagay lang yun pero si Harold yung tipo ng tao na ayaw na nagpapakita sa publiko nang hindi presentable, pero kanina nung napanuod nya yung video ni Mimo, hindi na sya nagdalawang-isip na umalis kaagad, ni hindi na sya nagpalit ng damit, AT umalis sya ng bahay nang ang suot nyang tsinelas ay magkaiba. Sa kaliwa nyang paa yung tsinelas nya, yung sa kanan naman yung tsinelas ko since ako yung katabi nya kaya yun agad yung nadampot nya.
Wala na kaming nagawa para pigilan sya since choice nya naman yun. Si Sam, Shane, Daniel at Hans, busy sa pagre-report ng mga videos na may abusive na captions. Ginagawa nila ang lahat para mawala sa mga sns ang mga viral videos pero may isang oras na ang nakakalipas hindi pa rin nauubos yung mga videos na nakikita nila.
Samantalang ako naman, kino-contact ko si Harold. Naka-off ang cellphone nya. Nakakainis siguro lowbatt sya.
Pinabayaan ko na lang muna at tinulungan ko sina Hans na mag-report ng mga videos.
...
Pagkalipas ng ilang oras...
Medyo nabawasan na yung mga videos na nakikita namin. At wala na naman yung mga videos na negative ang captions. Kaya tumigil na muna kami.
*ting ting ting*
Narining kong tumutunog yung cellphone ko dahil may tumatawag. Pagtingin ko, laking tuwa ko dahil sa wakas tumawag na din si Harold..
["Hello, Hyung?"] - sabi nya mula sa kabilang linya,
"Harold! Ano? Nasan ka na? Kasama mo ba si Mimo?!" - sunod-sunod na tanong ko, nagsilapitan na din sakin yung iba nung nalaman nilang si Harold yung kausap ko, kaya naman ni-on ko yung loud speaker,
["Oo hyung. Kasama ko si Mimo, andito kami ngayon sa bahay ng lola ko dito sa Laguna. We'll stay here for good. Hanggang sa..hanggang sa maubos yung natitirang araw."] - sabi ni Harold,
"Ahh! Mabuti naman kung ligtas na kayo dyan. Anong balak mo?"
["Hyung this would be my last favor, matutulungan nyo ba ako?"]
"Oo naman."
"Oo hyung, tutulungan ka namin." - Sam,
"Oo nga Harold, kelan ba kami hindi naki-cooperate sa kalokohan mo. Hahahaha!" - sabi ni Daniel at binatukan ko sya kaagad,
"Oo nga game kami dyan!" - Shane,
"We're here to help you bro." - Hans,
["Naks naman, salamat talaga sa inyong lahat, mga abno man ay may pakinabang din."]
"Anong sabi mo?!" - Shane,
"Oo nga hyung? Mga abno kami?" - Sam,
"Sige, hindi ka na namin tutulungan." - Daniel,
["Joke lang naman! Hahaha! Okay ito yung plano ko, please, sana magawan nyo ng paraan. Itutuloy natin yung plano nating kasal namin ni Mimo, pero dito sa Laguna. Tanda nyo pa naman diba yung daan papunta dito?"]
"Oo naman, tandang-tanda ko pa yang lugar nyo dyan, walang nakakapasok na sasakyan dyan maliban sa kalabaw." - sabi ni Hans,
["Oo tama, ang sabi ni lola, meron daw ditong maliit na chapel. Duon, duon kami ikakasal, yun nga lang wala daw ditong pari na nagkakasal pag araw ng linggo. Kaya kayo na ang bahalang kumuha ng pari dyan sa Manila. Yung mga damit namin, yung wedding ring, lahat ng gagamitin sa kasal namin, dalhin nyo dito bukas ng umaga. Please agahan nyo, para maaga din matapos yung kasal namin ni Mimo. Dahil madami pa kaming pupuntahan after nun. Remember, walang oras na dapat masayang."] - sabi ni Harold,
BINABASA MO ANG
The Moon and the Stars
FantasiIsang babae ang masayang nabubuhay sa isang tahimik na kaharian bilang isang Prinsesa. Ngunit isang balita ang gumimbal sa kanya isang araw, ang kanyang buhay ay nahaharap sa isang mapait na kapalaran. Sa kagustuhan niyang maging masaya, ang kapalar...